CHAPTER 11

137 16 2
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 11:

—ARIANNA POV—

“Anong balita Dexter? Pinagkakaguluhan na ba ng mga reporters yung Scarlet na yun?” nakangiting tanong ko sa karatating lang na si Dexter.

“Hindi ka pa ba nanonood ng balita? o nagbubukas ng social media accounts mo?” seryosong tanong sakin ni Dexter.

“Hindi pa. Bakit? Ano bang meron bukod sa dinudumog ngayon ng reporter si Scarlet.” sarcastic kong pagkakasabi.

Agad naman nilapag ni Dexter ang cellphone niya sa lamesa.

“Ayan, panoorin mo.” seryosong pagkakasabi ni Dexter.

Agad ko naman kinuha ang cellphone ni Dexter upang panoorin ang nasabing video.

“Oo tama ang rumor na yun. Pero hindi na kami nagdi-date ngayon. 'Cause she's now my girlfriend.” nakangiting pagkakasabi ni Dominic habang nakatitig kay Scarlet.

Sa sobrang inis ko ng mapanood yun ay kaagad ko nga hinagis ang cellphone ni Dexter.

“Ms. Arianna, bakit mo naman hinagis yung cellphone ko. Ang mahal ng bili ko d'yan eh.” panghihinayang ni Dexter ng lapitan niya ang basag basag na cellphone niya.

“Pwede ba Dexter, cellphone lang yan. Bibilhin kita ng bago. Pero nabi-bwiset talaga ako sa Scarlet na yun. Nakakainis siya.” inis na inis na pagkakasabi ko.

——

—SCARLET POV—

“Trending kana sa Worldwide Trend sa Twitter, Dominic.” saad ni Kathy habang nag i-scroll up and down sa cellphone niya.

Agad naman ako bumaling ng tingin kay Dominic.

“Hindi mo na dapat sinabi yun sa mga reporters kanina. Hindi kana rin dapat pumunta. Mas lalo lang tuloy lumala yung sitwasyon. Imbes na, parehas tahimik ang buhay natin dalawa.” seryosong pagkakasabi ko.

“Alangan naman pabayaan nalang kita. Hindi ko naman kayang tiisin na makita kang pinagkakaguluhan ng mga reporters kung may pwede naman akong gawin.” paliwanag ni Dominic.

“Salamat sa pagtatanggol mo sakin kanina. Pero yung sinabi mo kanina. Sinabi mong------”

“Girlfriend kita? Hindi ko yun sinabi sa mga reporters dahil lang sa gusto kong itigil na nila yung kakatanong, sinabi ko yun 'cause I want you to be my girlfriend.” paliwanag ni Dominic.

“Alis muna kami ni Gie, para mas makapag usap kayo ng maayos ni Scarlet.” nakangiting sabat ni Kathy at agad niyang kinalong si Gie palabas ng pintuan ng bahay.

Kaya naman naiwan nalang kaming dalawa ni Dominic na naka-upo sa sofa.

“Scarlet, will you be my girlfriend?” saad ni Dominic habang nakatitig sa mga mata ko saka niya hinawakan ang kamay ko. Pakiramdam ko naman ay may kung anong kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan ni Dominic ang kamay ko.

Agad naman ako ngumiti sakanya saka ako tumango. Nagulat na lamang ako ng bigla niya ako niyakap.

Ano ba kasi ibig sabihin ng salitang girlfriend? At sobrang saya nitong si Dominic.

—KATHY POV—

“Uy saan ka pupunta?” puna ko kay Gie ng mapansin na naglalakad siya palayo sakin.

“Saan pa ba? Edi pupuntahan ko si Scarlet.” seryosong pagkakasabi niya.

Agad naman ako tumayo sa kinauupuan ko at saka nilapitan si Gie.

“Nakita mo ng seryosong nag uusap sila Dominic at Scarlet tapos aabalahin mo. Hayaan mo na sila.” saad ko.

“Anong hayaan? Batid mo ang tungkol kay Scarlet. Hindi siya pwede mahulog sa isang taga-Earth. Dahil parehas lang nila masasaktan ang isa't isa. Sa oras na bumalik na si Scarlet sa pinanggalingan niya. Hindi sa pinagbabawalan ko si Scarlet na magmahal. Pero ayaw ko lang din siyang masaktan.” paliwanag ko.

“Alam ko naman yun. Pero hindi naman natin kayang pigilan ang puso ni Scarlet na magmahal, hindi ba?” paliwanag ko naman. At hindi na muling umimik pa si Gie siguro ay naiintindihan niya narin ako.

Ilang saglit pa ay hinatid narin ni Scarlet si Dominic patungong gate kaya naman ng makaalis na si Dominic ay saka ko pinuntahan si Scarlet.

“Kamusta pag uusap niyo? Tinatanong ka niya kanina kung pwede ka ba niya maging girlfriend. Anong sinagot mo?” nakangising tanong ko.

“Siyempre, Oo. Pero....sa totoo lang. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin non. Ano nga bang ibig sabihin ng salitang girlfriend?” nakangising pagkakasabi ni Scarlet.

Halos sumakit naman ang ulo ko ng mga sandaling yun. Magkaroon ka ba naman ng kaibigan na nag mula pa sa isang bituin. In short, isang alien.

“Yun yung ano....Jowa.” saad ko.

“Jowa? Ano yun?” pagtataka niya.

“Nobya.” sagot ko.

“Ah Nobya. Oo alam ko yun, narinig ko na yun noon na sinabi ng isang matandang lalake noong kararating ko palang dito sa Earth. Pero teka, pumayag ako na maging Nobya niya.” nakangiting pagkakasabi ni Scarlet pero ng marealize niya na ang ibig sabihin ng salitang girlfriend ay bahagyang nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkabigla.

Pero sa totoo lang, kinikilig ako ng malaman na sila na ni Dominic. Ang kanyang knight in shining armor.

To be continue..

The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon