Prologue

12.4K 361 78
                                        


“Sir, marami pa po atang stock ng cement. Mas i-prio po muna natin ang mga bakal and bricks, baka maubusan. Since yung kalaban nating group doon din kumukuha.”

Napakunot ang noo ko. Kada may project talaga ako, hindi umaalis sa eksena 'tong kabilang kompanya. Tumango nalamang ako sa assistant ko bilang sang-ayon. Mas mabuti pa nga at maaga kami kumuha ng supply para di kami ma-short.

Estimated a month kasi ang project na ito, sa Mactan, Cebu. Isang water park, dahil na bored daw ang may-ari at wala naman na magawa sa lupain na 'yon, ginawa nalang tourist attraction.

Inayos ko ang kwelyo ng polo-shirt ko. Kinginang Pilipinas kasi 'to, sobrang init. Imbis kasi puno ang itanim, mga tarpaulin ng demonyo ang nakasabit sa mga kabahayan. Edi hininga ng demonyo ang lumagabgab.

“Archi Manuel, papunta na raw po ang head ng engineering department. Na-stuck daw sa may c5 po.” ani ng kung sino. Hahaha, to be honest di ko kilala masyado ang kasama ko ngayon. Kaya tango lang ang naging sagot ko.

Pero naknang. Alam naman na ang call time ay 8AM aalis ng ala syete, alam na traffic ang dadaanan niya.

Walang work of ethics ampota.

Inabala ko nalamang ang sarili ko. Di pa naman 'yon late. I see my watch at my wrist. 7:30 AM palang naman, pero estimated ma-late na ang head. Dahil kalahating oras kung umusad ang sasakyan sa c5.

“Archi kami na po bahala rito, roon nalang po muna kayo sa opisina,” saad ng trabahante.

Di ko siya pinakinggan. Nasanay na rin kasi talaga ako gumawa ng gawaing bahay. Hindi gaya noong highschool at senior high na si Mama at Kuya Drakon ang gumagawa.

Adulting is a real horror in life. Hindi mo aakalain yung di mo maisip na gagawin mo, magagawa mo na. I learned to be independent. Since pabago-bago ang lugar na nadestino ko. Hindi fixed. Kaya 'yon nasanay mag-adapt at makihalubilo.

I graduated from a prestigious school in Spain. I entered the College of Arquitecto at Escola Tècnica Superior d'Arquitectura de Barcelona, one of the most well known school in terms of Architecture and I graduated Matrícula de Honor, sa pinas ang katumbas ay summa cum laude.

Inisa-isa ko ang pagbuhat. Bahala na kung pagtinginan. Mabilis din ako pawisan eh, ewan ko ba. Pero wala naman ako amoy, since complete ko ang body wash. Sobrang arte at linis ko sa katawan. Ikaw ba naman may kapatid na doctor, araw-araw may free check-up sa call.

Aral, tulog, kain, work out ang ginawa ko sa buong college life. Wala ako masiyadong naging close roon, iilan lang, yung mga pilipino na migrant or exchange student, yung isa pa nga umamin eh kaso broken din ako non haha.

Rinig ko ang bulungan sa paligid. Pero di ko na pinansin. Ang oa naman ng mga tao rito sa pinas, pag boss kaba bawal ka gumawa ng gawain na para sa mga trabahante. Mas maganda nga kung mayroon ng bond sa team. Since, isang buwan din kami magkasama-sama, need bumuo ng magandang relationship.

“Ang bait talaga ng mga Da Vinci noh, kahit yung kuya niya, nag-assist sa mahihirap.”

“Oo nga Tonio, mabait na pogi pa noh. May lahi ba yan si bossing? Tingnan mo katawan oh barako tapos yung mata, may pagka espanyol.”

“Isipin mo pre. Da Vinci ang apelyido niya s'yempre may lahi ‘yan. Pero ang chismis ng anak ko, crush na crush niya yung kapatid niyan ni Bossing kaso bading daw.”

“Ay sayang naman. Pero wala naman masama, as long as masaya sila. Diba tol, pahanap mo nalang anak mo ng iba. Off limits na pala ang kuya, ayaw mo dyan kay Bossing baka tipo ng anak mo, model yon diba.”

“Parang mas high maintenance tong si Manuel eh. Pero masipag pre eh. Tsaka bossing natin ‘yan, dapat professional tayo rito tol. Antagal nung head ng engineering di tuloy makapagsimula.”

Pfft. Binugaw pa ako, nagbubuhat lang yung tao eh. Pero what? Bakla si Kuya? How come? Damn? Did I miss something? Bahala na by Saturday naman uuwi ako. Kuya will make a chika talaga.

Napatigil ako sa pagbuhat, nang bumukas ang glass door. Isang bulto ng lalaki ang lumabas. Hindi tangina...  isang bangungot 'to, potangina.

Malakas ang pabango nito, kaya lahat ay napatungo ang direksyon sakanya. Kingina, don't tell me ang head ng engineering ay ex ko? GAGO.

Mag early resignation na agad ako, potangina. Di ko maatim na kasama yan sa trabaho. Okay na roon sa maraming utos, wag lang diyan sa kumag na 'yan.

Kingina tumitigas ang kamao ko sa pagmumukha niya. He's on stoic face, nilibot ang tingin sa field. Nang tumama ang tingin namin, isang ngisi ang binigay ng gago.

“Nice meeting you, Architect Manuel. I'm sorry for late arrival. Shall we start again?”

Damn. Wala to sa narrative ko, kingina.

Batchelor Series #1: The ArchitectureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon