Chapter 15

65 3 1
                                    

"Yesha!" Natauhan ako bigla nang marinig ko ang tawag sakin ni Zane.


Tumingin ako sa kanya at napansin ko na may nakapaskil na naman na malaking ngiti sa mukha niya.


Napasimangot ako dahil after ng NMAT, hindi na ako sure if I'll still make it in my dream med school.


"Zane, hindi ko na talaga alam. If ever man na hindi maging maganda yung results ko, magtatrabaho na lang siguro ako bilang nurse tapos magpakasal na tayo." Pagkasabi ko nun ay bigla akong niyakap ni Zane.


"Hey, kahit na gusto ko na rin naman na mangyari yan, I know you did well. And now that you are one step closer to your dream, dito lang ako. I'll support you all the way and after your graduation, papakasalan na kita." Sabi niya na nagpangiti naman sakin.


Dumating ang birthday ko kasabay ang aming first anniversary. Napagdesisyunan namin na pumunta sa Manila Ocean Park dahil hindi na kami pwedeng mag-out of town trip.


Next month na kasi ang board exam naming dalawa at syempre first priority pa rin ang pag-aaral. We both agreed na mag-travel kami outside Manila after namin makuha ang lisensya namin.


November na at mauuna si Zane mag-take ng board exam kesa sakin. Na-realize ko na gumraduate si Zane bilang Cum Laude dahil sa sipag niya sa pag-aaral. Nahahawa na tuloy ako sa kanya dahil lagi kaming magkasamang dalawa na mag-review.


After lumabas ng results ng board exam ni Zane, nagulat kami pareho dahil Top 2 siya. Pero ang mas ikinagulat ko ay nung nalaman ko na topnotcher din pala ako. Nakuha ko ang ika-walong pwesto samantalang si Achi naman ay Top 3.


Well, hindi na kami nagulat dahil gumraduate rin na Cum Laude si Achi. Hindi man naging topnotcher si Miko at Daph, ang mahalaga ay naipasa rin nila ang board exam.


Nag-celebrate kaming lima nina Miko, Achi, Daph, at Zane matapos naming makuha ang license namin.


"So, friends ano na plano niyo after this?" tanong ni Daph sabay kuha ng pork belly at ibinalot niya muna sa lettuce bago isubo.


"Obviously, kami ni Yesha maga-apply na sa med school na papasukan namin." Sagot naman ni Achi sabay kain ng fish cake.


"How about our engineers, anong plano niyo?" baling naman ni Daph sa dalawang taga-ihaw namin.


"Maghahanap na ng trabaho, try ko rin mag-apply sa JGC Philippines. Since nag-offer na sila ng work kay Zane." Sabi naman ni Miko.


"Oh, really? Hindi mo nabanggit sakin to." Masaya kong sabi kay Zane bago kumain ng potato marble.


"Ah, hindi pa kasi ako sigurado. Saka marami pa naman na company diyan na mas malapit dito sa UPF." Sagot ni Zane sakin habang ifini-flip yung pork belly.


"Diba malaking kompanya yung JGC, bakit di mo na tanggapin yung offer nila?" tanong naman ni Achi.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now