-Hello Asya?? Pagsagot ng kuya niya.
Agad tumulo ang luha niya...
Pagkatapos nilang kumaing tatlo ng hapunan agad niyang tinawagan ang kapatid niya. Nandito lang din ang dalawa. Si Tristhan ang wala pa.
"Kuya I'm sorry something is happen" pinilit niyang pakalmahin ang sarili para maka usap ito ng maayos.
-Yes, wag kanang umiyak maayos din ang lahat. Sumikat ako ng wala sa oras ah. bahagya pa itong natawa.
"Huh? Did you know already ? How?"
-May pumunta na dito to investigate me of course, kaya nga sabi ko kay Tristhan sana nga nasa akin nalang talaga ang pera ng company niya para ibalik ko nalang. Natatawang dagdag pa nito.
"Kilala muna si Tristhan?? " gulat na tanong ko dito.
Nagugulat ding nakikinig ang dalawa sa kanya nakita pa niya ang pag ngiti ni Athan.
-Yes your boyfriend, nandito siya kahapon sa bahay and he explained everything so wag kana mag alala, maaayos din to "
"Eh si ate?? Kumusta?"
-Alam mo naman yun lalo na kanina syempre nagalit at natakot iniisip niya yatang damputin naku ng mga pulis, Nag wo worry lang yun. Pinangako naman ni Tristhan na maayos din ang lahat ng to.
"I'm sorry Kuya Ashton , I'm sorry talaga. Nakakahiya kay ate lalo na pag makarating pa ito sa pamilya nito" naiiyak na naman siya sa hiya. Ate Kristal family is a public figure Politician at Model ang iba naman Artista.
-Aya
tawag nito pag nang aalo or nag lalambing.
"I'm sorry kuya ang hirap e explain eh ang bigat lang sa loob, wala naman akong ginawang masama sa kanila eh" pag iyak niyang sagot dito
-Aya be strong okay. Ganun talaga pag magagandang lahi binabato. Kaya natin to,bawal mahina.
Wala tayong inaapakang tao. At si Tristhan alam kung hindi ka pababayaan nun. He explained everything. So relax lang ha. Okay lang ako at may tiwala ako sa boyfriend mo. Cege na take a rest mukhang namamaos kana."Sorry kuya uuwi ako jan soon, maayos din to Kuya hindi pa din kami nagka usap ni Tristhan ngayon eh."
-wag kana umiyak hindi ako makukulong wag kana mag alala
"Hindi ko maiwasan kuya. Si ate, ihingi muna ako ng pasensya kuya. Maayos din to promise"
-Oo ako na bahala kay ate mo. Nariyan si Che kausapin ko lang
At inabot niya ang phone niya kay Cherrie "Si kuya kausapin ka"
Habang nag uusap ang dalawa lutang padin siyang iniisip ang mga nangyayari. Mukhang nagbibilin pa ang kapatid niya dito. Matapos mag usap ang dalawa pinatay na rekta ng kuya niya.
"Bakit kaya wala pa si Tristhan" baling niya kay Nathaniel.
"Baka may inaayos pa yun hintayin nalang natin" sagot nito.
"Nagka sagutan kami ni Ma'am Jean kanina bago pa ang result ng imbestigasyon"
At kinwento niya lahat ng nangyari.
"Kapal ng mukha niya ah" si che.
Habang si Athan naiiling nalang
"Hayaan na siya, lalabas din ang katotohanan" mahinang sabi niya.
Nagkwentuhan pa sila hanggang sa umabot na ng past 10 ng gabi.
"Puntahan ko na siguro muna si Tristhan sa kompanya" pagtayo ni Nathaniel.
![](https://img.wattpad.com/cover/242638916-288-k230908.jpg)