Sa sumunod na mga araw sobrang bigat ng pakiramdam niya feeling niya araw2x na siyang parang nilalagnat pero kailangan niyang lumaban para sa sarili dahil wala siyang kasalanan, minsan na niyang naisip kung may alam si Sarah dito kasi galit ito sa kanya pero mahirap din naman mag turo nalang.
Mabilis na lumipas ang panibagong isang linggo at sa loob ng linggo na yun di na sila nagka usap pa ni Tristhan kahit sa txt wala din
Di niya alam kung anu ng meron sila kung anung problema oh kung okay ba sila o kung sila paba minsan nalang din sila nagkikita sa kompanya at para lang silang hindi magka kilala like totally Stranger.Si Cherrie lagi nag mo motivate sa kanya kahit si Athan. Pero pag naiisip niya si Tristhan agad bumibigat ang puso niya iniisip niya ang mga huling sinabi nito di niya maintindihan di naman niya matanong si Athan kasi kung may alam to sa nangyayari sa kanila malamang nagtatanong na ito o nag sasabi sa kanya kahit kay Cherrie di niya pa din nasasabi sobrang gulo ng utak niya tumatakbo ang araw para sa kanya at wala padin siyang nakikita na kakaiba sa mga files.
Hanggang isang araw
Bumalik siya sa Document control office, habang may binabasa siyang report napansin niya ang naka usling file kaya nilapitan niya ito. At ng binuklat niya iyon report pa ito last year ng Finance at last quarter ito bago umupo si Tristhan bilang CEO.
Binasa niya pa ito at nagulat siya sa mga sumunod na pages may mga highlight na ng mali sa report
'Oh my God'
Kaagad niyang kinuha ang phone niya para ma picture-ran niya ang lahat ng may mali. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya at mas lalo pa siyang nagulat dahil hindi sa kanya ang report kundi kay Ruby.
Naalala na niya noong si Sir Rodolfo pa ang CEO nag ro rotation pa sila ng ginagawa every quarter.
Binasa niya sinave lahat ng picture sa phone niya. Hinanap niya pa ang iba pang gawa ni Ruby na mga kasunod lang na quarter at ganun din may mga lapses naka highlight nadin lahat.
Napapikit siya ng nakaramdam siya ng pagka hilo pinag pawisan nadin siya ng malamig. Kanina pa pala siya hindi kumakain kaya lumabas na muna siya at binalik ang files.
Pagdating niya sa opisina nagulat siya sa mga pagkain na nasa table niya
'Tristhan' alam niyang ito ang nagpadala nito. Kumuha siya ng pagkain at pumunta sa coffee room.
Iniisip niya kung sino ang mga nag highlight nun hindi kaya si Tristhan posible din, kung hindi man ito ibig sabihin may iba pang nag ta tsaga na tumingin sa mga hard copy ng mga files doon may tumutulong sa kanya.
Nasapo niya ang kanyang bibig ng bigla nalang siyang maduwal. Agad2x siyang tumakbo papunta sa CR.
'Napapabayaan muna ang sarili mo Asya' pagka usap niya sa sarili matapos mag suka nabigla siya ng may maalala halos mag dadalawang buwan na siyang hindi pa dinadatnan. 'Oh God'
Natapos ang maghapon na yun na di na siya mapakali nung palabas na siya nakita niya pa si Tristhan at Ma'am Jean na nag uusap na naka hawak sa braso nito si ma'am Jean.
Nakita siya ni Tristhan pero agad siyang umiba ng way para hindi masalubong ang mga ito.
'Pisti' "bakit naman ang sakit" nangilid na naman ang mga luha niya habang kinakausap ang sarili.
Nauna na siyang lumabas kay che sinabi lang niya na may bibilhin siya.
Pag dating niya sa Condo agad siyang nag bihis tinitigan niya muna ang dalawang pregnancy test kit na binili niya. Agad niyang kinuha ito at pumasok sa CR.