CHAPTER 1

405 24 2
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 1:

[FLASHBACK: YEAR 2018]

—SCARLET POV—

“Hindi parin ba ako pwede makauwe? Nagawa ko naman na yung mission ko dito sa Earth. Na-balance ko na ecosystem dito. Payagan mo na ako makabalik. Please.” pakiusap ko kay Zy.

“Wag ka mag alala Scarlet. Kapag nahanap mo na ang isang tao na magsisilbing susi mo ay makakabalik kana doon sa bituin, Kung saan ka nagmula.” saad ni Zy sabay turo sa bituin sa kalangitan.

“Pero paano ko siya mahahanap? Bilyon ang taong naninirahan sa planetang 'to. Paano ko naman malalaman na siya na nga yun. Na siya na nga yung susi para makabalik ako.” pagtatanong ko.

Agad naman siyang may dinukot sa bulsa niya, isang compas. At agad niya 'tong binigay sakin.

“A-ano naman 'to?” nagtatakang tanong ko.

“Compas. Makakatulong yan sayo, dahil ituturo ka ng compas na yan sa taong yun.” saad ni Zy agad ko nga pinagmasdan ang compas kumikislap ito na animoy isang makinang na dyamante.

“Hanggang sa muli, Scarlet.” nakangiting pagkakasabi ni Zy.

“Teka lang saan ka----”

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko dahil kaagad ng nawala si Zy na parang bula. Napabuntong hininga naman ako saka tumingala sa kalangitan.

[END OF FLASHBACK]

Dalawang taon na ang nakakalipas, pero parang wala naman nangyayari. May silbi ba talaga ang compas na 'to? Parang wala naman eh. Hindi ko parin siya nakikita. Gustong gusto ko na makauwe sa kung saan ako nanggaling. Sawang sawa na ako dito sa mundo ng mga tao.

Nakaupo ako sa isang upuan sa ilalim ng puno ng mangga dito sa park ng biglang kumislap ang compas na hawak ko. Kaya agad ko 'to tinignan, hanggang sa para bang may itinuturo ito sa kanang direction.

“May silbi ka naman pala eh.” nakangising sambit ko sa sarili ko at kaagad nga sinundan ang itinuturo ng compas.

—DOMINIC—

“Dominic pa-picture!!!”

“Dominic ang gwapo mo talaga!! Marry me!”

“Dominic I love youuu!!”

Rinig kong sigaw ng mga fans ko. Masayang kumaway naman ako sa kanila.

Nandito ako ngayon sa location ng pinagbibidahan kong bagong movie. Na tiyak kong papatok na naman sa takilya.

“Sir Dominic, pinagbibigay po ng fansclub mo.” saad ng P.A ko na si Lysa.

“Salamat.” nakangiting pagkakasabi ko at agad na tinanggap ang isang kahon ng donut.

Muli akong tumayo mula sa pagkaka upo para puntahan ang mga fans ko na walang sawang nagmamahal at sumusuporta sakin sa loob ng sampong taon ko bilang isang artista.

Agad nga nagtilian ang mga fans ko ng makapag-papicture sila sakin. Naiintindihan ko naman yun, sa gwapo kong 'to kahit langgam ay kikiligin.

Hanggang sa nagulat nalang ako ng may isang babaeng biglang bumangga sa likod ko.

“Nandito na. Teka nasaan banda?” tila nalilitong sambit ng babae na may hawak na compas.

“I-ikaw? Tama. Ikaw nga ang itinuturo nitong compas ko. Sa wakas, nahanap din kita.” masayang sambit ng babae dahilan upang kumunot ang noo ko.

Agad naman siyang nilapitan ng mga guards na nagbabantay sakin. At sa pilitan na pinaalis sa filming location.

Napa-iling na lamang ako habang tinitignan ang babaeng tila ayaw magpahawak sa mga guards ko dahil gusto akong malapitan.

“Kakaiba talaga ang taglay mong kagwapuhan Dominic.” nakangising bulong ko sa sarili ko.

——

—SCARLET—

“Oh ano? Nahanap mo na ba ang matagal mo ng hinahanap?” agad na tanong sakin ni Kathy.

Si Kathy ay ang naging kaibigan ko dito sa mundo ng mga tao. Alam niya ang tungkol sakin. Alam niya kung bakit ako nandito, at alam niya rin kung bakit hindi parin ako nakakabalik sa bituin na pinanggalingan ko.

“Uy ano ba Scarlet, kinakausap kita. Ano? Ano ng balita sayo-----”

“Nahanap ko na siya!” masayang pagkakasabi ko na halos magtatatalon ako sa tuwa. 

“Talaga?” masayang sambit ni Kathy.

“Oo. Makakauwe narin ako, sa wakas.” nakangiting pagkakasabi ko.

Napansin ko naman na bahagyang naging malungkot ang mukha ni Kathy.

“Ayos ka lang?” may pag aalalang tanong ko.

“Ewan ko ba Scarlet. Pero siguro, nalulungkot lang ako. Kasi siyempre, kung nahanap mo na siya. Ibig sabihin, aalis kana. Ma-iiwan na naman ako na mag isa. Para na kasi kitang kapatid eh. Nasanay lang ako na magkasama tayo dito sa bahay. Kapag may problema ako, lagi ka nand'yan para pagaanin yung loob ko. Kapag umalis kana, wala na akong kakampi.” malungkot na pagkakasabi ni Kathy.

“Kapag nalulungkot ka at namimiss mo 'ko. Edi tumingala ka lang sa langit, pagmasdan mo yung nag iisang bituin na sobrang kinang. Nandoon ako.” nakangiting pagkakasabi ko at agad na yumakap sakin si Kathy saka 'to napahagulgol sa pag-iyak.

To be continue...

The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon