34: | Ang Pagbagsak

2.8K 103 16
                                    

Habang bumabaha ng virtual gifts ang live chat, hindi makapaniwala ang lalaki na ang pinapanood niya ngayon sa paborito niyang livestreamer ay si Theo ang tampok. Gulat at galit ang nararamdaman niya sa nakikitang kalagayan ng kakilalang si Theo. 

Kaagad niyang kinontak ang pulisya, at mabilis niyang ipinaliwanag ang sitwasyon. "May illegal na live stream na nagpapahirap sa isang tao. Kailangan niyong kumilos agad! Narito ang link at impormasyon," sabi ni Jake habang hinihingal. Itinuro niya ang eksaktong oras at link ng live stream para mas madaling ma-track ng mga awtoridad.

Sa kabilang banda, ang mga kasamahan ni Theo at ang mga taga cybercrime unit ay mabilis na kumilos para ma trace ang kasalukuyang lugar ng pinanggalingan ng live stream. Ginamit nila ang kanilang mga advanced na teknolohiya upang mahanap ang eksaktong lokasyon ng mga kriminal.

Pabalik-balik na naglalakad sa kanyang silid si chief Garcia habang hinihintay ang tawag ng cybercrime unit patungkol sa impormasyon na makakapagsabi kung nasaan ngayon si Theo. Halatang aligaga at labis na nag-aalala, paulit-ulit niyang sinisilip ang kanyang telepono, umaasang makakatanggap na siya ng balita.

"Chief, kumalma ka," sabi ng kanya ni Elom, na nasa tabi lamang niya. "Ginagawa na ng cybercrime unit ang lahat para ma-trace ang location. Makakakuha rin tayo ng update anumang oras ngayon."

Huminga nang malalim si Chief Garcia, ngunit hindi pa rin mapakali. "Kilala ko si Theo. Isa siyang mabuting tao at hindi nararapat na mapunta sa ganitong sitwasyon. Kailangan nating kumilos agad bago pa lumala ang kalagayan niya." 

Maya-maya pa, tumunog ang telepono ni Chief Garcia. Agad niyang sinagot ito, "Ano na ang sitwasyon?"

"Chief, natrace na namin ang lokasyon ng live stream. Nasa isang warehouse sa industrial area ng lungsod. Handa na ang SWAT team para sa raid," sagot ng boses sa kabilang linya.

"Magandang balita 'yan," sagot ni Chief Garcia. "Pupunta ako riyan para personal na mag-supervise sa operasyon. Kailangan natin si Theo na mailigtas sa lalong madaling panahon."

Sa loob ng ilang minuto, sumugod ang convoy ng mga pulis patungo sa warehouse. Si Chief Garcia, sa likod ng isang armored vehicle, ay patuloy na nag-uutos at nagmomonitor ng sitwasyon. Pagdating nila sa lugar, agad nilang napansin ang higpit ng seguridad ng warehouse.

"Mga tauhan, tandaan niyo, hindi tayo puwedeng magkamali dito. Buhay ni Theo ang nakataya," sabi ni Chief Garcia sa kanyang mga tauhan habang inihahanda ang kanilang plano. "Puwesto na kayo. Sa signal ko, sabay-sabay tayong papasok."

Habang nakaposisyon na ang mga pulis sa paligid ng warehouse, tahimik at maingat silang naghintay ng senyas mula kay Chief Garcia. Nang makita niyang handa na ang lahat, agad niyang binigay ang signal.

"Magsimula na tayo," sabi ni Chief Garcia sa radyo. "Go, go, go!"

***

Habang abala at tuwang-tuwa ang host sa sunod-sunod na pagpasok ng virtual gifts nagkukumahog na tumakbo sa kanyang direksyon ang isang tauhan. "Boss, may problema tayo," hingal na sabi ng tauhan.

"Ano 'yun?" tanong ng host, halatang naiinis sa pag-abala sa kanya.

"May pulis! Natrace nila ang lokaasyon natin," sagot ng tauhan.

Napalitan ng takot ang ngiti ng host. "Ano?! Bakit ngayon niyo lang sinabi? Kailangan nating umalis agad!"

"Boss, huli na para tumakas. Napapalibutan na tayo," sabi ng tauhan, nanginginig sa takot.

THEO | M2M | SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon