“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”
CHAPTER 10:
—SCARLET POV—
“Bakit gising ka pa? Gabi na. Yung ibang tao natutulog na, pero ikaw 'to. Nakaupo sa ilalim ng puno ng acasia habang nakatingala sa kalangitan. Nananabik ka ng makauwe?” saad ni Gie ng tabihan niya ako sa upuan.
Bahagya naman ako ngumiti ng kunti.
“Oo, sobra na akong nananabik na makabalik sa bituing pinagmulan natin. Pero....“ bahagya naman ako natigilan ng maisip ko si Dominic.
“Pero ano? Hindi mo kaya. Dahil tulad ng mga tao ay natutunan mo naring umibig. Tama ba 'ko?” saad ni Gie.
At agad naman ako napabuntong hininga.
“Hindi ko....alam. Ganito pala yung love na sinasabi nila. Hindi mo alam kung kailan darating o kailan mo mararamdaman. Ang masaklap pa minsan, ay alanganin pa 'to. Dahil kahit alam mong mahal mo siya at mahal ka rin niya. Hindi parin kayo yung para isa't isa.” naluluhang pagkakasabi ko.
“Umiiyak ka? Ang mga nabubuhay lamang sa mundong 'to ang may kakayahan na maglabas ng tubig mula sa kanilang mga mata. Pero nakakamanghang kaya mo naring gawin. Kung sabagay, halos dalawang taon ka ng naririto sa Earth. Na a-adopt mo na ang pag uugali ng mga tao. Gayun pa man, hindi ka parin kabilang sa kanila. Dahil nagmula ka sa bituin na yun.” saad ni Gie saka siya tumingala sa kalangitan.
“Paano kung, hindi nalang ako bumalik doon. Paano kung manatili nalang ako dito sa Earth. Para makasama ko pa ng matagal si Dominic.” saad ko.
“Hindi mo yan pi-pwedeng gawin Scarlet. Dahil ilalagay mo lang ang sarili mo sa kapahamakan kung mananatili ka pa ng matagal dito sa Earth. Kaya hanggat hindi pa lumalalim ang pagmamahal mo kay Dominic. Mas mabuti ng makuha mo na agad ang susi ng Thysia upang makabalik kana.” paliwanag ni Gie.
——
—DOMINIC POV—
Kinabukasan, pagbukas ko ng social media ko bumungad sakin ang article na nagsasabing nasa labas sila ng bahay ng isang fan ng sikat na aktor upang alamin kung may relasyon ang dalawa.
Agad na pumasok sa isip ko si Scarlet kaya naman nagmamadali akong nagtungo sa kotse ko at saka mabilis 'tong pinaandar papunta sa bahay ni Scarlet.
Sa labas nga ng bahay nila ay sobrang daming reporters na pinagkakaguluhan siya.
Ang iba ay hindi magkamayaw sa pagkuha ng litrato at video sakanya.
Kaya naman mabilis ko tinungo ang kinaroroonan ni Scarlet saka siya niyakap upang protektahan sa flash ng camera dahil alam kong takot siya doon.
“Wag ka matakot. Nandito na ako, po-protektahan kita.” saad ko habang yakap yakap ko si Scarlet.
“Si Dominic?!”
“OMG si Dominic nga!”
“Mr. Dominic Stratford. Maaari po ba namin malaman kung totoo ang sabi sabi na dini-date mo daw si Ms. Scarlet na isa sa mga fans mo?” tanong ng reporter sakin.
Dahan dahan naman ako bumitaw mula sa pagkakayakap kay Scarlet at hinarap ang mga reporter.
Pero bago ako magsalita ay hinawakan ko ang kamay ni Scarlet kaya agad siyang napatingin sakin.
“Oo tama ang rumor na yun. Pero hindi na kami nagdi-date ngayon. 'Cause she's now my girlfriend.” nakangiting pagkakasabi ko habang nakatitig ako kay Scarlet.
Nakita ko naman ang kislap sa mga mata niya ng sabihin ko yun.
Halos hindi naman makapagsalita ang mga reporters matapos kong ipakilala si Scarlet bilang girlfriend ko.
“Narinig niyo na ang gusto niyong marinig. Nalaman niyo na ang gusto niyong malaman. Kung maaari lang ay makakaalis na kayo.” seryosong pagkakasabi ko.
At agad naman ng umalis ang mga reporters.
“Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba kanina?” pag aalang tanong ko kay Scarlet.
Hindi siya nagsalita at nakatitig lang siya sakin kaya naman agad ko nalang siyang niyakap.
To be continue..
BINABASA MO ANG
The Girl From Another Star
Fiksi UmumHalos mag da-dalawang taon ng namamalagi si Scarlet dito sa Earth, nagbabakasaling mahahanap niya ang taong makakatulong sakanya na makabalik sa bituin kanyang pinanggalingan. Ang taong itinuturo ng dala niyang compas ay walang iba kundi ang super...