Chapter 27

43 3 0
                                    

"What do you mean Achi? Kung ang ibig mong sabihin ay bilang kaibigan, then, yeah I like him." Pero mukhang hindi satisfied si Achi sa sagot ko.


"You know what I mean Yesha. Uulitin ko ang tanong ko, do you like Janix?" matapos niya yung itanong ay hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang sumagot agad.


"Narinig ko ang pinag-usapan niyo kanina. Mukhang nasabi na pala niya sayo na gusto ka niya." Sabi ni Achi sabay tingin ng diretso sa nilalakaran namin.


"Alam mo?" gulat ko naman na tanong sa kanya.


"Yesha, hindi lang ako. Lahat ng nakakakilala sa inyong dalawa, alam na may gusto sayo si Janix. Hindi ko alam na ganito ka pala ka-manhid para di mapansin na may gusto sayo yung tao." Natahimik na naman ako dahil sa totoo lang, hindi ko alam kung anong patutunguhan nitong usapan namin ni Achi.


"Ang akin lang Yesha, hindi naman kita masisisi kung magustuhan mo rin siya. Hindi naman kasi talaga mahirap magustuhan si Janix..." huminga muna nang malalim si Achi bago nagpatuloy.


"...pero may boyfriend ka. Kahit na, you two are on a break right now, hindi pa rin naman magandang tignan na may ibang lalaki ka na maging ka-close or magustuhan." Sabi niya habang patuloy na naglalakad.


"I know Achi, kaya nga iniwasan ko si Janix dati eh." Sabi ko pero pinutol na naman ako ni Achi.


"Which didn't work. Di mo rin natiis eh, kahit naman ikaw hindi ka matiis nun. Alam mo, simula pa lang, I don't really like Janix. The way he looked at you, I already had an idea that he likes you. Pero nung naging kaibigan natin siya, dun ko nalaman ang pagkakaiba nila ni Zane."


"Zane befriended you with the idea of making you his girlfriend. Janix, on the other hand, only wanted to be friends with you. Pero habang tumatagal, unti-unti siyang nahuhulog sayo."


"And I respected Janix for keeping his emotions all to himself just to keep your friendship Yesha. Alam mo naman sigurong kampi ako kay Zane pero dahil sa ginawa ni Janix, kaibigan na rin ang turing ko sa kanya."


"In social psychology, there is proximity principle. We tend to form interpersonal relationships with people who are close by." Napatingin naman ako kay Achi nang nagtataka dahil hindi ko alam kung bakit napasok yun sa usapan.


"At ngayon, nasa malayo si Zane at si Janix ang malapit sayo kaya hindi talaga kita masisisi kung magustuhan mo rin siya." Tumingin siya sakin ngayon ng diretso matapos niyang tumigil sa paglalakad.


"Hindi mo man lang ba naisip Yesha na bakit parang ang bilis mong nagkagusto kay Zane? Let me answer that for you, kasi siya lang ang lalaking hinayaan mo na maging malapit sayo." Hindi ako makasagot dahil hindi ko masabi na mali siya.


"Bukod sakin, na obviously kinaibigan mo ko right after you found out that I'm bisexual, si Zane lang ang pinayagan mo na pasukin ang mundo mo."


"In just a short span of time, you already fell for him because those feelings are new to you."

Saving YeshaWhere stories live. Discover now