CHAPTER 17

138 13 0
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 17:

—ARIANNA POV—

“Anong nangyari sa braso mo Arianna, pasa ba yan?” saad ni Dexter ng makita niya ang braso ko.

“Si Scarlet ang may gawa nito sakin. Totoo nga siguro ang sinabi ni Jovan, na may sa demonyo yung babaeng yun. At alam mo ba kanina? Kusang nawala yung sugat niya.” pagki-kwento ko.

“Teka naguguluhan ako sayo gurl. Anong si Scarlet ang may kasalanan? Saka sino si Jovan?” naguguluhan na tanong ni Dexter sakin.

“Pwede ba wag ka ng maraming tanong? Ikuha mo nalang ako ng yelo.” sarcastic na pagkakasabi ko.

Agad naman tinungo ni Dexter ang fridge para ikuha ako ng yelo. Pero hindi parin maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi kaya, hindi tao si Scarlet? Kung ganon, kailangan yun malaman ni Dominic.

——

—SCARLET POV—

Magkahawak kamay kami ngayon ni Dominic habang naglalakad sa tabing dagat.

“Doon ba sa bituin kung saan ka nagmula. May dagat din ba doon?” tanong sakin ni Dominic habang magkahawak kamay kaming naglalakad.

Agad naman ako ngumiti sakanya.

“Wala. Wala karin makikitang puno, puro mga lumulutang na sasakyan at mga naglalakihan na gusali. Ang mga bahay ay nakalutang din sa hangin.” pagki-kwento ko.

“Bakit ka nga pala napadpad dito sa Earth?” tanong sakin ni Dominic.

“Halos dalawang taon na ang nakakalipas ng dalhin ako dito ni Zy, ang kanang kamay ng namumuno sa butuin na pinanggalingan ko upang i-balance ang ecosystem dito sa mundo niyo. Para muling pasaganahin ang mga puno sa kabundukan. Yun nga lang, pabalik na sana ako matapos ko gawin ang mission ko ng mawala ang susi ng Thysia. Kaya kinailangan ko mamalagi dito sa Earth upang hanapin ka, sa tulong ng compas na binigay sakin ni Zy.” pagki-kwento ko.

Agad naman tumigil sa paglakad si Dominic saka siya humarap sakin at hinawi ang buhok na humaharang sa mukha ko dahil sa hangin.

“Dapat pala, magpasalamat ako dahil kung hindi nawala ang susi ng Thysia at napunta 'to sakin. Hindi magtatagpo ang landas nating dalawa.” nakangiting pagkakasabi ni Dominic.

“Daan pabalik sa bituing pinanggalingan ko ang hinahanap ko. Pero pag ibig na hindi inaasahan ang natagpuan ko.” nakangising pagkakasabi ko at saka ako niyakap ni Dominic.

Pero bigla na lang ako nakaramdam ng matinding pagkahilo.

—DOMINIC POV—

“Scarlet ayos ka lang?” nag aalalang tanong ko ng biglang mahilo si Scarlet at sobrang lamig ng buong katawan niya. Ilang saglit pa nga ay tuluyan ng nahimatay si Scarlet kaya agad ko siyang binuhat saka dinala sa beach house.

Pag dating sa beach house ay agad kong tinawagan si Kathy tungkol sa nangyari kay Scarlet.

——

—KATHY POV—

“Ano daw nangyari kay Scarlet?” agad na tanong ni Gie sakin ng maputol na ang pag uusap namin ni Dominic.

“B-bigla nalang daw hinimatay. T-tapos sobrang lamig ng katawan.” nauutal na pagkakasabi ko dahil sa labis na pag aalala.

“Sinasabi ko na nga, hindi na talaga kakayanin ni Scarlet ang manatili pa ng matagal dito sa planeta niyo.” saad ni Gie.

“Anong gagawin natin ngayon? Kailangan natin silang puntahan. Nasa isang beach house sila sa batangas.” saad ko.

“Pumikit ka.” saad ni Gie.

“Huh?”

“Sumunod kana lang sa sinasabi ko. Pumukit ka.“ seryosong pagkakasabi ni Gie at agad nga pumikit.

——

—DOMINIC POV—

Bago pa man dumating si Kathy ang isang lalake ay nagkamalay na si Scarlet. Pero nanghihina parin siya at maputla parin ang labi niya.

“G-gie?” nauutal na sambit ni Scarlet ng makita niya ang kasamang lalake ni Kathy agad naman kami nagtinginan ni Kathy.

“Gie? Hindi ba yun ang pangalang ng persian cat mo, Kathy?” nagtatakang tanong ko.

“Siya nga yun. Siya si Gie, nag anyong pusa lang para masamahan si Scarlet sa paghahanap ng susi ng Thysia.” paliwanag ni Kathy at namangha naman ako sa nalaman ko.

“Bumaba na ang temperatura ng katawan ni Scarlet. Hindi na siya pwedeng magtagal pa dito sa planeta niyo. Kinakailangan niya ng makabalik agad sa bituing pinanggalingan bago pa mahuli ang lahat.” saad ni Gie habang nakatingin kay Scarlet.

“H-hindi ako aalis. D-dito lang ako.” nanghihinang pagkakasabi ni Scarlet habang nakahiga sa sofa at hawak ko ang kamay niya.

Agad naman ng tumulo ang luha sa mata ko. Maging si Kathy ay umiiyak narin sa isang tabi.

To be continue..


The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon