Chapter 5

19 6 0
                                    

MICHELLE [CHAPTER 5]

Buwan na ang lumipas pero hindi na kami ulit nagusap ni Kencio. Kapag nagkakasalubong kami ay sinusulyapan ko lang siya at 'yun na 'yun.

Madaming nagpapadala saakin ng pagkain at kung ano-ano pagkatapos ay nagtatanong kung pwede ba daw akong ligawan pero lagi kong tinatangihan. I have no time for boyfriends.

Isang umagang maayos ang luto ni Heather ay pumunta ako ng gym.

Nagwarm up muna ako dahil kailangan 'yun.

Ginawa ko ang mga work outs at yoga na madalas kong ginawa nitong mga nakaraang buwan. Pagkatapos noon ay napagdesisyonan kong bumili ng shake sa mga junior high school na nagtitinda para sa upcoming christmas party nila.

"Isang avocado and strawberry shake." Nagorder ako ng para saakin at para kay Heather dahil gumagaling na siya sa pagluluto. Sabi niya ay nagpapaturo daw siyang magluto sa kaibigan niya at nanonood din siya ng mga video ng mga cooking tutorials.

Habang nagaantay ako sa shake ko ay may mga napadaan na mga teachers na nagj-jogging. Pinuri nila ang kaseksihan ko kaya tinawanan ko ito at nagpasalamat.

Matatagalan pa daw ang order ko dahil naubusan ng yelo at pupunta pa ang kanilang teacher sa malapit ng convience store sa labas ng school.

"Oy, Kuya Ken. Anong atin?"

"Buko shake." Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang boses ni Kencio sa tabi ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng nandito siya sa harap ko.

Lumayo ako ng isang metro sakanya dahil baka maamoy niya ako. Fresh from the gym ako tapos nag jog pa ako papunta dito. So, ibig sabihin mabaho at pawisan ako.

"Long time no see, Michelle." Parang natutunaw ang mga tuhod ko dahil sa boses niya. I took a deep breath before looking at him.

"So? Ano ngayon?" Pagtataray ko. Seryoso? Argh! Anong klaseng sagot 'yun?

Tumawa siya. "Ang taray pa din."

Hindi ko napigilang ngumiti. He's quite funny.

"Sir! Amina na po!"

"Sir hereee!"

Bumalik sa kaninang mga ginagawa ang mga estudyante ng dumating ang teacher nila kasama ang ilang mga college student na mga lalaki na may dalang yelo.

"Hello, Michelle." I didn't even looked when one of the college student called me. Hindi ko sila kilala kaya bakit ko sila bibigyan ng pansin.

"Ay, Cap! Andyan pala kayo."

"Oo kanina pa," sinulyapan ko si Kencio dahil sa matigas niyang pagsasalita. He's mad, I think.

"Here's your avocado and strawberry shake,  Ate Michelle." Lumapit ang isang babaeng estudyante saakin, binibigay ang shakes na inorder ko.

"Oh, thank you!" Inabot ko ang bayad sa kanya habang kinuha ang isang shake at nang makuha niya na ang bayad ko ay kinuha ko naman ang isang shake.

"Thank you po, come again!" Lahat ng estudyante ay nagpasalamat saakin.

"Cholo, salamat!" Napalingon ako kay Kencio na tapos ng magbayad. Lumingon siya saakin pero agad akong nagiwas ng tingin.

Lumakad ako palayo sa kanila pero napatigil lang ng tinawag ako ng Kencio.

"Michelle, wait up!"

Tinignan ko siya at tinaasan ng kilay pero tumawa lang siya.

"What?" pagtataray ko sakanya kahit ang totoo lang ay hindi ko kayang humarap sa kanya.

MICHELLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon