Chapter 17

84 3 2
                                    

"So, how's med school?" Tanong sakin ni Zane habang nakaupo kami ngayon sa sofa nila dito sa UT at kumakain ng merienda.


Sabado na ngayon at wala kaming pasok pareho. Nitong mga nakaraang araw, through phone call lang kami nag-uusap kaya ngayon lang talaga kami ulit nagkita.


"Hmmm, okay naman. Puro lectures pa lang kami ngayon kaya maraming kailangang basahin pero kinakaya pa naman." Sabi ko pagkatapos kumagat sa shawarma.


"Sabi ni Achi marami na raw kayong new friends." Sabi naman ni Zane sakin habang nakangiti.


"New friends? Baka kaaway ang ibig niyang sabihin. Wala naman akong new friends." Sabi ko tapos humigop naman ako sa milk tea.


"Kaaway? May kaaway ka? Ang sabi lang sakin ni Achi, kaibigan niyo na raw sina Cedie at Aoi saka may dalawa pa siyang pangalan na binanggit." Baling naman sakin ni Zane na seryoso ang mukha.


"Eh hindi ko naman new friends sina Aoi at Cedie. Matagal ko na silang naging kaibigan. Yung isa sigurong nabanggit niya ay si Tasha pero kaibigan kasi yun ng lahat so hindi siya counted. At kung si Janix yung isa pa niyang sinabi, well, hindi ko siya kaibigan, kaaway ko siya." Tuloy-tuloy kong sabi tapos ay narinig ko na bumukas yung pinto sa kwarto.


"Hoy Yesha, hindi si Janix yung sinabi ko. Si Cysteine yung isa pa natin na naging kaibigan. Paano kasi puro na lang Janix bukambibig mo nitong nakaraang araw." Sabi ni Achi at dumiretso papunta sa kusina.


"Sino si Janix?" tanong sakin ni Zane habang nakatingin sakin ng diretso.


"Ah, kaklase lang namin. Wag mo ng isipin yun. Hindi naman siya relevant." Sabi ko na lang at saka bumalik sa kinakain ko.


Ayaw ko nang pag-usapan pa si Janix kasi baka kung ano pang isipin ni Zane. Hindi naman kasi talaga friendly si Janix, ini-snob niya nga ang karamihan sa kaklase namin at iba pang students sa campus.


Nalaman ko lang dahil kinekwento samin ni Cysteine na marami ng babae ang nagpapapansin sa kanya from different colleges pero sinusungitan lang daw niya. Akala mo naman kung sinong gwapo eh ang dami-dami pa naman na mas gwapo sa kanya dito sa campus.


Kasama na rin namin siya sa circle of friends namin. Bale ako, si Achi, Aoi, Cedie, Cysteine, at si Janix na sabit lang kasi wala siyang ibang friend bukod kay Cysteine.


Kaya sumama samin si Cysteine kahit na marami na siyang iba pang friends ay dahil ka-close na raw namin si Janix. Ang hindi alam ni Cysteine, my misery is his happiness kaya inaraw-araw na niya ang pang-aasar sakin.


"Tsk, si Achi talaga. Simple na nga lang yung pabor na hiningi ko sa kanya. Di pa magawa nang maayos." Bulong ni Zane sa sarili niya pero narinig ko pa rin.


"Anyway, how's work?" tanong ko kay Zane para maiba na ang usapan.


"Okay lang, ganun pa rin. Na-promote lang naman ako bilang team leader sa department namin." Sabi niya habang nakangisi sakin. Pitong buwan na rin kasi siyang nagta-trabaho sa JGC kaya alam kong deserve niya tong promotion dahil sobrang hard-working niya.

Saving YeshaWhere stories live. Discover now