“How much does it cost, Tita?” maamong saad ng katabi ko. Si Baltazar.As usual, bumili na naman s'ya sa tinda ni Mama. Nakagawian niya rin naman, bibili s'ya ng paninda at ihahatid na rin ako pa-school. Minsan sumasabay si Kuya Drakon sa may sakayan ng jeep.
Syempre di mawawala ang mapanghusgang mata ni Kuya, he asking kung ano kami ni Baltazar. Lagi ko sinasabi na magkaibigan lang kami at normal lang ‘yon, pero hindi sya naniniwala.
Akala mo siya walang tago na tinatago. Nung gabi di ko naman kasi sadya marinig ‘yon. Pero may ka call non si Kuya, di ko lang sure kung Renz o Terrence, basta ‘yon, tapos gago next ko na narinig may umungol. Edi natulog nalang ako maturedd roles na ‘yon eh.
“₱350 nalang ‘nak, bawasan mo na, since ikaw na lagi na hatid d'yan kay ting-ting,” sambit ni Mama. Sus nag ganyan talaga ‘yan kasi wala sa mood.
Paano ba naman yung pinapanood niyang Encantadia, imbis chronicles ng mga sang’gre naging chronicles papuntang devas haha, inis na inis sya, kulang nalang eh sampalin ni Mama ang director at scriptwriter.
“Wag mo na inisin…. wala ‘yan sa mood, namatay yung crush n'ya sa encantadia eh.” mahina kong bulong kay Baltazar.
Napamulsa naman siya. Panigurado di niya alam ang Encantadia, sa tagal namin na halos magkasama sa buong araw, wala talaga hilig si Baltazar, siguro tangkilikin ang sariling atin. Music taste palang puro western at european na kanta, sa movie more on american, mostly yung mga genre is thriller/suspense yung mga high potential— more on crimes.
“But tita, wala na po kayo tubo if ever,” maamong usal ni Baltazar. Naknang ayaw talaga sa akin makinig. As if gumawa yan ngayon eh wala sa mood, baka sunog pa maluto.
“Ang kulet mo talagang bata ka, balik puhunan ko lang talaga ‘yan, di ako magluto ngayon, namatay ang crush ko sa encantadia huhu,” ani ni Mama. Naknang di man lang i-ayon ang pag-inarte sa edad, bwisit.
“Ow. I'm sad for ur loss tita, saan po ba ang lamay so I can give some penny….” seryosong saad ni Baltazar.
Nagpipigil ako nang tawa. Tangina, seryoso talaga sya pagkasabi non, bwisit paano siya makikilamay eh, palabas yung tinutukoy ni Mama.
“Sa Lireo, anak huhu! Sobrang sakit! Sana ang tatay na lang nila ting-ting ‘yon hajaa!” gatong ni Mama kay Baltazar, pabiro pa ‘yon.
Nang magsalita si Baltazar. “How much po ba ang pamasahe Tita, I can drive you there if you want.” saad niya. Tumalsik ang konti ng laway ko, naknang grabe hagalpak ng tawa ko. Tangina.
Si Mama rin ay sumabay na sa tawa ko, si Baltazar naman ay tila naguguluhan bakit kami tumatawa. Nang maka bwelo na si Mama sya ang sumagot. “Palabas lang ‘yon, nak Baltazar, ikaw ha nahahalataan na kita… hihi.” makahulugang sambit ni Mama, isinawalang bahala ko nalamang “yon.
Si Baltazar naman ang nahiya ngayon, kitang-kita ang pagmula ng pisngi nito dahil sa kahihiyan. Ang cute pota, laking tao namumula pisngi at taenga.
Nagbayad siya ng limang daan at lumabas na kami sa bahay. Nang makalabas na kami, nagsalita ako. “Hahahahhhaha! Punta ka nga Lireo now na?” natatawa kong saad.
Sinamaan niya naman ako ng tingin. Mabilis ang naging lakad nito hanggang sa makarating kami sa nakapara niyang sasakyan. Pinagbuksan niya naman ako, pero alam nyo yung lamig na nagtatampo ganoon s'ya sa akin.
Grabe ang moody naman pala nitong pashenene na ‘to, kahit sino naman di ba, puntahan niya raw Lireo hahaha, yung crush kasi ni Mama is yung masha ng Lireo si Muros ata, kaedaran niya ‘yon eh.
