"Yennie, ano ba ang ingay-ingay mo. Kanina pa ako nagco-concentrate mag-aral dito."
Katatapos lang kanina ng first lecture namin sa Critical Care Nursing.
Nagbabasa ako ngayon ng transcript na na-print ko na about Neuro.
Nag-iintay pa ako ng isa pang transcript na ang topic naman ay Pedia.
Iu-upload yun sa google drive ng batch kaya nakabukas ang laptop ko ngayon na nakapatong sa study table ko.
Meron akong mga highlighters na iba't-ibang kulay at sticky notes kung saan ko sinusulat yung mga important terms.
Simula pa lang ng sem pero finals na agad namin this coming Friday.
One week lecture lang kami tapos exam na. Kailangan maipasa namin yung exam bago mag-proceed sa clinical rotation sa PGH.
Nursing ang kinuha ko dito sa Universidad de Padre Faura at kasalukuyang nasa 4th year na ako samantalang itong kapatid ko na si Julienne Marie o "Yennie" for short ay 1st year pa lang at Biology ang naisipang kuhanin.
"Eh kasi naman ate, ang funny nitong mga ka-chat ko sa bumble. Gumawa ako ng group chat sa messenger nung mga naka-match ko tapos nagpapagalingan sila gumawa ng memes" at talaga namang tumawa pa ng malakas ang luka.
"Hoy babae, para sabihin ko sayo nandito tayo sa Manila para mag-aral kaya itigil mo na yang pakikipaglandian mo diyan."
Simula mag-kolehiyo ako, umuupa lang kami ng kapatid ko sa isang apartment malapit sa PGH para di na ako mahirapan pumasok sa 6:00 am duty ko daily.
Naiwan sa probinsya ang mga magulang ko dahil dun naka-base ang mga trabaho nila.
"Ang OA mo talaga ate. Hindi naman kasi seryoso to eh. Saka alam mo, napapansin ko laging mainit yang ulo mo. Ang mabuti pa try mo rin mag-bumble. Malay mo ma-meet mo na yung taong makakapagpasaya sayo ayiieee." Sabi ni Yennie habang nakangiti at nagta-type sa phone niya.
"Ikaw na nga nagsabi diba, hindi seryoso yan. Paano ako makakahanap ng taong magseseryoso diyan e puro landian lang ginagawa ng mga tao sa dating app. Wala namang may planong mag-commit." Sabay buklat ko sa next page ng transcript na binabasa ko.
"Grabe ate, ang judgmental mo!" tumingin siya sakin with judging eyes.
"I'm just stating facts here. Ganito na lang, magbigay ka ng someone na may nakatuluyan through dating app tapos magbabanggit ako ng kilala ko na nag-try ng dating app pero hanggang ngayon single pa rin." I smirked and looked at her.
"I'll start, Julienne Marie Fernandez, ikaw naman." Nanahimik siya bigla.
"See" at hinawi ko ang buhok ko bago pinaikot ang swivel chair paharap sa study table para makapag-review na.
YOU ARE READING
Saving Yesha
RomanceYesha, a well-known OB-GYNE doctor in PGH, is already successful in her field and is happy in her relationship with Dr. Escovel. Everything is working out just fine. However, one year into their relationship, she found herself standing in front of h...