CHAPTER 2

32 7 1
                                    

MICHELLE [CHAPTER 2]

Natapos ko na lahat ng klase ko ng umalis ako sa cafeteria.

Gusto ko sana lumabas kaso bawal, mahigpit kasi ang school na ito kaya napagdesisyonang kong ayusin nalang ang dorm dahil baka dumating na ang roomate ko.

Hindi pa ako nakakalapit sa dorm ay may mga nagpapasok na doon ng gamit, mayroon ding nagiiyakan na mag-ina. Tumikhim ako para mapansin nila ako at hindi naman ako nagantay ng minuto dahil lumingon agad sila saakin.

Nakita kong nanlaki ang mata ng isang babaeng matanda na talagang sumisigaw ng pagiging mayaman. Mukha siyang yayamin kahit napaka simple lang suot niya.

Ang kasama niya namang anak ay nakasuot ng floral na bistida at heels. Maganda siya, infairness. Nginitian niya ako at halos mapatalon ako ng bilaan niya akong niyakap.

"Roommate!" Tili niya.

Pinigilan kong itulak siya para masubsob siya sa sasahig. Bumuntong-hininga at umirap nalang ako sa hangin. Argh, another annoying creature in my life.

"Omg! You're so hot and pretty!" Sabi niya habang sinusuri ako. She looks really jolly while she was observing me.

"Mary, you should give respect. You can't just jumped to people like that." Sabi ng babae na kanina lang ay kaiyakan nitong Mary. Hindi ko na kailangan magbulaglagan dahil sigurado akong nanay niya ito.

"Opsieee, sorry!" Nagpeace sign si Mary saaki.

Nangiwi lang ako sa ginawa niya at sinulyapan ang kwarto naming punong-puno ng kanyang gamit.

"Hi, I'm Mrs. April Brexley and this is my daughter Heather Mary Brexley." Napatingin ako kay Mrs. Brexley. Brexley sound so familiar to me. "My husband is one of Mr. Sta. Cruz's business partner."

Nang nabanggit niya si Papa ay para tinutusok ang puso ko. Pangalawang beses sa isang araw. How happy would this day be? Isahin niyo na! Baka may pa supresa pa mamaya. Baka mamaya i-k-kwento niyo na saakin kung paano niyo nakausap si Papa noong mga araw na buhay pa siya.

Simula talaga ng namatay si Papa ay ayoko ng nababangit siya ng kung sino. Hindi gustong pinaguusapan ang nangyari dahil para akong sinasaksak ng ilang beses.

"Mom," mahinang sabi ni Mary.

"Oh, I'm sorry." ani Mrs. Brexley.

Sinulyupan ko lang sila bago pumasok sa loob at nilapag ang mga gamit ko. Pagkatapos ay lumabas ulit ako, nilagpasan ko sila at dumeretso sa likod ng school.

Isang malaking soccer field at mga benches lang ang nasa likod ng school kaya wala masyadong tao maliban sa mga soccer players na nagpa-practice.

Umupo ako sa isang bench malayo sa mga nagpa-practice.

Sinuot ko ang earphones ko at nagpatugtog habang pinapanuod ang mga taong nandoon.

Ilang minuto palang ako doon pero nakita ko na ang mga titig ng mga tao. Pati mga soccer players ay nakatingin sa gawi ko, lahat sila ay nagtatawanan habang nakatingin saakin.

Wait, is it me? Dahan-dahan akong tumingin sa likod ko at halos mapatalon ng nakita ko naman ang lalaki sa cafeteria kanina. Kencio ang pangalan niya, sa pagkakatanda ko.

Kanina kasi pagka walkout ko ay wala ng sumunod saakin pero narinig ko ay pagtawag nila Delilah saakin.

"Ice cream?" nangingiting tanong ni Kencio sa harap ko.

Kumunot ang noo ko at tatangihan ko na sana ang ice cream pero ng makita kong Vanilla iyon ay tumango ako.

He chuckled. I stiffened. Tumaas lahat ng balahibo ko sa tawa niya pero binaliwa ko 'yun sa pamamagitan ng pagkuha ng vanilla ice cream.

