Nang matapos ang batang si Lito na maglagay ng langis sa katawan ni Theo tinulungan niya rin si Elmo na maglagay ng langis. Ilang sandali pa at nang masiguro na lahat ng kalahok ay nalagyan na ng langis ang katawan pinapasok na sila ng kulungan.
Pumasok na sila sa malawak na kulungan ng biik na gawa sa kawayan. Nag-unat pa sila Theo ng katawan bago magsimula ang palaro. Nang masigurong handa na sila nag-umpisa ng bumilang ang lalaki.
“Isa, dalawa, tatlo habol!”
Nang marinig nila ang salitang "habol," agad na nagpakawala ng sigaw at tawanan ang mga kalahok, habang nababalutan ng langis. Agad silang nagkanya-kanyang diskarte sa paghuli sa biik, na mabilis na tumatakbo sa loob ng kulungan.
Si Theo na balot na balot sa langis ay kitang-kita ang matipuno at makisig nitong katawan. Hinabol niya agad ang biik ngunit hindi niya akalain kung gaano kahirap hulihin ang biik sa sobrang dulas ng kanyang katawan dahil sa langis na bumabalot sa kanya. Dagdag pa sa pahirap ang maputik na tinatapakan, dahil dito halos ilang beses siyang nadulas at natumba. Sa sobrang hirap ng palaro tumitilamsik na ang kanyang pawis at langis mula sa kanyang balat. Sa tuwing tumatakbo siya kitang-kita ang bawat galaw ng kanyang mga kalamnan at kusang nag-fle-flex ang kanyang mga masels.
Hindi rin maiwasan ni Theo na matawa sa kanyang sarili tuwing madadapa siya kakahabol sa biik..
Sumunod naman si Elmo, na sa bawat hakbang ay naglalabasan ang mga ugat sa kanyang mga braso at hita. Ang kanyang katawan, nababalutan ng langis, ay tila kumikislap sa ilalim ng araw. Walang sawang tumatawa si Elmo habang hinahabol ang biik, ang kanyang mga kalamnan ay nagpapakitang-gilas sa bawat hakbang. Sinubukan niyang hulihin ang biik ng mapunta ito sa isang sulok pero biglang may humatak sa kanya kaya nakawala ang biik. Dahil sa pagkakahatak sa kanya ay natumba ito at napuno ang kanyang katawan ng putik.
“Malapit na sana ‘yun,” sambit niya sabay hagikgik.
Hindi naman maiwasan ng mga manonood na tumawa sa tuwing may madadapa o madudulas sa kanila. Tuwang-tuwa ang mga taong nanonood habang sinisigaw ang kani-kanilang pambato.
Si Ben at Leo, mga batak din sa trabaho, ay nagtag-team sa paghabol sa biik. Si Ben, na halatang sanay sa ganitong klaseng laro, ay lumalabas ang bawat ugat sa kanyang katawan sa bawat paggalaw. Si Leo naman, na may malaking katawan, ay tila walang kapaguran sa paghabol. Ang kanilang katawan, nababalutan ng langis at pawis, ay parang mga mandirigma sa gitna ng labanan.
Pero kahit nagtulungan na sila ay hindi pa rin nila magawa na hulihin ang biik sa kadahilanang mabilis at maliksi ito.
“Fuck!” ang tanging nasabi ni Leo ng masubsob ang kanyang mukha sa putikan na umani naman tawanan at katyawan sa mga manonood. Inalok ni Ben ang ang kanyang kamay kay Leo upang tulungan ng kukunin na sana ni Leo ang kamay niya bigla niya itong binawi upang masubsob na naman ito sa putikan. “Tangina mo, Ben!” malutong na mura niya rito. Tinawanan lamang siya ni Ben at nagpatuloy sa paghuli ng biik.
Si Arturo, ang pinakamatanda sa grupo, ay hindi rin papahuli. Ang kanyang katawan, kahit may edad na, ay nagpapakita pa rin ng tikas at tibay. Halatang sanay ito sa trabaho at lakas, kaya naman kahit madulas ang katawan ay patuloy siyang nakikipagsabayan sa mga mas bata.
Nahawakan ni Arturo ang biik pero nakatakas ito ng bungguin siya ni Elmo. Dahilan upang madulas ito sa putikan.
Hindi magkamayaw ang tao sa pagtawa at paghiyaw habang pinapanood ang mga barako na hulihin ang biik.
Ang huling kalahok, si Rodel, ay baguhan ngunit puno ng enerhiya. Ang kanyang katawan, bagaman mas maliit kumpara sa iba, ay napaka-flexible at mabilis. Hindi rin siya nagpapahuli sa paghabol, tila nag-eenjoy sa bawat segundo ng laro.
BINABASA MO ANG
THEO | M2M | SPG
General FictionPadre Soltero #1 Date Started: June 16, 2024 Date Completed: August 10, 2024