Chapter 24

38 2 0
                                        

Nakatapos na silang kumain at lumipas na ang mahigit isang oras pero walang nag ko kwento sa mga ito tungkol sa nangyari sa kompanya..

Kung sino2x yung aarestuhin kung kasama naba doon ang impakta niyang Head at kung bakit nandito si Sarah at yung sa kuya niya.

'Relax lang sila lahat so okay na talaga?'

Tiningnan niya ang mga ito habang naka upo siyang naka sandal sa unan ng hospital bed. Busy sa laptop si Nathaniel at Sarah. Si Cherrie mahimbing na natutulog pag baling niya kay Tristhan seryosong naka tingin ito sa papel ng ultrasound niya sa gilid niya.

"Hon.. i can see it on your face your investigating through your mind.. Do i need to repeat the doctor say or should i called her to repeat it for you? " seryosong baling nito sa kanya.

Napalunok siya, napipikon na yata ito nakita din niya ang pagtigil nung dalawa at pag bangon ni che.

"Cege na kasi mas lalo akong hindi panatag dito kung hindi mo sasabihin diba. I'm okay so please " malumanay na pakiusap niya.

"Your okay but the baby is not" ramdam niya ang pagpipigil nito.

Hindi na siya sumagot at yumuko nalang pero agad na nag uunahan nalaglag ang luha niya'hala bakit ako naiyak'

"So kailangan talaga na iiyak ka?" Nauubos na pasensyang dagdag pa nito.

"Boss" pag saway ni Che.

"Fine I'm sorry" agad itong tumayo at pinunasan ang mga luha niyang walang balak tumigil "Stop it, I'm just worried as hell . I'm sorry"

Pero lalo lang siyang napahikbi

"Asya" pagtayo ni che. "Hoy, tama na yan" pang aalo nito.

Hindi na siya sumagot at humiga nalang at tinalikuran si Tristhan. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nainis dito eh may point naman ito.

"Okay, looks like she don't like me" dinig niyang sambit nito at bumalik sa pag upo.

Dinig niya ang pag buntong hininga ni che bago siya pumikit at nakatulog.

Naalimpungatan nalang siya sa mga nag uusap pero nanatili siyang naka pikit.

"I think she's mad. I'm just only worried"

Dinig niyang sambit ni Tristhan.

"It's a pregnancy thing, so daddy ikaw ang mag a adjust okay? Kung hindi naman nakaka stress yung gusto niyang malaman din Go, if she say na okay lang siya then it's fine. It's her mood. Mas hindi maganda kung nag o overthink siya"

Rinig niyang sagot ng doctor.

"Okay doc, I'm sorry.. thank you"

Rinig niya ang pag labas siguro ng doctor.

"Na arrest na yung dalawang shareholder at si miss Jean pati nadin yung limang taga Fiance"

Boses ni Nathaniel.

"Eh yung kay Ruby paano yun?" Si Sarah.

"Falsification of documents and assisting the accused yun ang mga magiging kaso niya" si Athan

Dun na siya dumilat at nagtagpo agad ang mga mata nila ni Tristhan.

'So alam niyang gising ako'

Lumapit ito at hinalikan siya sa labi..

"I'm sorry wag kanang magalit ha you heard it already" ngiti nito sa kanya.

The Stranger CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon