CHAPTER 7

149 18 0
                                    

“THE GIRL FROM ANOTHER STAR”

CHAPTER 7:

—SCARLET POV—

Kinabukasan nga ay agad ko pinuntahan si Dominic sa bahay niya. Upang kunin sakanya ang compas ko.

Pasimple akong pumasok sa loob ng bahay ni Dominic matapos kong magteleport.

Ginamit ko ang sense ko upang maramdaman kung nasaan tinago ni Dominic ang compas ko.

Hanggang sa mapag alaman kung nasa isang silid 'to.

Agad nga ako nagteleport papasok sa loob ng silid.

At kaagad na bumungad sakin ang matagal ko ng hinahanap. Ang susi ng Thysia na nakalagay sa isang babasagin na lalagyan.

Dahan dahan nga ako nag lakad patungo sa pinaglalagyan ng susi.

“Anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong ni Dominic kaya agad ako napalingon.

“Paano ka nakapasok?” seryosong tanong niya muli habang naglalakad papalapit sakin.

“S-sa pintuan ako dumaan.” nakangising palusot ko.

Seryoso naman siyang nakatingin sakin habang naglalakad palapit kaya naman halos mapaatras na ako.

At sa kasamaang palad ay na-corner ako ni Dominic.

“May balak ka bang pagnakawan ako?” seryosong tanong niya habang inilalapit niya ang mukha niya sakin habang ako ay pilit na umiiwas sakanya.

“H-hindi. May hinahanap lang ako. Kaya ako nagpunta dito sa bahay mo.” saad ko.

“Ito ba ang hinahanap mo?” seryosong pagkakasabi ni Dominic at agad na pinakita sakin ang hawak niyang compas.

Agad naman ako tumango. Nang kukunin ko na sa kamay niya ang compas ay kaagad niya nga itong nilayo sakin.

“Paano naman ako makakasigurado na ikaw ang nag mamayari ng compas na 'to?” seryosong tanong sakin ni Dominic.

“Maniwala ka, sakin talaga ang compas na yan.” saad ko.

“Ok sige, isasauli ko na sayo.” seryosong pagkakasabi niya nakangiti naman akong kukunin na sana sa kamay niya ang compas pero itinaas niya muli 'to.

Matangkad sakin si Dominic kaya hindi ko abot ang kamay niya kapag itinaas niya 'to. Kaya kinakailangan ko pang tumingkayad upang maabot yun.

At sa pag tingkayad ko nga ay nawalan ako ng balanse kaya naman agad akong natumba sa kanya dahilan upang sabay kaming bumagsak sa sahig.

Nasa ibabaw ako ni Dominic at halos muntik ng maglapit ang mga labi namin dalawa.

Nagulat naman ako ng biglang tumagilid si Dominic at ngayon ay siya naman ang nasa ibabaw ko.

Hindi siya nagsasalita ngunit nakakatitig lang siya sa mga mata ko.

Bakit ganito yung nararamdaman ko? Ito ba yung sinasabi ni Kathy na kilig? Pero hindi 'to tama, hindi tamang mahulog ang loob ko sa isang tao lalo na kay Dominic. Dahil alam kung masasaktan ko lang siya sa oras na umalis na 'ko.

—DOMINIC POV—

Hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Scarlet.

Kahit nagagalit ako sakanya, kahit pinagtataasan ko siya ng boses. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mahulog sakanya. Iba yung siglang nararamdaman ko kapag nakikita ko siya, ayaw ko lang ipahalata yun.

Hindi ko na nga mapigilan pa ang sarili ko at unti unti ko ng inilapit ang labi ko sa kanya. Ngunit ng halos magkalapit na ang labi namin dalawa ay biglang tumunog ang cellphone ko.

Yun naman ang naging pagkakataon ni Scarlet upang takasan ako hawak ang compas. Na hindi ko parin alam kung paano napunta sakanya. At kung paanong parehas ang ukit ng compas na yun sa nakuha kong kwentas.

Agad ko siyang sinundan pero mabilis na naman siyang nawala.

Hindi ko alam pero isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi ko habang inaalala ang nangyari kanina.

To be continue..


The Girl From Another StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon