Hindi ko alam kung ganito na ba talaga ako katanga para hindi mapansin na merong problema.
O baka ignorante lang talaga ako para balewalain na may problema kahit na napapansin ko na merong mali.
O baka talagang pinili ko na maging makasarili at unahin muna ang sarili kong problema sa pag-aaral kaya tuluyan ko nang hindi naisip na meron ding problema si Zane.
Akala ko kasi normal lang na hindi na kami kumakain o gumagala sa labas dahil busy ako sa med school at busy din siya sa trabaho.
Akala ko walang problema kasi ni minsan, hindi naman niya pinaramdam sakin na may dinadala siyang problema.
Akala ko okay lang ang lahat kasi yun yung sinabi niya.
Puro na lang akala, sobrang tanga ko lang talaga para hindi man lang magkaroon ng idea na may mali. Even Achi got an idea, that something's wrong, without even trying.
Naisipan ko na kausapin siya sa Sabado. Kailangan ko munang pag-isipan kung ano ang mga sasabihin ko sa kanya. I only want the best for him and if that includes pushing him away from me, then so be it.
Napapansin na rin ni Achi na may kakaiba sakin kaya nung tinanong niya ako one time during break kung may problema ba ako, humingi na lang ako sa kanya ng pabor na ayain si Miko na lumabas sa Sabado para makapag-usap kami ni Zane sa unit nila. Pumayag naman agad siya at hindi na nagtanong pa kaya nagpasalamat ako sa kanya.
Nandito na naman ako sa unit ni Zane at sinalubong niya agad ako ng yakap.
"Kain tayo, bumili ako ng paborito mong takoyaki at milk tea." Sabi niya nang nakangiti sakin na para bang wala siyang problema.
Umupo kami sa sofa at nagsimula na siyang kumain. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang mga sasabihin ko kahit na sobrang dami ko nang ginawang speech sa utak ko.
"Zane, alam kong napag-usapan na natin to pero gusto ko lang ulit itanong sayo kung bakit ayaw mong tanggapin yung offer sayo abroad." Tumingin ako sa kanya ngayon ng seryoso.
"Zane dahil ba sakin. Hindi naman kita pinipigilan diba? Sabi ko naman sayo susuportahan kita kahit na magkalayo pa tayo-" pinutol niya ang pagsasalita ko at siya naman ngayon ang nakatingin sakin ng seryoso.
"Yesha, diba napag-usapan na natin to. Dito lang ako, di ako aalis. Bakit ba gustong-gusto mo akong umalis. May problema ba tayo?" sinabi niya yun habang may namumuong luha sa mga mata niya.
"Zane, I know kahit hindi mo sabihin sakin that you have a problem financially. Pinapaaral mo si Ethan tapos ikaw din ang gumagastos sa medical fees ng nanay mo. Why don't you just grab the opportunity when it is already given to you?" sabi ko na naluluha na rin.
"Kaya nga ginagawan ko naman ng paraan diba? Just let me Yesha, I know hindi pa malaki ang kinikita ko ngayon kaya hindi na kita naaayang lumabas o nabibigyan ng regalo. Pero pangako ko sayo, just give me some time, makakabangon ulit ako. Just please Yesha, wag mo naman akong itaboy palayo." Ngayon tumutulo na talaga ang luha mula sa mata niya.
YOU ARE READING
Saving Yesha
RomanceYesha, a well-known OB-GYNE doctor in PGH, is already successful in her field and is happy in her relationship with Dr. Escovel. Everything is working out just fine. However, one year into their relationship, she found herself standing in front of h...