"KEN LANG MALAKAS!" I heard from somewhere.

"Is this sit taken?" Tanong niya. Tinignan ko ang tabi ko at ibinalik ang tingin sa ice cream.

"You're not much of a talker, aren't you?"

Madaldal ako, actually. Lahat ng bumibisita sa mansion namin ni Papa ay talagang pinupuru ang pagiging madaldal ko. Well, nagdadaldal ako kung alam ko ang pinaguusapan. In short,  I have a smart ass.

Binuksan ko ang takip ng vanilla ice cream at simulang kainin. Mayroong libreng kutsara sa gilid ng container kaya ready-to-eat na.

"So, why did you choose to study here?"

Napatigil ako ng sandali sa tanong niya, "This is a great school."

"Oh, so you do talk?" Parang manghang-mangha siya sa pagsasalita ko kaya umirap ako sa hangin.

Silence ate us as we eat the vanilla ice cream. Nakarinig ako ng mga sigaw galing sa mga soccer players pero binabaliwala ko lang 'yon.

"WHOO! MANOK KO 'YAN!"

"WAY TO GO FELIX!"

"SABI NG HEADMISTRESS BAWAL ANG PDA!"

"SANA ALL!"

"ATTENDANCE TAYO MGA SINGLE!"

"WAG KAYO MAG KALAT!"

Umiling nalang ako sa mga talak nila. I felt peaceful eating ice cream while staring at the sunset.

Para saakin, sunset ang pinaka paborito kong oras sa araw-araw. 'Yung paglubog ng araw ang isa sa mga bagay na nagpapasaya saakin dati. Well, ngayon siya nalang. Siya nalang 'yung nandyan kapag malungkot ako. Kahit sa malayo makikita ko siya, sila Papa hindi na.

"Are you ok?" Nanigas ulit ako sa kinauupuan ko ng marinig ang boses ni Kencio. Para akong kinikiliti dahil sakanya.

"Yes, thank you for the ice cream." Sabi ko ng napagdesisyonang aalis na. Kailangan ko naring magpahinga.

Tumayo rin siya agad ng tumayo ako.

"Hey, uhmm....I'm really sorry for my friends. What they did earlier is stupid."

I raised a brow. ''Yes, it's so brainless.''

"And I hope you'll eat ice cream with me again," Matamis siyang ngumiti saakin bago ako tumango at umalis.

Hindi ko alam kung bakit nagiinit ang mukha kaya binilisan ko ang paglakad pabalik sa dorm. Pinagtitignan pa ako ng mga estudyante dahil sa bitbit kong ice cream na sa tingin ko ay hindi ko mauubos ngayong araw lang.

I mean I love Vanilla Ice Cream but too much Ice cream is just too sweet.

While I was walking back to my dorm, I saw Headmistress Ology talking to the reports and police.

Nangunot ang noo ko sa nakita. Bakit sila nandito? Sila rin ang naroon sa ospital pagka-gising ko. Are they here for an investigation? Sino naman ang kakausapin nila?

Natapos na ba ang investigation sa case nila Papa?

Bago pa ako makalapit ay may humawak na sa aking braso at hinatak ako palayo doon.

"Hey, wait! I'm getting hurt!" Sabi ko habang pinipilit na tanggalin ang braso ko sa mahigpit niyang pagkahawak.

"Shh!" Tinakpan ni Kencio ang bibig ko habang ang ibang estudyante na naglalakad malapit sa dorm building ay nakatingin lang saamin.

WHAT THE HELL IS HAPPENING!?


"What is your problem?" I almost screamed at Kencio when he let me go.

"I'm sorry," was the first thing he said.

Bakit niya ako nilayo doon? Lalong lumakas ang kutob ko na nandito sila para saakin at malalaman ko na sana kung hindi lang sa lalaking ito.

"Why did you do that!?"

Kinagat niya ang labi niya bago sumagot. "Look, you can't tell anybody that I told you this...."

Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

MICHELLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon