MICHELLE [PROLOGUE]
Black crop top, black jeans, vans with a choker is the perfect outfit for today. I just need to finish up with my eyeliner and red lipstick.
Nang matapos na akong maglagay ng make up saaking mukha ay tinignan ko na ang sarili ko sa salamin.
"Ready to go," sabi ko sa sarili.
Ngayon ang unang araw ko sa isang boarding school. Hindi ko naman gusto pumasok doon pero mapipilitan ako dahil ayoko naman tumira dito kasama ang asawa ni Mama. Sadyang di ko lang talaga gusto ang asawa ng Mama ko. Ayoko ng lumalapit pa sakanya dahil hindi lagi maganda ang pakiramdam ko tuwing nalalapit siya saakin.
He's like taking me back to the past....
Umiling ako sa sariling iniisip bago napagdesisyonang lumabas na ng kwarto. Maliit lang ang bahay nila Mama at kapag labas mo ng kwarto ay kusina na. Mayroon lang dalawang kwarto, isang CR, sala at kusina ang maliit nilang bahay. Magdadalawang linggo na ako sa bahay na ito pero hindi ko na kaya. Buti nalang talaga ay nakilala ko ang mga magulang ni Mama.
Tuwang-tuwa sila ng makita ako kaya ng sinabihan ko sila na ayaw ko tumira dito ay agad nilang naintindihan.
Simula pagkabata ko ay sila Papa at ang mga magulang niya na ang mga kasama ko. Isang gabing pagkakamali ang nangyari sa mga magulang ko noon pero kahit na bunga ako ng pagkakamali hindi ipinaramdam saakin ni Papa iyon.
Lahat ng maaring ibigay saakin ay ibinibigay niya. Ganoon narin ang mga lolo't lola ko, kahit anong gusto, bigay agad. Mayaman ang pamilya nila Papa kaya kahit anong hiling ko ay natutupad. Nagiisang anak at apo rin nila ako kaya ganoon.
Bago naging legal ang edad ko ay tsaka ko lang namalayan na nabubuhay ako ng wala ang Mama ko. Never ko siyang tinanong tungkol sa kanya dahil sapat na saakin kung sino ang nasa paligid ko. In short, masaya ako at kontento.
Pero hindi pala sa lahat ng panahon ay magiging masaya ka.
Araw ng aking debut ng magkaroon ng ambush sa event kung saan kami nagdiriwang ng kaarawan ko. Nagbabarilan ang lahat habang ako ay naninigas dahil sa nakikita ko. Ang duguang bangkay ng aking mga mahal sa buhay.
"Oh, handa na pala ang aking apo." Para akong nabalik sa kasalukyan ng batiin ako ni Mamay. Tipid akong ngumiti sa sinabi ni ng nanay ni Mama.
Nakilala ko sila ni Papay noong isang araw dahil bumisita sila rito para makilala ako.
Nagkwentuhan kami pero buti nalang at hindi nila ako tinanong sa nangyari.
Ayon kay Mamay, mayaman ang pamilya nila kaya nagulat ako ng makita ang bahay ni Mama na ganito. Maliit ito at parang ito lang ang lounge ng mga maid namin sa bahay.
Mas pinili daw ni Mama na makipagtanan kay Arman0 kaysa sa sundin sina Mamay at tumira sa naglalakihang mansyon nila. Ayokong tawaging 'Tito Arman' ang asawa ni Mama dahil hindi ko siya gusto.
Ganoon talaga kung ayaw ko, ayaw ko.
"Kumain muna po kayo ng almusal," nagkibit-balikat lang ako sa aya ni Arman. Muntik narin akong umirap pero pinigilan ko dahil nandito si Mamay.
"Do you want to eat here or we could go out for breakfast?" nangingiti na suhesistyon ni Mamay saakin.
Ngumiti ako. "Sure, baka malate narin ako."
"Ok, I'll call the driver for your bags." Iniwan niya ako dun kasama si Arman kaya di ko napigilang mag walk out at irapan siya.
Napatigil na lang ako ng marinig ang boses ni Joy. "Ganyan ba talaga ang ugali mo? Wala kang utang na loob at respeto."
Si Joy ang nagiisang anak nila Mama at Arman. Simula pala ng pagdating ko dito ay hindi ko na siya gusto dahil sa pakikitungo niya saakin. Wala naman din akong pake sakanya kaya hinayaan ko nalang siya.
Tignan ko lang siya sandali bago tuluyang naglakad papuntang sofa. Doon nakita ko si Mama na kausap si Papay. Mukhang seryoso ang pinaguusapan nila kaya kahit mahina ang boses sinubukan kong pakinggan at nagtagumpay naman ako dahil narinig ko silang pinaguusapan ako.
"....I think this is the best way for her to be her self again, anak." ani Papay.
"But Pa, maikling panahon ko palang nakakasama ang anak ko tapos ihihiwalay niyo na siya agad saakin." Sagot naman ni Mama. Inaamin ko simula ng makasama ko siya sa ospital noong nagpapagaling ako ay hindi ako komportable makipagusap sakanya. Napilitan lang din akong sumama sakanya dahil ang iisang taong kakilala ko ay hindi pa maayos ang kalagayan.
"I undestand, anak— Michelle, are you good to go?" Nabigla ako sa paglingon saakin ni Papay pero 'di ko iyon pinahalata.
Ngumiti ako. "Yes, Papay."
Tumayo siya at binalingan muli si Mama. "Aalis na kami. Michelle you should say bye to your Mama. Matagal-tagal rin kayong hindi magkikita." Saakin naman tumingin si Papay ng may ngiti sa mukha.
Napalunok ako at dahan-dahang tumingin kay Mama. She actually, looks like me. Para akong Xerox Copy ng mukha niya. Ang tanging nakuha ko lang ata kay Papa ay ang pagu-ugali. Matapang at kayang ipaglaban ang karapatan.
"Bye," 'yun lang ang nasabi ko.
"Come on, let's go. Baka malate ka na sa school mo," sabi ni Mamay na kakapasok lang sa bahay.
Bigla namang tinawag ni Mama si Joy. Nagmamadaling lumapit si Joy kilala Papay at Mamay para magpaalam. Nginitian lang siya ni Mamay pero si Papay ay niyakap siya.
Napansin ko na hindi masyadong nakikipag usap si Mamay kay Joy at Arman kapag bumibisita sila dito. Siguro ay hindi talaga gusto ni Mamay si Arman para kay Mama.
"Let's go na!" hinila na ako palabas ni Mamay at pinapasok sa kotse nila.
Hindi na ako tumingin sa bahay nila Mama at binigay ko ang atensyon sa kalsada.
''You really like black colors?'' Bahagya akong napatingin kay Papay na nakaupo sa harap ng kotse.
''Yes,'' maikli kong sagot bago tumingin ulit sa labas ng kotse.
I can't believe that I'm going to a boarding school. Wala naman akong pake kung saan akong eskwelahan mapunta pero lahat ng ito ay nakakapanibago saakin.
Kung dati si Daddy ang maghahatid saakin papuntang school tuwing unang araw, ngayon sila Mamay na.
I miss Daddy.
BINABASA MO ANG
MICHELLE
General FictionA girl named Michelle went to a boarding school of her own free will. She would not have been there if those who raised her had not died. She chose to go to boarding school rather than live with her mother she had not seen for a long time. Everythi...
