Chapter 6

59 3 1
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" Nanlaki ang mata ko sa sobrang gulat habang nakatitig sa kanya.


Napansin ko na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa at bumalik uli ang titig niya sa mukha ko. Na-realize ko na ngayon niya lang siguro ako nakita na nakalugay ang buhok.


Sa duty kasi ay nakasuot kami ng hairnet at madalas na naka-ponytail ang buhok ko kapag pumapasok sa school.


"Ah, dinalhan kita ng food. Napansin ko kasi na tuwing first day of duty ni Achilles sa isang area, lagi siyang nagpupuyat sa gabi. Tapos dinadalhan siya ng pagkain ni Miko kasi nakakalimutan na niyang mag-dinner." Sabi niya sabay iwas ng tingin sakin.


"Favorite mo raw ang takoyaki with milk tea sabi ni Achilles kaya naisip ko na dalhan ka." Napansin ko na parang medyo namumula na yung mukha niya.


"Ah ganun ba? O-okay, salamat." Ano ba yan Yesha, umayos ka nga. Bakit bigla kang nauutal diyan?


Inabot niya sakin yung milk tea at takoyaki kaya tinanggap ko na lang. Kaya ngayon ay nakatayo na lang kami parehas at lumipas ang ilang segundo na walang nagsasalita.


"May sasabihin ka pa ba? Kailangan ko na kasing simulan yung paggawa ng requirements ko eh." Hindi naman sa tinatarayan ko ulit siya, nagpa-salamat pa nga ako diba. Busy lang talaga ako ngayon kaya I don't have time for this.


"Wala na, sige pasok ka na. Dinalhan lang talaga kita ng pagkain. Kainin mo yan ah, wag ka magpalipas ng gutom." At lumabas na naman ang dimples niya after niya ngumiti.


"Hmmm, sige. Ingat ka pag-uwi. Thank you ulit dito." Sabi ko na lang kasi I don't want to be rude. Binigyan niya na nga ako ng pagkain tapos pinaalis ko siya kaagad.


"Okay, bye." Sabi niya habang nakatayo pa rin sa harap ko at nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng pants.


Dahil mukhang wala pa siyang planong umalis, tumalikod na ako sa kanya at dumiretso na papasok ng gate. Bago ko pa maisara ang gate ay nagsalita ulit siya.


"Sana hindi mo pa nakakalimutan ang sinabi ko sayo nung huli tayong nag-usap."


Of course, how can I forget? Buong weekend gumulo sa isipan ko yung sinabi niya na liligawan niya daw ako. Tapos biglang hindi siya nagparamdam. At ngayon ito na naman siya, muling ginugulo ang tahimik kong mundo.


Nagkatitigan muna kami ni Zane bago ko tuluyang sinara ang pinto na namamagitan sa aming dalawa.


Mabilis na dumaan ang mga araw sa linggo na ito. Consistent pa rin si Zane sa pag-message sakin sa bumble. Since hindi na ako rude, nagre-reply na ako sa kanya.


Kagaya nung tinanong niya ako kung kumusta na daw ako, ang sabi ko 'okay lang'. Tapos nung nag-message siya kung kumain na ba ako, nag-reply ako ng 'Oo'.


Naging maayos din ang duty naming tatlo sa Pediatric ICU.


Saving YeshaWhere stories live. Discover now