Lumipas ang halos dalawang oras, bumalik nadin sila Athan at Cherrie kasama na nila ang dalawang pulis para sa inbistigasyon. Yung chief pala uncle ni Nathaniel na kilala din ni Tristhan.
Dumiretso na kami sa conference room ng CEO.
"Pupunta din ba dito si.. si.. Harvey. Mahinang sambit ko." Hindi ko siya kayang harapin "naiiyak na naman na dagdag ko.
"No, yung side mo lang kukunin nila,and I'll never let that happened actually so lessen your worries okay? ." Sagot sa kanya ni Tristhan.
Tumango ako sa kanya at maya2x
Pumasok si Sarah sa loob. Hindi ko alam kung anu ang mararamdaman ko ukol dito. Wala din siyang idea kung anung nangyayari sa labas ng opisina simula kanina di pa siya pinalalabas ni Tristhan ng opisina nito.
Katabi niya si Che sa kabilang side naman nito umupo si Sarah. Sa bandang gitna ang dalawang pulis at sa harapan nila si Nathaniel at Tristhan. Maya2x may dumating pa na dalawang tao may bitbit pareho ng suitcase.
"So Miss Madrigal di na natin patatagalin to" Baling sakin ng isang pulis. Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.
"Maaari mo bang isalaysay ang nangyari simula umpisa kung paano ang ugnayan ninyong dalawa ni Mr. Albeso at hanggang sa kasalukuyang pangyayari" bigkas nito. Tumango ulit ako bilang tugon.
Naramdaman ko ang paghawak ng kamay sakin ni Cherrie at tumango ito sakin. Bumuntong hininga ako bago mag umpisa.
"Ahm, more than a month ago po bigla nalang ako kina usap ni Harvey tinanong niya ako kung okay kami ni Sarah." Napatingin ako sa naka yukong si Sarah.
-"Dahil?"
At sinabi ko na ang lahat kung ilang beses kami nag usap ni Harvey maging ang pagka usap ko kay Sarah at pagiging hindi namin okay hanggang ngayon.
"Tapos kanina po bago mag alas dos ng hapon, nagtxt siya sakin" at inabot ko sa pulis ang phone ko. Pinag pasa2x nila ito at binasa ang conversation namin doon.
- "hindi kaba nag taka bakit ka dun pina punta, tambakan na yun at blind area pa ?".
"Nagtaka po Sir syempre, pero ng nakita kung wala si Sarah sa pwesto niya dun na po ako nag agree sa kanya kasi iniisip kung andun na sila pareho.at iwas din daw po issue" tumango tango sila sa sinabi ko.
-"Tapos?"
At sinabi ko sa kanila ulit ang lahat nang nangyari sa stock room walang labis walang kulang. At nakita ko kung paano napa pikit si Tristhan maging ang pag kuyom nila pareho ni Nathaniel ng kamao.
- "Paano ka naka takas sa kanya?"
"Sa takot at sa bilis po ng pangyayari basta ang pagkakatanda ko tinulak ko siya at sinipa sa private part niya nung gumulong po siya sa sahig dun ako naka takbo. Dun na po ako nakita nila Sir Tristhan at Nathaniel sa elevator at tinulungan nila ako. Yun lang po." Nangilid na naman ang mga luha ko sa biglang paninikip ng dibdib ko sa nangyari.
- "miss Sarah san ka nung mga panahon na aroud 1:45 to 2 pm onwards.? " Baling ng pulis dito.
"Pagkakatanda ko po sir 1:30 po lumabas ako pumunta po ako ng company clinic dahil sa sama ng tiyan, pinag pahinga po ako ng doctor ng 1 hr andun po ang record ko sa clinic po." Sarah. Tumango ang pulis.
Napapikit ako sa narinig so wala siya at hindi niya talaga alam. 'God'.
After mag usap ng pulis at nung dalawang attorney pala yun samin at kay Harvey. Lumabas na sila. Na Check nadin ako ng doctor kanina para sa mga bruises na nakuha ko para sa karagdagang ebidensya. Di ko alam kung anu gagawin nila kay Harvey. Sarado pa masyado ang utak ko sobrang lutang padin ako sa ngayon. Sobrang sakit nadin ng ulo ko maging ang mga mata ko pati katawan ko para akong binugbog na pakiramdam ko wala na akong lakas.
![](https://img.wattpad.com/cover/242638916-288-k230908.jpg)