Nandito kami ngayon sa library para mag-review dahil meron pa kaming exams bukas. Katatapos lang ng mga exams namin for today at napagdesisyunan namin na mag-group study ulit.
Katulad ng sinabi ni Benzene, umalis kaagad sila ni Cysteine kagabi matapos niyang magpakilala sa akin.
Nalaman ko rin na older brother pala siya ni Cysteine at kasalukuyang nasa 2nd year ng med school sa TAU. Nauna si Benzene ng isang taon kay Janix dahil 4-year degree lang ang kinuha ni Benzene sa college.
"You know what, since grade school, best friends na sila sa TAU dahil batchmates sila. Nung college ko na lang talaga naging friend si Janix after ko mag-transfer sa TAU kasi sa Mériam College ako nag-aral hanggang senior high." Sabi sakin ni Cysteine. Hindi pa kami nag-start mag-aral dahil wala pa sina Janix at Achi.
"So bakit dito nag-med si Janix, bakit hindi sa TAU kagaya ni Benzene?" curious na tanong ko kay Cysteine pero bago siya makasagot ay biglang may nagsalita sa likod ko.
"If you're curious about me, why don't you ask me instead?" napalingon ako sa kanya at nakita ko na naman yung mapang-asar na ngiti sa labi niya.
"Mag-aral na nga tayo." Sabi ko kay Cysteine at binuklat ko na yung transcripts ko para magbasa. Umupo naman sa tabi ko si Janix kaya napapagitnaan nila ako ni Cysteine habang nasa tapat namin si Aoi at Cedie.
"I wanted to prove something." Narinig kong sabi ni Janix sa mahinang boses.
"Huh?" tanong ko dahil hindi ko naintindihan kung anong ibig sabihin niya.
"That I can make it without my parents' help. That I'll be successful on my own because I made it happen." Nakatingin na siya sakin ngayon nang magsalita siya.
"In addition to that, I wanted a new experience and I believe that I can get the best medical experience from the tertiary state-owned hospital of the country." Nakangiti na siya ngayon taliwas sa pinakita niyang expression kanina.
Natapos na ang midterms at Sabado na kaya rest day na namin. Nakatambay ulit ako ngayon sa condo nina Achi habang iniintay ko si Zane na bumalik dahil lumabas siya para bumili ng makakain namin.
Narinig ko na may nag-doorbell kaya pinagbuksan siya ni Miko.
"Uy, Leviathan. Anong ginagawa mo dito?" salubong ni Miko kay Ethan, nakababatang kapatid ni Zane.
"Hi Kuya Miko. Si kuya, nandito ba?" tanong ni Ethan kay Miko.
"Lumabas eh, pasok ka muna. Intayin mo na lang bumalik." Pumasok naman si Ethan at naupo sa tabi ko.
"Ethan, kumusta na? How's college life?" first year college na kasi ngayon si Ethan sa SAU. Kasalukuyang nakatira siya sa dorm sa España.
"Ayos naman Ate Yesha, kaso may mga gastusin kami para sa projects at requirements. Hindi pa nagpapadala ng pera si Mama kaya naisipan ko na lapitan muna si kuya." Paliwanag naman sakin ni Ethan.
YOU ARE READING
Saving Yesha
RomanceYesha, a well-known OB-GYNE doctor in PGH, is already successful in her field and is happy in her relationship with Dr. Escovel. Everything is working out just fine. However, one year into their relationship, she found herself standing in front of h...