CHAPTER 13

139 12 0
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 13:

—SCARLET POV—

Kung saan saan kami nagpuntang Restaurant at Coffee Shop ni Dominic.

Noong una ay medyo naiilang ako dahil ang daming mga taong nakabuntot samin na walang tigil sa pagkuha ng video at litrato. Pero lagi niya sakin sinasabi na wag akong mailang, matakot at mag alala dahil hawak niya ang kamay ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pamamasyal ni Dominic ng mapansin ko ang bata na palapit na sa kalsada at ang paparating na kotse, kaya agad akong nagteleport patungo sa kinaroroonan ng bata at mabilis itong sinagip.

—DOMINIC POV—

“Ang cute nito. Bagay sayo 'to, diba Scar-----”

Natigilan nalang ako ng paglingon ko ay wala na si Scarlet sa tabi ko.

“Yung bata saka yung babae!” sigaw ng Ale kaya agad akong napalingon.

At paglingon ko ay nakita ko nga si Scarlet na yakap yakap ang batang babae.

Nagmamadali nga akong tinungo ang kinaroroonan ni Scarlet.

“Ayos ka lang? Nasaktan ka ba?” pag aalalang tanong ko kay Scarlet.

Agad naman siya tumingin sakin.

“Ayos lang ako.” nakangiting pagkakasabi ni Scarlet kaya agad ko siyang niyakap.

“Anak! Diyos ko, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?” pag aalala ng isang ginang ng lumapit na siya sa kinaroroonan namin habang kasalukuyan pang yakap ni Scarlet ang batang babae.

“I'm alright mom, 'cause she saved me. She's like a superhero mom.” saad ng batang babae saka siya tumingin kay Scarlet.

Agad ko narin inalalayan na tumayo si Scarlet.

“Maraming salamat sayo. Utang na loob ko sayo ang pagliligtas mo sa anak ko. Ikaw yung girlfriend ng sikat na artistang si Dominic hindi ba?” saad ng ginang kay Scarlet.

“Opo, girlfriend ko po siya.” pagmamayabang ko naman.

Agad naman ngumiti ang ginang sakin.

“Maraming salamat ulit sayo iha.” saad muli ng ginang agad naman ngumiti si Scarlet.

Paalis narin kami ng mapansin ko ang unahan ng kotse na may kunting damage. Hindi naman 'to sumalpok kung saan, tanging kay Scarlet lang. Ngunit walang kahit anong sugat si Scarlet.

——

—SCARLET POV—

“Ayos ka lang ba talaga? Wala bang may masakit sayo?” pag aalang tanong ni Dominic sakin habang nagmamaneho siya ng kotse.

“Oo. Ayos lang ako. Wag ka mag alala sakin.” nakangiting pagkakasabi ko.

“Kanina kasi, nakita kong may damage ang unahan ng kotse na dapat sasagasa doon sa bata. Hindi naman yun tumama sa isang poste o kahit matigas na bagay, maliban sayo. Pero nakakapag taka lang ng wala kang kahit anong sugat.” saad ni Dominic.

“Isa pa, napansin ko rin na medyo malayo satin ang kinaroroonan ng batang babae. Ngunit paano ka mabilis na nakarating agad doon sa bata?” pagtatakang tanong ni Dominic.

“Wag ka ng maraming tanong. Pwede bang ihatid mo nalang ako sa bahay? Gusto ko narin makapag pahinga.” seryosong pagkakasabi ko.

Hindi kumibo si Dominic at mabilis na pinaandar ang kotse.

Hanggang sa makarating sa tapat ng gate ng bahay ni Kathy ay wala na kaming naging pag uusap pa.

Nauna siyang bumaba ng kotse saka niya ako pinagbuksan ng pintuan at inalalayan na bumaba.

“Scarlet, wag ka sana magagalit sakin. Pero kasi, gusto ko lang mas higit ka pang makilala. Gusto ko lang makasiguro na mali ang hinala ko tungkol sayo.” malumanay na pagkakasabi ni Dominic.

Hindi kaya alam niya ng Alien ako? Dapat ko na bang sabihin ang totoo? Pero paano kapag iniwasan niya ako at matakot siya sakin. Bahala na, pero tingin ko kailangan narin niya malaman ang totoo.

“Hindi mali ang hinala mo sakin. Hindi ako nagmula sa planetang 'to. Hindi ako tao tulad mo. Nang galing ako sa isang bituin, Alien ang tawag niyong mga taga Earth sa tulad ko.” paliwanag ko, nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni Dominic ng aminin ko sakanya ang totoo.

“Ngayon alam mo na, mahal mo parin ba 'ko? Tulad parin ba ng dati yung pagmamahal mo sakin?” saad ko habang nanggigilid ang luha sa mata ko.

Hindi nagsalita si Dominic, ibig sabihin ay sobra siyang nabigla sa inamin ko sakanya. Ibig sabihin din ng pananahimik niya ay maaaring nagsisisi siya na minahal niya ako o baka natatakot siya sakin.

Agad na nga pumatak ang luha ko. Tila batid ko ng makikipag hiwalay na sakin si Dominic dahil sa nalaman niya.

“Kung iiwanan mo 'ko dahil hindi mo 'ko tanggap. Naiintindihan ko yun Dominic. Dahil batid kong hindi lahat ng tao ay tanggap ang tulad ko.” saad ko sabay ng pagpatak ng luha ko.

Pahakbang na sana ang paa ko paalis ng bigla niya hawakan ang kamay ko at hilahin palapit sakanya saka niya ako sinunggaban ng halik kaya agad nanlaki ang mata ko sa pagkabigla.

Wala akong ibang naririnig ng gabing yun kundi ang tibok lang ng puso ko.

To be continue...

The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon