MICHELLE [CHAPTER 9]
"What about the case?"
"Nahanap na nila ang bumaril sa Papa mo."
Nanlamig ako. I don't know what to react. Sa totoo lang ay hindi ko nakita silang lahat. They were wearing a mask.
Even those people who.....I don't want to remember the things they did to me.
"Hello? Are you still there?"
"Yes. What were you saying?"
"Ang sabi ko nahanap na nila ang bumaril sa Papa mo. If you want to meet him, I can talk to your headmistress." ani Daisy.
My hands are shaking. I nodded, kahit hindi naman nakikita ni Daisy. "I'll—uhm...I'll just change."
Binaba ko ang linya at napatulala sandali. Pinroseso ko sa utak ko ang mga sinabi ni Daisy saakin.
Nahanap na nila ang bumaril sa Papa mo....
Dali-dali akong bumalik sa dorm at nagpalit ng damit. Nagtanong si Heather kung saan ako pupunta pero hindi ko na siya nasagot dahil sa pagmamadali.
Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali. Kinakabahan ako na ewan. Anong sasabihin ko mamaya? Paano ko siya haharapin?
"Maam, nandito na po tayo." Para akong nabalik sa kasalukuyan dahil sa pagtawag saakin ng driver.
Tumango ako sakanya at tinignan ang labas ng police station kung saan ako pumunta noong nakaraan.
Pinagbuksan ako ng driver ng pinto.
"Thank you," ani ko.
Ngumiti lang siya bago ako pumasok sa loob ng police station.
Kagaya noong nakaraan, lahat ng mga pulis ay napapatingin saakin at ang mga iba ay natatahimik pa. Kung makatingin sila ay parang ako ang mamamatay tao dito.
"Good morning, Michelle." Bati ni Daisy saakin ng makapasok ako sa opisina.
Tumingin ako sa buong opisina. Tanging kami lang ni Daisy ang nandito.
"Where's Attorney Otis?"
Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry. I should have told you earlier."
"What do you mean?" tanong ko dahil hindi ko maintindihan.
"Si Attorney Otis ang bumaril sa Papa mo."
Muntikan akong matumba sa pagkabigla.
No! No way! Attorney Otis is my ninong! Kung mayroong isang tao na pagkakatiwalaan ni Papa maliban sa amin na pamilya niya ay si Attorney Otis 'yun. They're like brothers.Attorney Otis was there when Papa had a problem and so do Papa. Papa's always there whenever Attorney Otis needs him. Why? Why does it have to be like this?
Bumagsak ang mga luha ko. Bakit niya pinatay si Papa? Did he planned this?
Humahagulgol ako ng biglang bumukas ang pintuan.
A old man in a suit walked in. He looks so handsome at the same time, he looks so tired.
"Good morning, Attorney Felix." Binigyan ako ni Daisy ng tissue bago nakipag kamay sa lalaking dumating. An Attorney. Does that mean—
"Good morning, Ms. Sta Cruz. I'm Attorney. Felix. Your new attorney."
"What?" Kunot noo kong tinignan si Daisy.
"He's a very good attorney. Lahat ng kasong nabibigay sakanya ay naipapanalo niya. Mabuti nga at napapayag ko siya—"
"Bakit ka kumuha ng bagong attorney na hindi dumadaan saakin? Ikaw ba ang boss dito?"
Halatang nagulat si Daisy sa inasta ko. Napapikit ako. I'm not like this before, kaya siguro siya nagulat.
Dati lagi akong ngumingiti na para bang ang buhay ko ay nasa isang disney movie. Totoo naman eh. Ang buhay ko dati ay hindi normal na makukuha ng mga tao dito sa mundo. Lahat sila ay kailangan pang magtrabaho habang ako ay isang salita lang ay nandyan na agad.
But ofcourse I share my blessings. Tuwing pasko at kaarawan ko ay nagpapabigay ako ng mga pagkain sa mga batang nasa lansangan.
"I-I'm sorry. I'm stress out and now—"
"It's ok." Hinawakan ni Daisy ang kamay ko.
Matagal ng nagt-trabaho si Daisy para kay Papa. 17 palang ata si Daisy noong naging sekretarya siya ni Papa. Si Daisy ang pinapapunta ni Papa sa meeting sa school kapag hindi siya makakadating. Ayos lang naman saakin iyon dahil makakasama ko rin si kuya Zrito, pinsan ko.
Naalala ko noon na tinanong ako ni kuya Zrito kung pwede ba daw niyang ligawan si Daisy, syempre pumayag ako pero ngayon hindi ko na alam kung anong nangyari sakanila ni kuya Zrito. Simula kasi noong pumunta si kuya Zrito sa LA para ipagpatuloy ang pangarap niya bilang singer ay wala na akong nabalitaan tungkol sa kanila ni Daisy.
Kuya Zrito is like my brother. He's there if Papa's away for work. Ngayon, bali-balita na ikakasal na raw siya. Hindi ako sigurado.
"Do you want a tea, sir?" Daisy asked attorney Felix.
"Yes, please."
Tumango si Daisy at iniwan kami doon ng attorney.
"Let's have a seat," iminuwestra niya ang upuan sa gilid ko. Umupo ako doon at siya naman ay umupo sa harap ko.
"I'm gonna be straight, Ms. Sta Cruz."
"Michelle. Just call me Michelle."
He smiled. "Michelle...I'm gonna direct to my point."
Tinignan ko lang siya, walang pake kung malaking bayad ang gusto niya pero nagulat ako sa gusto niya.
"Kinuha ko ang kaso na ito dahil sa anak ko at para narin layuan mo siya."
Kumunot ang noo ko. "I'm sorry, what?"
"Kencio. Kencio Felix is my son and he's in a fix marriage."
Nalaglag ang bibig ko at parang tinutusok ng karayom ang puso ko dahil sa narinig. Kencio? As in Kencio?
"Stay away from my son because sooner or later, he's gonna be a maried man."
"Sabihan niyo mang lumayo ako sa anak niyo o hindi, lalayo ako. He's not my type...." Kahit sa totoo lang ay nagugustuhan ko na siya. Hindi ko alam kung dahil siya ang unang lalaking gumagawa at nagpaparamdan saakin ng mga bagay na ito o talagang gusto siya.
He was there when I felt lonely. He was there when I was pushing him away.
Nasasaktan ako kasi gusto ko siya at ikakasal narin siya. Pero kanino?
That girl should be really good.
BINABASA MO ANG
MICHELLE
General FictionA girl named Michelle went to a boarding school of her own free will. She would not have been there if those who raised her had not died. She chose to go to boarding school rather than live with her mother she had not seen for a long time. Everythi...