"Grabe, di mo man lang ba ako tatanungin kung bakit ako nakikipaghiwalay." Gulat na tanong niya sakin.
Umiling ako. "Para saan pa, I know for sure na kung makikipaghiwalay ka ibig sabihin wala na talaga. Na-exhaust na natin lahat ng paraan para mag-work yung relationship natin pero hindi na talaga. Sigurado naman ako na kapag dumating yung panahon na makipaghiwalay ka sakin napag-isipan mo yun ng mabuti and you have a valid reason for doing that." Paliwanag ko sa kanya.
"Grabe naman yang sagot mo, akala ko pa naman sasabihin mo 'I'll beg you to stay' tapos biglang 'I'll let you go'." Malungkot na sabi ni Zane.
"Zane, una sa lahat, magkakalayo lang tayo for a sem at para to sa pag-aaral natin. Pangalawa, hindi ako makakahanap ng iba kasi I'll be busy studying and I won't have time for other things. At pangatlo, I believe the same goes for you kasi I believe you. I won't give you any reason para maisip mo na makipaghiwalay sakin." Napansin ko na naman na napangiti siya.
"Sige na nga, isang sem na lang naman tapos graduate na tayo. Tapos kapag nakapasa na tayo sa board exam at may trabaho na tayo parehas, papakasalan na kita." Sabi niya na nagpagulat na naman sakin.
"Ano kasi Zane, may isa pa akong sasabihin sayo." Medyo kinakabahan na sabi ko sa kanya.
"Alam kong medyo biglaan pero recently ko lang din kasi na-realize na gusto kong maging doctor. Kaya after ko maka-graduate ng nursing, I'll proceed to med school." Sabi ko sa kanya habang tinatantya yung magiging reaksiyon niya.
Napansin ko na natahimik siya saglit pero maya-maya pa ay bigla siyang nagsalita.
"Ano pa bang magagawa ko, as a supportive boyfriend mukhang kailangan muna natin ipagpaliban yung marriage plans natin." Sabi ni Zane ng nakangiti sakin.
"Hindi ka galit?" tanong ko sa kanya.
"What? No. Bakit ako magagalit? You know I always admire how passionate you are in whatever you do. I wish you can also see yourself when you are working, kasi alam mo ba nung nakita kitang naka-duty sa ER, I knew at that moment you really belong in the hospital and without a doubt, you will also be a great doctor."
Wala na, sobrang hulog na hulog na talaga ako. Lord, kahit anong mangyari, hindi ko na talaga papakawalan ang isang to.
Buong second sem, naging routine na namin ni Zane mag-usap lang through phone call or text messages. Simula January hanggang March ay naka-duty ako sa Ward 3 ng PGH o Medicine Ward habang nasa Pampanga si Zane para sa kanyang OJT.
From March to May naman ay dineploy kami sa Cavite para mag-duty sa Barangay Health Stations samantalang si Zane naman ay tinatapos na ang kanyang thesis.
May mga araw na hindi kami nakakapag-usap dahil busy kami parehas pero sinisigurado pa rin namin na mag-iwan ng text message para ipaalam sa isa't-isa kung ano ang nangyari sa araw na yun o kung hindi kami makakauwi sa weekend dahil sa mga tambak na requirements na kailangan tapusin.
Mabilis na lumipas ang huling semester at June na ngayon kaya graduation na namin. Nakasuot ako ng filipiniana dress habang si Zane naman ay naka-barong tagalog at black slacks.
YOU ARE READING
Saving Yesha
RomanceYesha, a well-known OB-GYNE doctor in PGH, is already successful in her field and is happy in her relationship with Dr. Escovel. Everything is working out just fine. However, one year into their relationship, she found herself standing in front of h...