28: | Ang Malagkit na Tingin ng Matanda II

3.1K 85 11
                                    

Kinabukasan…

Pagputok pa lamang ng araw ay dumiretso na si Theo sa bahay ng lolo ni Lito para ayusin ang bubong ng bahay nito. Pagdating niya ay sinalubong siya ng matanda sa labas ng bahay nila habang may hawak-hawak na tasa ng kape. 

“Magandang umaga sayo, Theo,” bati ng matanda sa kanya. 

“Magandang umaga rin po sa inyo. Nabili niyo na po ba ang mga materyales na gagamitin para sa bubong niyo?” 

“Aba’y syempre naman. Bago ‘yan ay magkape ka muna at kumain. May hinanda akong almusal bago ka mag-umpisang gumawa,” sambit ng matanda. 

“Nag-abala pa po kayo,” nahihiyang ani Theo sabay kamot ng batok sa pagkahiya. 

“Ay nako! Wag ka ng mahiya at isa ito sa pasasalamat ko dahil tutulungan mo kaming ayusin ang bubungan namin,” nakangiting ani ng matanda. 

“Hindi na po talaga dahil nagkape naman po ako bago magpunta rito,” pilit na ngiti niya. 

“Ikaw bahala pero kapag nagugutom ka at may kailangan ka wag kang mahiyang magsabi ng mga kailangan mo. Ang mga materyales na kailangan mo ay nasa likod ng bahay namin,” paliwanag nito. 

Sinundan lamang ni Theo ang matanda sa likod ng bahay nila at inihanda ang mga ito. Nang maihanda ang mga kagamitan na gagamitin ay agad siyang umakyat ng bubungan gamit ang kahoy na hagdan. Inuna niya munang tignan kung may iba pa bang bubong na butas bukod sa nakita niya kahapon. Nang matapos masiguro na nakita niya na lahat ng butas na bubong, tinanggal niya ito isa-isa. Pagkatapos ay tumungo siya sa loob ng bahay ng matanda para tingnan ang mga kisameng naapektuhan ng ulan at ang mga inamag na kahoy bago ikabit ang bagong bubong. 

Nang makita ang mga sira at bulok na kisame. Ginilid niya muna sa sulok ang mga kagamitan at appliances ng matanda bago baklasin ng tuluyan ang mga sirang kisame para masigurong hindi madadamay ang mga ito kapag nagbaklas na ng kisame. 

Matapos igilid ang mga kagamitan ay isa-isa niya ng binaklas ang lahat ng sira at bulok na kisame. Nilabas niya ang mga binaklas niyang kahoy at nagpatuloy sa pagbabaklas. 

Tagatak na ang pawis ni Theo at halos dumikit na sa kanyang katawan ang basang-basa nito sando. Kaya mas pinili niya na lamang itong hubarin para hindi magkasakit. Sinabit niya sa gilid ang kanyang sando para hindi ito maramuhan at matuyo ito. 

Abalang-abala siya sa pagbabaklas ng kisame ng dumating ang matanda na may dala-dalang baso ng tubig at pitchel na may lamang tubig. 

“Theo, uminom ka muna at alam kong nauuhaw ka,” natigilan ang matanda sa pagpasok nito sa bahay at nagulat ito kay Theo ng makitang nakahubad ang pangtaas nito. Nangingintab ang maskulado nitong katawan na mas nakatulong upang makita ang bawat hulma ng kanyang mga masels. Kapansin-pansin rin ang pagtulo ng pawis ni Theo mula sa kanyang leeg papunta ng kanyang dibdib, pababa ng kanyang hulmang-hulma na abs. 

Sunod-sunod ang paglunok ng laway ng matanda at tila nauhaw ito ng makita ang hubad na katawan niya kaya napainom ito ng tubig. 

“Nag-abala pa po kayo,” nahihiyang sabi niya at lumapit sa matanda. Napansin ni Theo ang malagkit na pagtitig ng matanda sa kanyang katawan. Kaya naman napaisip siyang totoo ngang may dugong berdeng tinataglay ang matanda. “Salamat po, sakto nauuhaw na po ako,” sambit niya sabay agaw ng baso at ng pitchel sa matanda nang matapos itong uminom. 

THEO | M2M | SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon