Si Ion ang isa sa kakaunting tao sa mundo na nakapagpaiyak sa akin
Noong naubos na ang mga luha namin kakaiyak, tinignan ko ang singsing ko at hindi ko mapigilang ngumiti.
Ikakasal na ako.
Bulong ko sa sarili ko. Tinignan ko si Ion na nakatingin lang din sa akin.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya.
"iniimagine ko ang paglakad mo sa altar at palapit sa akin." Sabi niya.
Biglang pumasok din sa isip ko ang sinasabi niya kaya hindi ko agad napigilan ang ngiti sa mga labi at luha sa mga mata ko.
Maraming bulaklak, tinitignan ako ng mga tao habang naglalakad. Sa magkabilang braso ko si Nanay Rosario at si Ryan na naghahatid sa akin.
"Bakit ka umiiyak?" Bigalang pagputol niya sa iniisip ko. "Nagsisisi ka na ba?" Dagdag niya pa.
Umiling ako bilang sagot habang pinupunasan ang mga luha sa mga mata ko.
"Babe, kung gusto mo, magpagawa tayo ng prenup agreement ba yon? Yung kontrata?" Biglang tanong niya.
Nagbigla ako sa sinabi niya. "Ha? Saan nanggaling 'yon? Hindi!" napalakas ko ang boses ko sa huling salita na binanggit ko.
Bakit niya ba kasi naisip 'yon?
Yumuko siya at hinawakan ang pulseras na binigay ko "Kasi baka isipin mo.."
"Babe, hindi." Mahinahon kong pagulit sa sagot ko. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya gamit ang dalawang kamay ko upang tumingin siya sa akin. Umiiyak siya "Hindi. Dahil alam ko na wala akong dapat paghinalaan sayo. Alam ko sa sarili ko na panatag ang loob ko sayo. At kung ano man ang akin ay iyo na rin." Sabi ko habang pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya. "Yun ba ang iniisip mo?" Tanong ko.
Tumango siya.
"bakit?" Tanong ko.
"Dahil baka kaya nalilito ka at hindi moa ko sinagot kaagad dahil nalilito ka pa. Mahal, pangako magtatrabaho ako ng maigi. Sisikapin ko'ng maibigay sayo lahat ng gusto at kailangan mo. Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang ibigay sayo lahat ng gusto mo." Sabi niya.
Ngumiti ako sa kanya. "Binigay mo na sa akin ang lahat ng gusto ko, sobra pa nga eh." Sabi ko.
Napangiti ko naman din siya. At sa isang iglap lang, biglang nagtama ang mga labi namin.
Hinalikan niya ako at sobrang ramdam ko ang pagmamahal niya, ang pagkasabik niya para sa aming dalawa at ang sinseridad ng lahat ng sinabi niya sa akin sa gabi'ng ito.
Isang madiin ngunit napakapuno ng pagmamahal para sa akin. Parang sinasayaw niya ako sa tugtugin na kami lang dalawa ang nakakarinig. Parang siya ang gumagabay sa akin sa bawat hakbang na tinatahak namin. Ang ganda lang sa pakiramdam.
Unti-unti niya ako'ng pinahiga habang magkadikit parin ang mga labi namin. Patuloy parin ang paghalik niya sa akin.
Noong naubusan na kami ng hangin, kumalas siya sa paghahalikan namin at tumingin siya sa akin.
"Sarap." Biglang sabi ko. hindi ko alam kung bakit nasabi ko yun.
Ngumiti siya ng kagwapo-gwapo. "Ano? Ito?" tanong niya at hinalikan niya ulit ako.
Ngayon naman ay unti-unting bumababa ang kamay niya sa katawan ko. Agad ko naman hinuli ang kamay niya at binalik ito sa itaas na bahagi ng katawan ko. "Ang sarap mo ngayon humalik Babe. Kahit halikan mo lang ako buong magdamag, ayos lang sa akin." Sabi ko.
"Naramdaman mo yun? Ako rin. Siguro dahil ito ang unang halik natin bilang mag fiancé." Sabi niya at ngumiti. "Pero kung halik lang na ganito ang gusto mo, kahit isa'ng buwan tayong ganito't naghahalikan lang, kung ayaw mo ng sex, okay lang sa akin. Ang importante, habang buhay tayong magkasama at habang buhay kitang mahahalikan ng nganito." Dagdag niya pa.
"Ha? Isang buwan?! Kaya mo ba yun?" Sabi ko. "Kasi ako hindi ko yun kaya!" dagdag ko at niyakap ko siya.
"Hay Salamat!" Sabi niya at parang huminga pa ng malalim. "Kala ko kaya mo eh." Sabi niya.
Natapos ang gabi namin na puro tawanan, harutan at halikan lang. Napaka ganda ng araw na ito, napakasaya ng puso naming dalawa, hinding hindi ko ito makakalimutan. Babaunin ko ito habang araw-araw, habang buhay, at kung darating man ang araw na magkakaroon kami ng matinding away ni Ion, aaalahanin ko kung bakit ako pumayag na magpakasal sa kanya, kung bakit ko siya pinili at kung bakit ko siya mahal. Babalik ako sa mga masasayang pangyayare sa buhay namin. Babalik ako kanya, dahil siya at siya lang nag tanging nagpaparamdam sa akin ng ganito. At napakapalad ko dahil may Ion ako, napaka maunawain, napaka masayahin, napaka simple, napaka mapagmahal, napakamaalaga, maginoo at mahal na mahal niya ang pamilya niya.
Mahal ko siya at mamahalin ko siya habang buhay.
YOU ARE READING
There You'll Be
Fanfiction**A sequel of 'The Right Time' also on my Published Stories. This is another Fanfiction Story that talks about how Vice struggles with life and how Ion was there with him all the way. This story is more than just love or intimacy, its about respect...