CHAPTER 18

125 11 0
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 18:

—SCARLET POV—

Ayaw ko sanang umalis. Ayaw kong iwanan si Dominic dahil walang kasiguraduhan kung makakabalik pa ba ako o hindi na. Pero habang tumatakbo ang oras dito sa Earth ay mas lalo lang ako nanghihina kaya kinakailangan ko na talagang umalis.

Nandito na kami ngayon sa Baler, Quezon kung saan nakatago sa isang bundok ang sasakyan ko pabalik sa bituin aking pinanggalingan.

“Magkikita ba pa tayo?” naluluhang pagkakasabi ni Dominic kaya maging ako ay naluha narin.

Agad ko naman hinawakan ang pisngi niya saka niya hinawakan ang kamay ko.

“Oo, pinapangako ko yan sayo.” saad ko kahit hindi ko sigurado kung makakabalik ako. Ayaw ko lang umalis ako na malungkot si Dominic kaya sinabi ko ang gusto niyang marinig mula sakin.

“Kung ganun, mag iintay ako. Mag iintay ako sa muli tayong magkasama. Mahal na mahal kita.” nakangiti ngunit naluluhang pagkakasabi ni Dominic.

Agad naman ako tumango at isang matamis na halik ang ipinabaon niya sakin at mahigpit na yakap.

“Mahal na mahal din kita. Kapag nami-miss mo 'ko. Tumingin ka lang sa pinakamakinang na bituin, nandoon ako. Lagi mong aalagaan ang sarili mo. Hanggang sa muli natin pagkikita. Mahal ko.” saad ko habang patuloy ang pag agos ng luha sa mata ko.

Niyakap ko rin ang halos tinuring ko ng kapatid na si Kathy bago ako sumakay sa sasakyan ko pabalik sa bituin.

Pahakbang na ako ng bigla ako hinila ni Dominic at muli akong hinalikan at muling niyakap sa huling pagkakataon.

——

—DOMINIC POV—

“Mabuti naman nagising kana Dominic. May masakit ba sayo?” nag aalalang tanong sakin ni Vince, ang manager ko.

“Nasaan ako?” agad na tanong ko.

“Nandito ka sa Hospital. Matapos bumangga sa isang poste ang minamaneho mong kotse. Sabi ko naman kasi sayo diba. Hindi ka dapat masyadong nag inum ng magpunta kayo nila Wilson doon sa beach house niyo sa Batangas.” pagki-kwento ni Vince kaya mas lalo lang ako naguluhan.

“Wilson? Hindi ko siya kasama. Isa pa, hindi ako galing sa Batangas. Sa Baler, Quezon ako galing. Dahil hinatid ko si Scarlet.” paliwanag ko.

“Huh? Scarlet? Sino yun?” nagtatakang tanong ni Vince.

“Si Scarlet. Yung girlfriend ko. Yung hinatid natin noon sa bahay nila. Dahil pinagkaguluhan kami ng mga reporters at fans ko ng maging special guest ako sa grand opening ng Sports Bar. Ayaw mo pa ngang pumayag na ihatid natin siya.” pagpapa-alala ko kay Vince.

Napailing naman si Vince.

“Wala akong natatandaan na may babaeng hinatid tayo galing sa isang event. Nakakalimutan mo na ba Dominic? After mo mag speech sa grand opening ng Sports Bar ay agad karin umalis dahil sabi mo ay kailangan mo pumunta sa office ng Daddy mo.” paliwanag ni Vince.

“Teka nga muna, tatawag ako ng doctor. Baka kasi dahil sa aksidente nagkaroon ka ng selected amnesia.” saad ni Vince at agad ng umalis.

Naiwan ako sa loob ng ward na gulong gulo sa mga nangyayari. Bakit hindi niya kilala si Scarlet. At bakit iba ang kwento niya sa naalala ko.

Agad ko naman naisip si Kathy. Ang malapit na kaibigan ni Scarlet, pero ng tignan ko ang contact sa phone ko. Wala ang number doon ni Kathy. Wala rin ang mga pictures namin ni Scarlet noong first date namin.

Maya maya pa ay bumalik na si Vince kasama ang Doctor.

At ayon sa Doctor ay ok naman ang kalagayan ko. Ngunit kailangan ko pa magpalakas upang makalabas na ako ng Hospital.

——

Nang makalabas na ako ng hospital ay agad nga ako nagtungo sa bahay ni Kathy. Naabutan ko naman siyang palabas ng gate.

“Kathy.” sambit ko.

Kaya agad siyang tumingin sakin.

“Sino ka? Bakit kilala mo 'ko?” pagtataka niya.

“Ako 'to. Si Dominic, boyfriend ng kaibigan mo. Si Scarlet.” nakangiting pagkakasabi ko ng tanggalin ko ang face mask na suot ko.

“Dominic? Yung artista? OMG! Mga kapitba----”

Agad ko ng tinakpan ang bibig ni Kathy at sinenyasan na wag maingay. Nang kumalma na siya ay saka ko pa lamang tinanggal ang kamay ko na nakatakip sa bibig niya.

“Ano ba kasing ginagawa ng isang sikat na artista dito sa tapat ng bahay ko? At bakit mo 'ko kilala?” pagtataka ni Kathy.

“Dahil kaibigan ka ng girlfriend ko, si Scarlet.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Scarlet? Sino yun? Wala akong kilalang Scarlet.” seryosong pagkakasabi ni Kathy.

“Kathy pwede ba, gulong gulo na ang isip ko. Wag ka naman sana dumagdag pa.” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Wala naman talaga akong kilalang Scarlet.” pagpipilitan ni Kathy.

“Imposibleng hindi mo kilala o natatandaan si Scarlet. Dahil mas matagal mo siyang nakasama kaysa sakin. D'yan sa bahay mo.” saad ko sabay turo sa bahay niya.

“Dominic, hindi ako nagsisinungaling. Hindi ko talaga kilala ang Scarlet na sinasabi mo. Isa pa, matagal na akong hindi nakatira sa bahay na 'to. Mag a-apat na taon na. Binenta ko ang bahay kong ito sa Pinsan ko. Kaya minsan ay nagpupunta parin ako dito, tulad ngayon.” mahinahon na paliwanag ni Kathy kaya halos mapaupo ako at mapahawak nalang sa ulo ko dahil hindi ko lubos maisip ang mga nangyayari.

Hindi ko lubos maisip kung bakit ako lang ang nakakakilala at nakakaalala kay Scarlet. Maging si Arianna na minsan ng nakaaway si Scarlet ay hindi niya rin 'to kilala.

Isa nga lang bang panaginip o imahenasyon ko si Scarlet? Pero imposible yun. Imposibleng panaginip lang ang lahat.

To be continue..

The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon