CHAPTER 9

122 17 0
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 9:

—DOMINIC POV—

“D-Dominic, a-anong ginagawa mo dito?” nauutal na tanong sakin ni Arianna.

“Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko n'yan? Anong ginagawa mo dito? At bakit gusto mong saktan si Scarlet?” seryosong balik na tanong ko kay Arianna.

“Hindi ko naman siya----”

“Umalis kana. At sana, yun na ang una't huling beses mong pagbubuhatan ng kamay si Scarlet.” seryosong pagkakasabi ko.

“Pero bago ka umalis, you should apologize to her.” dagdag ko pa.

“Dominic hindi na kailangan.” malumanay na pagkakasabi ni Scarlet kaya agad akong tumingin sakanya.

“Anong hindi na kailangan? Balak ka niyang pagbuhatan ng kamay. Tapos hahayaan mo lang?” sarcastic na pagkakasabi ko.

“Sige na Miss. Makakaalis kana, pero gusto ko lang linawin. Mali ang iniisip mo. Wala akong inaagaw sayo.” malumanay na pagkakasabi ni Scarlet ng tumingin siya kay Arianna.

Maya maya pa ay agad narin umalis si Arianna.

—SCARLET POV—

“Ikaw? Ano din ba ginagawa mo dito?” sarcastic na tanong ko kay Dominic.

“May kailangan lang akong malaman....tungkol sayo.” seryosong pagkakasabi ni Dominic.

“Tungkol sakin?” pag uulit ko.

Agad naman tumango si Dominic.

“Ano naman ang  gusto mong malaman?” pagtataka ko.

“Pwede bang sa loob nalang tayo ng bahay mo mag usap?” malumanay na pagkakasabi ni Dominic.

“Sige.” saad ko at kaagad na nga kaming pumasok sa loob.

Wala si Kathy dito sa bahay dahil nag grocery siya kasama si Gie.

“Nandito na tayo sa loob ng bahay. Ano na yung gusto mong malaman sakin?” seryosong tanong ko.

Kaagad naman napabuntong hininga si Dominic.

“Saan ka ba talaga nanggaling? Sino ang mga magulang mo?” magkasunod na tanong ni Dominic.

Iba ang pakiramdam mo sa mga tanong niya. Hindi kaya, alam niya ng hindi ako tao?

“Ano bang klaseng tanong yan?” nakangising pagkakasabi ko.

“Pwede bang sagutin mo nalang yung tanong ko?” malumanay na pagkakasabi ni Dominic habang seryoso siyang nakatingin sakin.

[Flashback: 2years ago]

“Kapag may nagtanong sayo kung taga saan ka or sino ang mga magulang mo. Sabihin mo sa orphanage ka lumaki kaya hindi mo alam sino ang mga magulang mo. At kung taga saan ka, sabihin mo laking Manila ka.” saad ni Kathy.

“Bakit ko naman kailangan magsinungaling?” tanong ko.

“Alangan naman na sabihin mo na galing ka sa isang bituin, edi pinagtawanan ka nila. Baka isipin pa nila na baliw ka. Kaya sundin mo nalang ako. Ok?” paliwanag ni Kathy at kaagad naman akon tumango.

[End of Flashback]

“Hindi ko kilala ang mga magulang ko. Sa isang orphanage kasi ako lumaki.” pagsisinungaling ko.

“Saang orphanage?” seryosong tanong ni Dominic.

“Sa ano......sa----”

“OMG Dominic?!” sabat ni Kathy na kararating lang kaya medyo nakahinga ako ng maluwag.

Napansin ko naman na nakasimangot si Gie na kalong ni Kathy.

“Teka, sainyong pusa 'to?” nagtatakang tanong ni Dominic ng makita niya ang kalong na pusa ni Kathy na si Gie.

Agad naman kaming nagtinginan nila Kathy at Gie.

“Ah Oo, alaga ko 'to. Ang cute 'no? His name is Gie.” nakangiting pagkakasabi ni Kathy.

“Ganun ba? Para kasing nakita ko siya sa garden ko last time.” saad ni Dominic habang pinagmamasdan si Gie.

“Baka kamukha lang? Alam mo naman ang Persian Cat medyo magkakahawig diba?” nakangising palusot ni Kathy.

“Baka nga kamukha lang.” saad naman ni Dominic.

“Ano nga palang ginagawa mo dito? Binibisita mo si Scarlet? Nililigawan mo na ba ang kaibigan ko?” nakangising tanong ni Kathy.

“Nililigawan?” nagtatakang tanong ko dahil hindi ko naman alam kung anong ibig sabihin non.

Agad naman gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ni Dominic na labis kong pinagtaka.

Maya maya pa nga ay nagpaalam narin si Dominic na aalis na siya. At nang makaalis na si Dominic, saka ko tinanong kay Kathy kung ano ba ang ibig sabihin ng nililigawan. Agad naman natawa sakin si Kathy bago niya pinaliwanag sakin kung ano ang ibig sabihin non.

To be continue..

The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon