CHAPTER 6

25 7 1
                                    

MICHELLE [CHAPTER 6]

"I have things to do."

Bumuka ang bibig niya pero walang lumabas doon. Tumingin siya sa kung saan kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang mukha niya.

Maganda ang hugis ng mukha, matangos ang ilong, mapulang labi at higit sa lahat maganda ang kanyang mata. His blue eyes that never failed to make me stare at him. His face is so angelic but I can't always trust looks. Looks can be deceiving, ika nga.

The devil never reveal himself. Umiling ako sa sariling inisiip at humarap ng maayos kay Kencio nang makatanggap ng mensahe mula kay Daisy.

Daisy:
The driver's waiting for you outside.

"I have to go."

"Saan ka pupunta? Sama ako."

How on earth did he even know that I'm going out?

"No, thank you." Sabi ko bago ko siya tinalikuran.

"Michelle, please. I know about the case."

Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya. Mukhang nagsisi siya sa sinabi niya dahil sa pagsapo niya sa kanyang mukha.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nakapameywang niya akong hinarap. "May alam ako tungkol sa kaso."

Sasagutin ko na sa siya pero biglang nagring ang cellphone ko.

"What?" Unang sinabi ko ng sagutin ko ang tawag ni Daisy.

"Bawal mag antay ng matagal ang driver. There might be a paparazzi there."

I sighed in frustration and ended the call. "Sumama ka sakin."


Mabilis ang bawat hakbang ko kasama si Kencio sa loob ng pulisya. Inaantay na ako nila Daisy at ang attorney ng pamilya namin. Lahat ng mga police na nadadaan namin ay napapatingin saamin pero hindi ko 'yun pinansin.

Anong klaseng rason ang ibibigay nila saakin para lang isarado nila ang kaso. That's ridiculous.

Walang pagaalinlangan kong binuksan ang opisina kung nasaan sila Daisy.

"Good morning, Ma'am." Agarang bati nila saakin.

"Anong ipapasara ang kaso? Did I order you to close the case just because of your stupid reason?" Halos sumabog ang ulo ko sa galit.

"Michelle calm down—"

Tinignan ko si Daisy. "How can I calm down? Police na sila niyan?" Tinignan ko ulit ang mga nasa police na nasa harapan.

"Maam siguro antayin nalang natin si Chief," ani ng isang pulis na hindi makatingin ng maayos saakin.

I rolled my eyes because of frustration. I stiffened when I heard Kencio, in my back, cleared his throat. I almost forgot na nandito siya.

"Let's get some air," he whispered to me. Tumango ako sakanya. Binigyan naman ako ng nagtatanong na mukha ni Daisy, pinanlakihan ko lang siya ng mata bago sumunod palabas kay Kencio.

Para akong bata na handa ng pagalitan ng magulang dahil sa aking ginawa.

"S-saan tayo maguusap?" tanong ko, nauutal pa.

"Your car," maikli niyang sagot. Tumango ako kahit hindi naman niya nakita dahil nasa likod niya ako. Ngayon ko lang napansin na naka jersey pa siya. Malapad ang kanyang balikat at mahaba ang kanyang mga binti. I look so small whenever I'm standing beside him.

Natatarantang inubos ng driver ang pagkain niya at lumapit sa aamin para pagbuksan kami ng kotse.

"B-babalik na po ba tayo sa school nyo?"

Sasagutin ko na sana and driver kaso inunahan ako ni Kencio. "No. Maguusap pa kami." aniya sa matigas na boses. He looks really serious.

Pinauna niya akong sumakay sa backseat bago siya sumakay.

"Start talking." Diretso kong sabi kahit pa tinitimbang ko ang kanyang gagawin.

"Pinasarado nila ang kaso hindi dahil sa binigay nilang rason sayo."

Kunot ang noo ko nang binalingan siya. "What do you mean?"

Bumuntong hininga siya at diresto akong tinignan. "Isinarado nila ang case dahil binayaran sila ng mga pumatay sa Papa mo."

Hindi agad ako nakapagsalita. I don't understand. Why? Who killed my family? Madaming katanungan ang bumalot saakin pero mas pinili kong makinig kay Kencio.

"Mayaman at kayang-kayang bayaran ng pumatay sa Papa mo ang lahat ng taong humahawak ng kaso pero syempre mababayaran lang ang gustong magpagamit.''

"A-anong ibig mong sabihin? Madami ding kakilala si Papa na nasisiguro kong maibibigay ang hustisya sa nangyari sakanila."

Kumunot ang noo ni Kencio. "Gaano ka nasisiguro na mabibigyan nila ng hustisya ang pagkamatay ng Papa mo?" Madiin niya talagang sinabi ang "nila" pero maliban doon ay nagulhan ulit ako.

Hindi ko alam kung ayaw ko lang bang malaman ang totoo kaya ako nagbubulagbulagan o hindi sapat ang mga sinasabi ni Kencio para makumbinsi akong maniwala sakanya.

"Alam kong hindi ka naniniwala saakin."

Nag-iwas ako ng tingin, "Buti at alam mo."

"Look, I've been gone for months because I was studying and—"

"I didn't ask," putol ko sakanya. Kahit kating-kati na akong malaman kung bakit hindi ko siya nakita noong mga nakaraang buwan ay mas pinili ko paring pataasin and pride ko. What can you say, I'm a Sta. Cruz.

He sighed. "And I was doing my own investigation with the case."

Napalingon ako sakanya. "Anong sabi mo?"

Umigting ang panga. "Ang sabi ko, gumagawa ako ng sariling imbestigasyon tungkol sa kaso ng Papa mo."

"Why? Why are you saying this to me?" 

"Kasi walang kwenta ang mga police at isama mo pa diyan si Attorney Otis."

"Bakit pati si Attorney Otis? Pinagkakatiwalan siya ng pamilya namin. Tapat siyang—"

"Tapat? Ah, kaya pala inuubos niya lang ang pera na ipinapatago ng Papa mo." Halos pasigaw niyang sinabi iyon.

Naginit ang ulo ko dahil sa mga kilos niya. "Bakit mo ba 'to sinabi, ha? Para siraan ang mga taong nakapaligid saamin?"

"Hindi sila tapat at lalong hindi ako naninira ng tao. I'm just stating the facts because those fuckers won't stop until they get what they want!"

Sinampal ko siya. "Don't shout on me! Ganyan ba kayong mga lalaki? Ha? You would always shut the girls out just to fight for your own opinion."

Natulala siya sa ginawa't sinigaw ko pero kalaunan ay pumungay ang mga mata niya. "I'm sorry. I was just—"

Hindi ko siya pinatapos at lumabas ng kotse.

I'm going back inside. I have an unfinished business. They should all know that they're fighting an evil.

Nobody should close the case until the suspect is in jail.

We should all receive justice.

MICHELLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon