Nandito na kami ngayon sa tapat ng gate ng apartment ko sa Paco matapos akong ihatid ni Zane pauwi.
"Baka maging busy ulit ako this weekend. Tinatapos na namin yung final draft ng Chapter 1 to 3 sa thesis. Kaya rin hindi ako nakapag-message sayo last weekend dahil dun." Paliwanag ni Zane sakin.
"Okay lang, ingat ka pauwi. Thank you for today." Sabi ko sa kanya nang nakangiti dahil nag-enjoy naman ako kahit papaano sa lakad namin.
Buong weekend ay nag-review lang ako about sa post-operative monitoring and interventions dahil sa Post-Anesthesia Care Unit (PACU) na kami assigned this coming week.
Lahat ng patients na nag-undergo ng surgery ay dinadala sa PACU na nasa same floor din ng OR. Buong 3rd floor ng PGH ay nakalaan para sa operating rooms at may isang malaking room doon at yun ang PACU.
Monday na ulit today kaya orientation pa lang namin sa area. Pumasok kaming tatlo sa semi-restricted area suot ang aming nursing uniform.
Sa babae ay light blue na dress with white collar and belt. Nakasuot kami ng white stockings and white leather shoes habang naka-hairnet ang buhok namin. Sa lalaki naman ay white button-down shirt with white slacks and white leather shoes. Parehas babae at lalaki ay may nakalagay na nameplate sa upper left chest.
Magkahiwalay ang locker room ng babae at lalaki. Malaki ang locker room dito dahil isa lang ang bihisan ng doctors, nurses, students, and nursing aides. Meron ding tatlong cubicles sa loob para mag-CR or shower yung mga nagwo-work sa OR.
Nagpalit na kami at nakasuot na ngayon ng scrub suit, face mask, surgical cap, and scrub shoes. Ang trabaho namin dito ay mag-receive ng patients galing OR.
Close monitoring lahat ng patients at kailangan siguraduhin na stable ang vital signs nila. Naga-administer din kami ng pain medications ayon sa doctor's order dahil karamihan sa complaints ng patients after operation ay pain.
Nagca-carry out din kami ng orders ng doctor at tumatawag sa ward/room ng patients kapag ililipat na sila pabalik doon dahil stable na ang condition nila.
Isa ito sa pinaka-benign na duty namin dahil karamihan sa pasyente ay puro stable. Nung lunch time na ay naisipan naming tatlo na kumain sa cafeteria na malapit lang din sa PACU.
Pagpasok namin ay napansin namin na may mga kumakain din sa loob na nurses, interns, at doctors. Malalaman kung ano yung status mo depende sa kulay ng scrub suit.
White sa aming nursing students, maroon sa med students, green sa nurses, at iba't-ibang kulay and designs na sa mga doctors.
"Ang sosyal naman dito, may sariling cafeteria ang OR." Sabi ni Daph pagkaupo namin sa bakanteng silya.
Umorder lang kaming tatlo ng hotdog, fried egg, and fried rice.
"Guys, this Friday nga pala birthday na ni Miko." Bulong ni Achi saming dalawa habang kumakain kami.
YOU ARE READING
Saving Yesha
RomanceYesha, a well-known OB-GYNE doctor in PGH, is already successful in her field and is happy in her relationship with Dr. Escovel. Everything is working out just fine. However, one year into their relationship, she found herself standing in front of h...