MICHELLE [ CHAPTER 1]
Kahit magiisang linggo na ako dito sa boarding school na pinasukan ko ay nalilito parin talaga ako. Hindi ko matandaan ang mga classroom na susunod kong papasukan.
Lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkagulat. Tumunog kasi ang bell at iyon na ang hudyat ng pagsisimula ng susunod kong klase. History pa naman iyon. Hindi nakapasok ang teacher ko sa History sa mga nakaraang araw kaya ito ang unang araw na makikilala ko siya.
Nagsisimula ng maglakad patungong mga classroom ang ibang mga estudyante at parang ako nalang ang matitira ulit, kagaya kahapon.
Habang hinahanap ang classroom ko ay naalala ko ang mga nangyari saakin noong mga nakaraang araw.
Nang makaalis kami sa bahay nila Mama ay gaya ng sabi ni Mamay ay pumunta muna kami sa isang restaurant. Nagusap kami tungkol sa papasukan kong school dahil sa totoo lang ay hindi ko pa iyon napupuntahan. Binilinan din nila ako sa mga bagay-bagay sa buhay bago ako pinakawalan kaya andito ako ngayon hinahanap parin ang classroom ko.
Sa mga nakalipas na araw ay wala parin akong kaibigan kaya wala akong kasama ngayon. Sa dorm naman ay wala pa akong roomate pero ang sabi naman saakin ay dadating siya ngayong araw.
"Nadaan ko na 'to kanina, e." Bulong-bulong ko sa sarili ng mahanap ko ang classroom. Unang araw ko palang sa klaseng 'to kaya hindi na ako magtataka ng biglang napasimangot ang ibang estudyante saakin. Ang propesora naman ay natigilan sa pagtuturo at nginitian ako.
"You must be the new student?" tanong niya saakin.
Tumango ako. "Yes, I'm sorry if I was late. I was having a little trouble with finding this room."
"It's alright. Come here." Sumunod ako sa sinabi niya bago niya binalingan ang ibang estudyante. "This is your new classmate, her name is-"
''Michelle,'' pagpapatuloy ko sa sinabi niya.
"Michelle?"
I took a deep breath before answering again. "Michelle Harper Sta. Cruz."
"Her name sounds angelic but, her makeup doesn't match it." Narinig kong sabi ng isa sa mga magiging kaklase ko. Madami ang mga estudyante dito at wala akong panahon para tanawin kung sino iyon. Ano naman ang mayroon sa make up ko at pinoproblema niya iyon?
Hindi ako nagsalita o tumango sa sinabi niya dahil wala akong pakealam sa kanya o sa mga sinabi niya.
"For me, she's really beautiful." Sabi ng propesora sa tabi ko bago tinuro ang uupuan ko. "You can seat beside Delilah."
Tumango nalang ako at umupo sa tabi ng babaeng ibang-iba sa akin. She's wearing the same uniform I'm wearing but she's more girly. Girly as in girly siya while I'm a diffrent girly. With my winged eyeliner and red lipstick, ibang-iba ako sakanya.
"Hi! I'm Delilah," pagpapakilala niya saakin ng makaupo ako.
"Hey there, Delilah. I'm Michelle."
Iyon lang ang pagu-usap namin dahil nagpatuloy na ang propesora sa pagtuturo. Mrs. Rodora kung tawagin siya.
"Ok, that's all for today." pagaanunsyo ni Mrs. Rodora.
Lahat ng kaklase ko ay naghiyawan sa tuwa habang ako ay tahimik na nagliligpit ng gamit.
Tumayo ako at handa ng lumabas ng classroom nang biglang nagsalita si Delila saaking tabi.
"Hey, are you gonna have lunch?" Nlingon ko siya at tumango.
"You can join me and my friends?"
Nagtaas ako ng kilay.
"They're the only people I know here. Don't worry they don't bite."

BINABASA MO ANG
MICHELLE
Fiksyen UmumA girl named Michelle went to a boarding school of her own free will. She would not have been there if those who raised her had not died. She chose to go to boarding school rather than live with her mother she had not seen for a long time. Everythi...