Chapter 14

22 2 0
                                        

The long wait is over para kausapin niya si Sarah nung minsang pumasok din ito sa coffee room at saktong  andun din sila ni Cherrie para mag meryenda isang hapon dahil pinag usapan nilang magkaibigan ang 7th Monthsary nila ni Tristhan at balak nilang mag luto mamaya sa apartment nila.

Malamig padin ang pakikitungo nila sa isat-isa nitong mga nagdaang buwan na lumipas. Tama din si Tristhan kailangan nila ng space ni Sarah both, kaya hinihintay lang niyang maka hanap ng magandang pagkakataon para magka usap sila dahil madalas umiiwas ito sa kanya.

"Sarah can we talk?" Approach niya dito.

Tumingin lang ito sa kanya at

"Para saan?" Tipid na sagot nito

"Yung nangyari, sana kalimutan na natin yun"pakiusap ko dito.

Natawa ito na para bang na aasar

"Kalimutan?? Wow, madali mo lang sabihin yan eh kasi maayos kana. Napakulong mo na eh, nawala ng lahat2x dun sa tao ni hindi niya na mababalik ang dating buhay niya tapos ako naman ito hanggang ngayon nag mo move sa apat na taon naming relasyon na nasayang pati kahihiyan salong salo ko din. So kalimutan??" Galit nitong baling sa kanya.

"Eh anung  gusto mo?? Palampasin nalang at patawarin ang pangbabastos na ginawa niya kay Asya" pag sabat ni Che.

"Excuse me hindi ko kailangan ang opinion mo dito" pagtataray na sagot ni Sarah.

Umiling ako kay Che to stop her.

"Sarah look alam kung hindi rin biro ang pinagdaanan mo naiintindihan naman kita. Ang sakin lang maging okay tayo kasi nasa iisang opisina lang tayo eh kaya nakikiusap ako." Pagpapa intindi ko sa kanya.

"Eh ako ba? gusto ko din bang maging okay tayo? Ni hindi nga sumagi sa isip ko na magiging okay tayo dahil galit ako sayo alam mo ba yun?" Naiiyak niyang sigaw sakin.

"Sarah, alam natin na mali ang nagawa niya" naiiyak nadin ako.

"Kung hindi kadin naman kasi b*bo, na pumayag makipag usap sa tambakan pa" galit niyang dagdag.

"Sarah, wag ka namang ganyan sakin oh, ikaw ang iniisip ko nung pumunta ako dun dahil gusto kung makatulong na magka ayos kayo tapos ganyan ang sasabihin mo sakin.? Kahit pakikipag kaibigan niya sarah hindi ko tinanggap para maka iwas para maging okay kayo" Di ko nadin napigilan ang pag taas ng boses ko sa kanya.

"Ahh so may utang na loob pa ako sa ganun ba?? Bakit hiniling ko ba yun sayo ha, hiniling ko ba yun?" Sigaw niya sakin.

Akmang hahawakan ko siya kaso tinabig niya ako kaya natapon ang kape niya sa kamay ko pero hindi ko na pinansin yun.

"Sarah please kaya nga ako nakikipag ayos sayo para maging okay tayo" umiiyak nading pakiusap ko dito.

"Pasensya na ha pero hindi ko maibigay yun sayo Asya. Taong mahal ko ang nasira kaya mas maigi wag kana lang umasa" sabay talikod na sakin.

Nanghihina akong napaupo at umiyak, dinaluhan naman agad siya ni Cherrie.

"Che, mali ba talaga ako? Anu bang ginawa ko?"

"Shhh hindi, walang mali sa ginawa mo sadya lang talagang sarado pa isip niya, matagal pala sila eh kaya ganun nalang yun di niya pa matanggap, intindihin mo nalang." Pag hagod ni che sa likod niya.

Maya2x lang biglang dumating ang dalawa

"Bakit ka umiiyak?" Agad na tanong sa kanya ni Tristhan.

The Stranger CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon