MICHELLE [CHAPTER 3]
Lalong kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Lalo akong naging curios.
"DIRECT TO THE POINT NAMAN SANA!" Sigaw ko dahil sa frustrasyong nararamdaman ko.
"Ok, don't scream. I just heard from the headmistress that the reports are coming for you. They're trying to get a story from you because they know that you saw everything that night..."
I really hate reports and everything. Masyado silang chismosa. Hindi ba nila alam yung privacy or personal problems!? But still, I have to be open minded. My Papa's business is pretty big and everyone knows it.
"The headmistress called your grandparents and they were denying that you're studying here."
Nakahinga ako ng malalim sa eksplenasyon niya. Why would they deny that I study here? Kahihiyan ba ako sa eskwelahan na 'to kaya ako tinanggi? Ako ba ang pumatay sa mga mahal ko sa buhay kaya bawal akong makita? Kaya ba ako pinagtitingan ng mga estudyante kasi akala nila ako 'yung pumatay sa mga magulang ko? Well, I can't blame them. The CCTV system was hack that night. Tanging ako, na duguan, ang nakita sa nangyari noong gabi iyon.
I felt so weak that night.
Tumulo ang mga luha ko dahil naalala ang mga nangyari saakin ng gabing iyon. Why does happiness needs to end?
"Hey, hey." Kencio was coming near me but I stepped back.
I can handle my self. Kaya kong mag-isa. Kakayanin ko dahil kailangan kong mabalik ang lahat ng akin.
Kahit patuloy ang pagtulo ng luha ko ay naglakad na ako pabalik sa dorm. Wala akong pake kung titigan ako ng mga estudyante dito. Ang sabi ko, isang beses pang pag-usapan ang Papa ko makakasakit na ako pero hindi ko magawa. Nanghihina ako sa tapat ni Kencio kanina.
Pagkapasok ko sa dorm ay nakaamoy na agad ako ng sunog niluluto. Oh my gosh! Did she try to cook?
Mas mabilis ba sa break ng mga mag jowa ang pagtakbo ko papunta sa maliit na kusina ng dorm at doon ko natagpuan ang roommate kong nagluluto ng fried chicken.
"Omaygash! Please help me! I think some things wrong with the chicken." Sabi niya ng nakita niya ako. Wrong with the chicken? Nagshashabu ba 'to?
Pinatay ko agad ang kalan at tinignan ang mga niluto niya. Lahat na ata ng chicken ay niluto niya at ang masaklap pa ay lahat sila sunog.
"If you want to burn the dorm please tell me first," mahinahon kong sabi.
"I-I'm sorry. I was just trying to cook dinner for us." Yumuko siya at suminghot. Malambot ang puso ko bago namatay sila Papa pero ngayon parang wala na akong pake sa mundo. Gusto ko mang maghiganti pero 'di ko magawa. Hindi naman akong tinuruan nila Papa na maging masama pero puno na ako ngayong araw. Ayokong makarinig ng tungkol sa nangyari kila Papa kasi naalala ko lahat.
Imbis na magsorry at yakapin ko si Heather ay iniwan ko siya at pumunta sa loob ng kwarto ko. Kumuha ako ng tinatago kong canned beer sa loob ng mini ref.
I closed all the lights and just sit infront of my window. Madilim na sa labas, nakabukas na lahat ng street lamps at mga college students nalang na may pasok ang nakikita ko.
Sa kalagitnaan ng pagkalma sa sarili dahil sa mga iniisip ay may narecive akong email galing sa student body president ng school. Mayroon daw magaganap na party bukas at humingi siya ng tawad dahil late ang welcome party nila.
Nang natapos ko ang inumin ko ay itinapon ko na iyon sa basurahan at humiga sa kama.
Bigla kong naalala na hindi pa pala ako nakakapunta sa puntod nila Papa. Nang magkamalay ako noon sa ospital ay gusto ko ng puntahan sila Papa, doon ko din nalaman na wala na sila. Kailangan ko daw munang magpagaling bago ako lumabas ng ospital pero nagpumilit ako kaya nakita ko sila Papa....malamig at mapayapang nakapikit.
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil pupunta ako ng gym. Kahapon ko lang nalaman na may gym dito kaya pupuntahan ko ngayon.
Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko si Heather na naghahanda ng almusal. This time she wasn't cooking.
Bread, strawberry jam at coffee ang nakalagay sa maliit naming lamesa.
"Breakfast?" Tanong niyang naga-alinlangan.
Sinuot ko ang sapatos ko. "No, thank you. I'm going to the gym."
"Ok, take care!" aniya bago ako lumabas.
Matagal-tagal narin akong hindi nag-gym kaya buti nalang ay ngayon ang welcome party kaya walang pasok. Mamayang ala sais pa magsisimula kaya madami pa akong oras.
Noong nabubuhay pa si Papa, tuwing weekends ang dates namin. Every weekend, different activities. Tinuturuan niya ako ng self defense at halos lahat ng alam ko ngayon ay galing sa kanya.
Pagpasok ko palang sa gym ay nakatingin na lahat ng tao saakin, binalewala ko 'yon at sinuot ko ang earphones ko.
Nagsimula akong mag warm up para hindi mabigla at sumakit ang katawan ko.
Sinimulan kong tumakbo ng mabagal hanggang pabilis ng pabilis. Habang nagw-work out ay kinakanta ko ang lyrics ng kantang pinapakinggan ko.
".....I'll never meet the ground. Crash to the surface, where they can't hurt us. We're far from the shallow now."
I can still remember me and Papa dancing and singing while listening to Lady Gaga's songs. I felt home whenever he's around but now it's different. So different.
Alam kong kailangan kong pakawalan ang mga mahal mo sa buhay para makapagpatuloy sa buhay. Wag kang magalala, Pa, I'm really trying to move on. Kung dati gusto ko ng paghihiganti, ngayon kakalimutan ko na kasi alam kong 'yun din ang gusto niyo. It's hard but I'll make it.
Tinanggal ko ang earphones ko at uminom sa hydro flask na dala ko. Umupo ako sa inilatag kong yoga mat para magpahinga sandali. Mag da-dalawang oras na yata akong nandito sa gym at lalong dumadami ang tao. Malaki naman itong gym kaya hindi masikip.
"Are you done?" Tinignan ko lang ng masama ang isang estudyanteng lumapit saakin at sinuot ulit ang earphones ko. Hindi siya ang kauna-unahang lalaking lumapit saakin simula ng dumating ako dito sa gym pero pang ilang beses niya na akong binalikan para tanungin kung tapos na ba daw ako dahil gusto niya akong isama sa pagb-breakfast.
Hindi ko sila sinasagot at nagpatuloy lang sa ginagawa.
Sinunod ko lahat ng yoga poses na itinuturo ng instructor sa internet at ng matapos ako ay ready na akong mag jogging pabalik ng dorm building ng makita ko si Kencio na may kasamang babae.
Sa daan lang ang tingin ko pero hindi ko mapigilang tignan siya at ang kasama niya. Agad akong nagiwas ng tingin ng magtama ang mga mata namin.
Mabilis akong nag jog pabalik ng dorm building dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
MICHELLE
General FictionA girl named Michelle went to a boarding school of her own free will. She would not have been there if those who raised her had not died. She chose to go to boarding school rather than live with her mother she had not seen for a long time. Everythi...