“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”
CHAPTER 12:
—DOMINIC POV—
Pagdating ko sa bahay ay agad na bumungad sakin si Mommy.
“What are you doing here?” seryosong tanong ko kay Mommy.
“I watched the news. Hindi ko in-expect na ganyan na pala kababa ang taste mo pagdating sa mga babae. Kaya pati fan mo ay pinapatulan mo.” tila pang iinsulto ni Mommy.
“I respect you 'cause you're my mom. Pero kung nagpunta ka dito para ipagpilitan na naman ang bagay na hindi ko naman gusto. Mas mabuti umalis kana, bukas ang pinto.” seryosong pagkakasabi ko.
“Sisirain mo ba talaga ang career mo para lang sa babaeng yun?” mariing pagkakasabi ni mommy.
“Mahal ko si Scarlet, kaya wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao. Kahit ng sarili ko pang ina.” seryosong pagkakasabi ko at agad ng umakyat ng hagdan patungo sa silid ko. Nagsasalita pa si mommy pero hindi ko na siya pinansin pa.
Ilang saglit pa, mula sa bintana ng silid ko ay nakita ko ang pag alis ni mommy sakay ng isang kotse.
Pagbukas ko nga ng social media ay samo't saring komento ang natanggap ko. May negatibo at meron din naman positibo. Pero hindi ko na inintindi pa ang mga yun. Ang mahalaga ay alam ko sa sarili kong mahal ko si Scarlet. At kaya ko siyang ipaglaban sa kahit na sino.
[The next day]
—SCARLET POV—
Nagdidilig ako ng halaman sa bakuran ng may isang kotse ang tumigil sa tapat ng gate ng bahay ni Kathy.
Maya maya ay isang lalake ang bumama na may dalang bulaklak. Nakasuot 'to ng sombrero, sunglasses at face mask. Pero sa tindig niya ay kilalang kilala ko siya, walang iba kundi si Dominic.
Nagpalinga linga muna siya bago siya pumasok sa gate kaya naman hindi ko mapigilan na matawa sakanya.
Nang makalapit na siya sakin ay agad na niyang inalis ang face mask na suot niya maging ang sunglasses niya.
“Good Morning. Flowers for you.” nakangiting bati sakin ni Dominic sabay abot ng bulaklak.
Agad naman ako ngumisi ng tanggapin ko yun.
“Anong ginagawa mo pala dito?” tanong ko.
“Gusto ko sanang yayain ka na lumabas. Kung hindi ka busy.” nakangiting pagkakasabi ko.
“Lumabas? Eh nasa labas na tayo ngayon hindi ba?” pagtataka ko.
“Ah, what I mean is. Let's have coffee date somewhere.” paliwanag ni Dominic.
—DOMINIC POV—
“Oh, bakit nakasimangot ka?” pagtataka ko ng mapansin na biglang sumimangot ang mukha ni Scarlet.
“Natatakot lang ako, kasi baka dumugin na naman ako ng mga reporters eh.” nakayukong pagkakasabi ni Scarlet at agad ko naman hinawakan sa kamay si Scarlet saka siya tumingin sakin.
“Wala ka dapat ikatakot. Kasi kasama mo naman ako, pinapangako ko sayo na po-protektahan kita.” nakangiting pagkakasabi ko kay Scarlet.
Agad naman gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Scarlet. Kaya naman mas lalo pa siyang gumaganda.
“Sige na, magbihis ka muna. Mag iintay ako sayo dito.” nakangiting pagkakasabi ko kay Scarlet.
At agad narin naman siya pumasok sa loob ng bahay upang makapag bihis siya.
—SCARLET POV—
“Talagang umiibig kana.” seryosong pagkakasabi ni Gie kaya bigla ako napalingon sa likod ko.
“Nand'yan ka pala.” sambit ko.
“Hindi na kita hahadlangan sa gusto mo. Pero sana alam mo rin na hindi ka pwede magtagal dito sa Earth. Sa ayaw mo man o sa gusto, iiwanan mo rin si Dominic.” saad ni Gie kaya natigilan ako sa pag aayos.
“Scarlet, matagal ka pa ba d'yan? Iniintay ka na ni Dominic sa baba.” sigaw ni Kathy.
“Alis muna ako. Wag ka mag alala. Hindi ko naman nakakalimutan yun.” malumanay na pagkakasabi ko kay Gie at agad narin ako lumabas ng silid.
——
Nang naglalakad na kami sa sidewalk ay agad ng hinawakan ni Dominic ang kamay ko kaya agad ako napatingin sakanya habang naglalakad kami.
“Sa daan ka tumingin wag sakin, baka matunaw ako.” nakangising pagkakasabi ni Dominic.
Agad naman gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.
“Si Dominic ba yun? Sinong kasama niya? Yan ba yung girlfriend niya?” rinig kong sambit ng isang babae na nadaanan namin.
At agad na nga kami pinagkaguluhan ng ibang mga tao. Wala silang tigil sa kakakuha ng litrato at video. Kaya mas lalong hinigpitan ni Dominic ang paghawak niya sa kamay ko.
“Wag mo intindihin kung ano man ang sasabihin nila. Wag ka matakot, hawak ko ang kamay mo.” saad ni Dominic.
To be continue..
BINABASA MO ANG
The Girl From Another Star
General FictionHalos mag da-dalawang taon ng namamalagi si Scarlet dito sa Earth, nagbabakasaling mahahanap niya ang taong makakatulong sakanya na makabalik sa bituin kanyang pinanggalingan. Ang taong itinuturo ng dala niyang compas ay walang iba kundi ang super...