Chapter 24

55 3 0
                                    

"Yesha, ano yung nabalitaan ko kay Miko na mag-eextend daw si Zane sa US for another 2 years? Seryoso ba?" tanong sakin ni Achi.


Nandito kami ngayon sa library at nagre-review together. Kasama namin si Janix at Cysteine dahil okay na ulit kami. I mean, di naman talaga kami nag-away pero ngayon bumalik na ulit kami sa dati.


Kasalukuyang nasa 2nd sem na kami ng 3rd year at ngayong buwan na sana uuwi si Zane kung hindi lang niya inextend ang kanyang contract doon.


Napansin ko naman na napatingin si Janix sakin nang marinig niya ang sinabi ni Achi.


"Yeah, may nangyari kasing problema sa company nila kaya siya ang sumalo sa isang project." Sagot ko naman kay Achi.


"Pumayag ka? Okay lang sayo?" magkasunod na tanong ulit sakin ni Achi.


"Wala naman akong magagawa eh. Yun yung naging desisyon niya kaya kailangan ko na lang siyang suportahan. Sakto by the time na umuwi siya, graduating na tayo." Nakangiti kong tugon kay Achi pero seryoso pa rin siyang nakatingin sakin.


"Okay, kayo ang bahala. Grabe, ang laki rin ng tiwala niyo sa isa't-isa. Mas matagal pa yung LDR relationship niyo kesa sa time na magkasama kayo." Nagkibit-balikat na lang si Achi at nagpatuloy sa pag-aaral.


Nung tumingin ako sa direksyon ni Janix ay nakatulala siya kaya nang nahuli niya akong nakatingin sa kanya ay nginitian ko siya kaya nginitian niya rin ako pabalik.


Mabilis lumipas ang semester na ito. Dahil naging mas busy si Zane ay bihira na lang kami mag-usap through phone call. Madalas ay mag-iiwan ako ng message sa kanya at magre-reply siya sa susunod na araw.


Dahil mas naging busy na rin ako sa duty sa hospital ay hindi rin ako nakaka-reply agad sa kanya. Naiintindihan naman namin ang sitwasyon ng isa't-isa kaya okay lang kahit hindi na kami madalas makapag-usap.


Nasa ika-apat na taon na kami sa med school samantalang si Yennie ay nakapasok rin sa UPF College of Medicine at kasalukuyan siyang nasa unang taon.


"Kailangan natin mag-celebrate dahil first day ni Yennie ngayon sa med school." Sabi naman ni Achi sakin habang nasa classroom kami at dinidiscuss ang course syllabus para sa sem na ito.


"Sige, text ko siya. Sa Rob na lang tayo kumain later ng dinner." Bumaling naman ako kina Aoi at Cysteine.


"Makakasama ba kayo later? Kain tayo since first day pa lang naman." Masayang sabi ko sa kanila.


"Sure, where are we gonna eat?" tanong sakin ni Cysteine.


"Yabu tayo. Nagke-crave ako ng Japanese food." Sabi naman ni Aoi.


"Sige, ayain niyo na rin sina Cedie at Janix." Pagkasabi ko nun ay tinext ko si Yennie at pumayag naman siya.


Nandito naman kami ngayon at iniintay na lang namin si Yennie kasi umuwi muna pala siya sa apartment dahil maaga silang nadismiss today.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now