MICHELLE [CHAPTER 10]
Ipinaliwanag sa akin ni Attorney Felix ang lahat ng mga motibo para sa pagpatay ni Attorney Otis kay Papa.
Sinabi niya na ang abugado na si Otis ay naiinggit sa mga narating ni Papa.
"Aba, masasabi ko na talagang may naabot na mas mataas ang Papa mo kaysa kay Roberto."
"Classmate sila dati 'di ba?" Tanong ni Daisy.
Tumango ako. Si Attorney Otis at Papa ay nag-aral sa iisang pamantasan. Magkasama silang nagtapos at naging matalik na magkaibigan.
"Sa ngayon, ang abugado na si Otis ay itinuturing na isang mastermind sa lahat ng ito," sinabi ng abogado na si Felix.
"Kumusta naman ang pulis na nasangkot?" Seryoso kong tinanong ng maalala ang mga sinabi ni Kencio. Yeah, sinabi niya yun at bakit ngayon ko lang naaalala?
Nakasimangot si Attorney at mariing nakapikit. "Kanino mo nalaman yan?" Tanong niya na nakabukas ang mata.
Sumimangot ako. Sa katanungang iyon, parang ayaw niyang malaman ko ang nangyayari.
"Alam kong iniisip mo na ayaw naming sabihin sa iyo ang nangyayari. Ayaw lang namin na ma-stress ka." Sabi ni Daisy.
Hindi ako nagsalita at inalala ko lahat ng nangyari ngayong linggo, mula sa sinabi ni Kencio hanggang sa mga sinasabi ni Attorney Felix ngayon.
Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko o kung may iba bang maniniwala.
Magulo pa rin ang utak ko hanggang sa makabalik ako sa dorm. Pinauwi ako ni Daisy kanina para magpahinga at bibisitahin lang niya ako kinabukasan para makapag-usap kami ng maayos.
Sumang-ayon ako sa sinabi niya at ngayon ay nakatulala lang ako sa bintana ng aking silid. Pinanood ko ang mga kolehiyo na naglalakad sa ilalim ng mga street lamps na nagsisilbing ilaw sa buong kapag gabi.
Ang ilan sa kanila ay halatang magkasintahan at ang iba ay tumatawang tropa.
Bumuntong hininga ako at nagpasyang matulog na. Tumayo ako mula sa kama at pinatay ang ilaw nang may marinig ako na may naguusap sa labas.
"Hindi, tulog siya at hindi ka makapasok dito." Iyon ang boses ni Heather.
"Limang minuto lang. Please, Heath." Nakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Kencio. Bakit siya nandito? Hindi pinapayagan ang kolehiyo at lalo na ang mga lalaki sa gusaling ito. Mahigpit na ipinagbabawal ito.
"Hind pwede. She'll get mad at me."
"Hindi 'yan. Ako bahala sayo." Narinig ko pa ang sinabi ni Kencio bago ako makarinig ng mga yabag papunta sa aking silid. Narinig ko rin ang pagsara ng pinto.
Humiga agad ako sa kama ko at nagkunwaring natutulog. Wala pang ilang segundo ay bumukas ang pintuan ng kwarto ko.
"Limang minuto at labas kana diyan." Narinig ko pa ang sinabi ni Heather bago magsara ang aking silid.
Naramdaman kong lumubog ang gilid ng aking kama at may pumatong na kamay sa balikat ko.
"Sigurado akong pagod at stress ka. Matulog ka ng mahimbing, Mich." Naramdaman ko ang malambot niyang labi sa balikat ko. Naamoy ko din ang mabango niyang pambango.
Narinig ko ang buntong hininga niya bago gumalaw ang kama. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Narinig ko ang pagsasara noon kaya idinilat ko ang aking mga mata.
Halos mapasigaw ako ng makita ko siyang nakatayo sa harap ng pintuan. Tinititigan niya ako at parang alam na gising na ako.
"Akala ko tulog ka na,'' sarkastikong anito habang papalapit sa akin.
'' Heather said that and I did not, '' umirap ako bago umupo ng maayos. '' Anong ginagawa mo dito? "
''I was just looking if you're doing fine. Anyway, hindi na sila makakasali sa pagiimbestiga.''
"Anong ibig mong sabihin?" Tinanong ko kahit may ideya ako sa sinabi niya.
"Si Attorney Otis ay nakakulong at ang mga opisyal ng pulisya na humahawak sa kaso ay nawala din," aniya.
"Ano ang sinabi mo sa akin noong isang araw, paano mo nalaman iyon?" Itinanong ko. Umupo ako ng maayos at tiningnan siya ng diretso.
'' Attorney Felix is my dad. Tinulak ko siya upang hawakan ang kaso ng Papa mo. '' Sabi niya habang nakatingin ng diretso sa akin.
"Alam ko, sinabi niya sa akin." Gusto kong tanungin siya kung talagang ikakasal siya ngunit para saan?
''I gotta go. Magpahinga kana.'' Sabi pa niya bago ako iniwan na mag-isa.
Sa mga lumipas na araw ay lagi kaming nagkakasama ni Kencio, minsan nga ay natutukso kami bilang magkasintahan pero agad ko namang tinatanggihan.
Habang umaandar ang kaso, naga-aral ako. Malaki ang tiwala ko sa tatay ni Kencio, kaya niyang ipanalo ang kasong ito.
''Bakit hindi mo nga pala sinabi saakin ang tungkol sa Dad mo?'' Tanong ko kay Kencio, isang araw ng ayain niya akong kumain sa isang fastfood restaurant dito sa loob ng school.
''Hindi ka naman nagtanong.'' Sabi niya at nagpatuloy sa pagkain ng burger.
''Eh, 'yung mga alam mo tungkol sa kaso, paano mo 'yon nalaman?'' Tanong ko. Matagal ko nang gustong tanungin sakanya ito. Nagkaroon na ako ng ideya na dahil sa tatay niya, pero minsan kapag may nababanggit ako kay Attorney Felix na sinabi ni Kencio ay nagugulat siya. Kung minsan, tinatanong niya kung saan ko daw nalaman.
Napatigil si Kencio sa pagkain, binaba niya ito at uminom ng ice tea. ''I told you before, didn't I?''
''Huh?''
''I was making my own investigation,'' halos pabulong niyang sagot.
Nanlaki ang mata ko ng maalala ang mga sinabi niya saakin noon. Of course, he was making his own investigation. He doesn't listen to other's opinion, how can I forget that?
''Hindi pa ba sapat ang imbestigasyon ng Dad mo para sa kasong 'to?''
''Look, I trust my dad about handling the case. Kaya nga pinilit ko siyang ihandle ang kaso ng Papa mo.''
''Kahit pa na ang kapalit ay ang pagpapakasal mo sa iba?''
He became silent after I said that. Totoo nga lahat ng sinabi ni Attorney Felix.
He pushed his dad to be the attorney in my Papa's case and exchange, he would get married to someone else.
Hindi ko alam kung bakit ako naapektuhan sa pagpapakasal niya sa ibang babae. Ano ba ako? Ano ba 'tong nararamdaman ko? Ano ba kami? Wala naman diba. Walang kaming label at higit sa lahat hindi magiging kami.
We're just happy.
Masayang magkaibigan lang na madalas kumakain kung saan at madalas na sinusundo niya ako sa labas ng room kahit masayang magkaibigan lang kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/244173541-288-k512208.jpg)
BINABASA MO ANG
MICHELLE
Narrativa generaleA girl named Michelle went to a boarding school of her own free will. She would not have been there if those who raised her had not died. She chose to go to boarding school rather than live with her mother she had not seen for a long time. Everythi...