23: | Ang Sikretong Sangkap IV

2.9K 85 3
                                    

Paputok palang ang araw at nasa office na si Theo ni Chief Garcia. Nakaupo habang hinihintay ang pagdating ng hepe nila. 

Halata sa mukha niya ang pagod at ang antok. Naka ilang rounds pa sila kahapon hanggang sa abutin na sila ng madaling araw. Hindi sila tumigil hanggang sa hindi sila magsawa. 

Pahikab-hikab si Theo habang humihigop ng mainit na kape. Ilang sandali pa at dumating na ang kanilang hepe na may hawak na kape. 

“Magandang araw Chief Garcia,” tumayo ito at sumaludo sa pagdating ng kanyang hepe. 

Sumaludo naman ito pabalik sa kanya pabalik at sinensyasan siyang umupo. “Nagkaroon na ba ng progress ang operasyon natin sa restaurant kung nasaan ka ngayon?” seryosong tanong nito habang sumisimsim ng kape. 

Tumango naman siya. “Yes Chief Garcia, napag-alaman ko na may ginagawa silang kababalaghan sa mga pagkain nila.”

Sumimsim ng kape ang hepe bago magtanong. “Tulad ng?” 

Napalunok muna ng laway si Theo bago sumagot. “G-gumagamit sila ng tamod at pawis sa mga pagkain nila na hinahain nila sa mga customer,” tila nahihiya pang sabihin ni Theo ang kanyang nalaman sa kanilang hepe. 

Nanlaki naman ang mga mata ng kanilang hepe at muntik ng maibuga ang kapeng iniinom dahil sa pagkabigla. Ilang minuto rin itong hindi nakapagsalita. Nakatulala lamang ito at tila hindi pa rin nakaka recover sa nalaman. “Tamod at pawis?” paglilinaw nito. 

Kahit naman sinong taong makaalam na ang paborito at sikat na kainan ng mga tao ay gumagamit pala ng tamod at pawis ng mga barako ay magugulat at mandidiri.

Kahit siya mismo nagulat ng malaman ang kababuyan na ginagawa nila sa mga pagkain. 

Tumango naman ulit si Theo. “Yes Chief Garcia tama kayo ng narinig sikretong sangkap nila ang tamod at pawis. Ito rin ang rason bakit binabalik-balikan sila ng tao.”

“Kung ganun na kompirma na natin na tama ang intel natin. Kailangan na lang natin ng solid na ebidensya at mahuli sila sa akto maipapasara na natin ang baboy na restaurant ‘yan.”

“Makakaasa kayo sa akin Chief Garcia na ipapadala ko agad ang ebidensya sa inyo.” pangako ni Theo sa kanyang hepe. 

“Sasabihan ko ang mga kapulisan na mag-standby para kung sakaling maipadala mo na ang ebidensya nakahanda sila.” tumango-tango naman siya.

Bukod sa sikretong sangkap na nalaman ni Theo ay wala na siyang ibang ikwinento hindi niya na sinama pa ang detalyeng ginawa nila kahapon. Dahil hindi na kailangan pang malaman ng kanyang hepe ang tungkol don. 

Nang matapos silang mag-usap dumiretso na si Theo sa restaurant upang ipagpatuloy ang kanyang undercover job. Pagdating niya naabutan niya si Martin na abala sa pagluluto habang si Christian naman ay abala sa paghihiwa ng mga sangkap. 

“Nandyan ka na pala, Theo,” bati ni Christian sa kanya. 

“Magandang umaga sa inyo,” bati ni Theo sa dalawa. Diretso na dapat si Theo sa stockroom ng bigla madaanan niya ang opisina ng may ari na bahagyang nakaawang ang pinto. Hindi niya sinasadyang marinig ang sinasabi nito sa kabilang linya. 

“Na meet po ang quota sir ngayong buwan at lagpas pa sa hinihingi niyong quota,” masayang-masayang sabi nito sa kausap. 

Tumingin muna sa paligin si Theo nang masiguro na walang tao sa paligid sumilip ito ng kaunti sa opisina ng may ari. Nakaupo ito sa swivel chair habang nakatalikod ito sa kanya. 

THEO | M2M | SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon