Hanggang tanghali siyang lutang maging ang pamamaga ng mata niya ramdam niya.
Agad niyang hinaplos ang tiyan niya
'Kapit lang kay mommy anak ha, kapit lang. Strong si mommy kakayanin natin to ha' yun ang pina ulit2x niya sa isip niya. 'May tiwala ako sa daddy mo anak mahal na mahal ko si daddy mo'
Nahinto siya sa pag iisip dahil sa pag tunog ng phone niya.
"Beb" nagulat siya sa paghagulhol nito sa kabilang linya.
-Asya si tatay *sinok*wala na si tatay Asya.
Walang namutawing salita sa kanya sunod2x lang na bumagsak ang luha niya kasabay ng pag iyak ni Cherrie.
Pagkatapos kausapin si Cherrie agad siyang pumunta sa CEO office. At naabutan niya si Ma'am Jean dun na masayang nag ku kwentuhan kasama si Tristhan.
"Excuse me Sir, magpapaalam po sana ako" rektang pagka usap niya kay Tristhan halos ngayon lang niya ito natingnan ulit sa mukha. 'Miss na miss na kita boss'.
"Yes?" Seryoso nitong sagot na naka titig sa mga mata niya.
"Makikiusap po sana ako Emergency leave po kahit 1week lang" nangilid na agad ang luha niya.
"Asya alam nating hindi po pwede yan right ? " si Ma'am Jean ang sumagot.
"Ma'am kaya nga po ako nakikiusap hindi ba?" Baling niya dito. "Kayo na ho ba ang nag di disisyon dito?" Hindi na niya mapigilan ang sarili niya.
Bigla itong napatayo at
"Anung sabi mo Miss Madrigal?" Naka taas kilay na nitong baling sa kanya. "Your under investigation right?? Baka nakakalimutan mo at ipapaalala ko" galit na nitong sagot sa kanya.
"Enough" dinig nya ang pagsaway ni Tristhan.
"Hindi naman ho sa ganun Ma'am kaya nga ho ako nakikiusap kasi emergency ho emergency hindi ho ako tatakas-
"So galing na nga sa bibig mo'hindi tatakas' anong assurance ng kompanya sayo?" Pag putol nito sa kanya.
"Tama na yan" si Tristhan.
Nag sama2x na ang galit niya sa dibdib pati bugso ng damdamin...
"Anu ho ba ang hindi niyo naiintindihan sa salitang emergency? Ma'am!" Mataas na boses nadin niyang pagsagot dito.
"Binabastos mo ba ako? Head mo ako Asya, baka nakakalimutan mo" namumula na ito sa galit.
"Asia Lhouise enough " pag pipigil sa kanya ni Tristhan.
"Wala ho akong kinakalimutan Ma'am Jean kaya nga po ako nakikiusap hindi ba? Namatay ang tatay ng kaibigan ko kaya ako nakikiusap sa inyo" hindi na niya mapigilan ang sunod2x na pag patak ng luha niya nakita niya ang pagtayo ni Tristhan "mahirap po bang intindihin yun? Nakita niyo po ba akong hindi sumunod sa lahat ng utos ninyo? Ni minsan ho ba nag bulakbol ako sa trabaho? Opo under investigation ako pero may patunay na ho ba na ako talaga ang may gawa nun? Kahit po pasundan ninyo ako sa pulis papuntang nueva ecija ayos lang ho sakin kasi mas kailangan ako ng kaibigan ko ngayon." Hindi na niya ma ampat ang mga luha niya.
Dinig niya ang pag buntong hininga ni Tristhan at pananahimik ni Ma'am jean.
"Sir ayos lang ho, kahit pasundan niyo nalang ako ng pulis" baling niya kay Tristhan na nakatitig na sa kanya. "Kailangan lang ho talaga ako ni Cherrie ngayon." Sunod2x niyang pinahiran ang mga luha niyang ayaw tumigil' pisti'.
Tumikhim ito at "Okay lang ba sayo ang 3 days?and starting tomorrow ang bilang tapos mag haf day ka nalang din ngayon" Nakatitig nitong sagot sa kanya, gustong gusto na niyang takbuhin at yakapin si Tristhan sa paraan ng pagtitig nito.
