"Mag iingat kayo ha, mag txt ka pag nakarating na kayo" paalala sa kanya ni che. "Boss salamat po" paalam nito kay Tristhan.
Tahimik lang siya sa biyahe nila masakit sa puso niya na hindi maihatid si tatay sa huling hantungan. Nangingilid na naman ang luha niya habang sinasariwa niya sa isip ang mga kabutihan ng mga magulang ni Che simula ng maging kaibigan niya ito.
"Hon, you okay?" Untag sa kanya ni Tristhan.
"Uhm slight" sagot niya dito habang nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan.
Napalingon siya dito ng maramdaman niya ang pag hinto ng sasakyan.
"Bakit ka huminto?" Tanong niya agad.
Tumitig ito sa kanya at "You want to go back?" Malambing nitong tanong.
"Huh, hindi na. Ayos lang ako nagka usap na din kami ni Che dito." Buntong hininga niyang titig kay Tristhan "Pasensya kana emotional lang talaga ako ngayon, napaka buti lang talaga nila sakin, para nadin nila akong anak to the point na kahit si Che nagtatampo sa kanila minsan." Natatawa kong dagdag. "And Thank you sa pag bibigay mo ng tulong financial sa pamilya ni Che pati sa burial lahat ikaw sumagot. Thank you so much."
"Wala yun, she's my employee and a best friend of my girl" baling nito sa kanya.
Tumingin ulit ito sa harapan na parang nag iisip "I'm sorry Hon I need to do this to protect you. Hanggat nakikita kasi nilang maluwag ako sa pag di decide sayo mas lalo nila tayong ididiin at yun ang iniiwasan ko. One wrong move mahahanapan nila ako ng butas at yung sa kaso mo" malumanay nitong pagpapaliwanag.
Agad ko siyang hinawakan sa kamay naaawa naku kay Tristhan.
"Naiintindihan ko" ngiti ko sa kanya. "Magagawan natin to ng paraan kung anu man yang binabato nila sakin haharapin ko sila goshh i'm innocent at naniniwala ako sa magagawa mo para sa kompanya"
"Yes malapit na Hon konting squeeze pa" kindat nito sa kanya.
"Psh kay Ma'am Jean ba yan? ayusin mo lang at baka ikaw ang masampiga ko. No body involved" pag irap ko dito.
Agad naman itong natawa " I love you" lumapit naman ito para madampian siya ng halik "uhm So let's go na? ". Ngiti nito sa kanya
Tumango siya at gumanti ng ngiti hanggang sa may naalala siyang itanong.
"Boss may itatanong pala ako?" Pag uumpisa niya.
Bahagya itong lumingon sa kanya to make me continue
"Nakita ko na yung mali na report bago kapa umupo as CEO. Nabanggit naba to ni Athan ?" Baling ko dito
"Yes sinabi sakin ni Nathaniel and i saw it already. Gagawa sila ng kalokohan at pagnanakaw yun pang madaling ma analyze" natatawang sagot nito.
"Yung mga highlights sa report ikaw ba may gawa nun?" Tanong niya ulit.
"Hindi, but i already read that before pa ako umupo as CEO alam kung may problema na dito na hindi aware si Daddy dahil siguro hindi pa siya ganun ka visible last year.Secretaries lang ang may access in Document office . So someone is helping you other than me. Iniisip ko lang kung anung purpose niya, i know this is connected " sagot naman nito.
"May kinalaman ba si Ma'am Jean sa pagbabago at pag papalit palit ng mga reports? I mean even the numbers got tampered"
"Yes, Big part" paglingon nito sa kanya
"Oh my God! How? I mean for what?" Tanong ko ulit.
Bumuntong hininga ito at
"Don't stress out, kung sino man sa dalawang kasama mo ang tumutulong sayo may malaking dahilan siya at yun ang gusto kung alamin kasi hindi ko pa nahuhuli kung sino ang tumutulong kay Jean para masira ako and i know this is connected " seryosong turan nito.
