"What?" Takang tanong ni Dark ng ilang oras ko lang siyang titigan. Pano nato? Mas lalo akong mahihirapan na makaalis sa puder ni Dark kapag nagkataong buntis ako.
Sana...
Sana hindi ako buntis.
"Hey are you alright? Anong nararamdaman mo? nahihilo kaba?" Hindi kona namalayan na nakalapit na pala sya sakin. Halata sa mukha ni Dark ang pag aalala. Sana totoo na lang ang mga iyon.
"A-Ah eh... w-wala okay na ako." Agad akong umiwas ng tingin at tsaka lumabas ng banyo. Kailangan kong malaman ang totoo, pero pano?
Paano ako makakalabas dito para makabili ng pregnancy test. Masyadong mahigpit ang mga bantay ni Dark sa labas kaya paano ako makakabili.
"You sure?" Diko alam na sinundan pala niya ako hanggang dito sa kama. Tumango na lang ako at umayos ng upo. Napahigpit na lang ang kapit ko sa tiyan ko at napapikit ng mariin. My god Sam mag isip ka ng maigi kung pano mauutakan si Dark.
"I think your not okay." Rinig kong ani niya. "Just wait me here tatawagin ko lang si Yaya len para dalhan ka ng mainit na lugaw at gamot." Sabi niya na agad kong ikina mulat.
Tama! Si Yaya len nga! Bat hindi ko naisip agad yon?
Si Lenlen lang ang makakatulong sakin.
"Ahhh DARK!" Sigaw ko ng isasarado na niya sana ang pintuan ng kwarto. Agad itong napatigil at muling sumilip sakin. Bakas sa mukha nito ang pagtataka.
"What? May kailangan kapa ba?" Tanong nya. Umiling naman ako at tsaka mabilis na tumayo.
"Ako na ang pupunta kay Yaya len." Sabi ko habang palapit sa kanya. Kumunot naman ang noo nito at agad na hinarangan ako.
"What!? Hindi pwede, masama ang pakiramdam mo kaya ako na."
"Pero gusto ko, ako ang magluluto ng kakainin ko kaya tabi!" Matigas kong sabi at nilagpasan siya. Rinig ko naman ang pag buntong hininga nito bago ako tahimik na sinundan.
Mabilis lang kaming nakarating sa kusina kung asan si Lenlen. Nung una ay nagkakampihan pa sila ni Dark pero nag matigas talaga akong tulungan si Lenlen mag luto. Eto lang kasi ang naisip kong paraan para makausap si Lenlen.
"Tsk! What a hard headed." Inis na sabi ni Dark at padabong na umalis ng kusina. Agad akong napatigil sa paghihiwa ng mga sangkap ng masigurong wala na si Dark at agad na siniko si Yaya len na katabi ko lang.
"Nako Ma'am wag naman ho kayong magulo bako ho mahiwa ko ang sarili ko at mag kasugat ako." Rekla pa nito pero agad kong tinakpan ang bibig nito at sinenyasan na 'Wag kang maingay look'.
"Shhhhh! May sasabihin ako wag mong sasabihin kay Dark ah." Bulong ko at luminga linga muna sa paligid. Mahirap na baka mamaya may tao pala tas marinig yung sasabihin ko.
Tumango naman siya at tsaka bahagyang yumuko para marinig ang ibubulong ko.
"Ano ho yon Ma'am?" Bulong din niya. Agad ko naman nilapit ang bibigko sa tenga nya at tsaka bumulong.
"Pwede bang ibili moko ng PT ( Pregnancy test )." Kita ko ang biglang paglaki ng mata nito at gulat na lumingon sakin.
"PO?" Gulat na sigaw nya kaya naman nakatanggap sya saken ng mahinang batok.
"Ano ba sabi kong wag kang maingay e!" Inis kong bulong na ikina kamot niya sa batok. Nakakainis naman tong babaitang ito kakasabi lang pero sumigaw paden.
"Sorry ho Ma'am. Ilan ho ba ang gusto nyong bilhin ko?" Tanong nito sakin. Sumenyas naman ako ng dalawa sa aking daliri na agad naman niyang nakuha.
"Basta wag mong ipapakita kay Dark ah! Wag mong ipapakita. Itago mo ng maigi." Bilin ko sakanya na agad niyang ikina tango. Buti naman at maayos din siyang kausap.
NANG MATAPOS kami sa pagluluto ay agad na nag paalam si Yaya len kay Dark para bumili ng gamot sa labas. Buti na lang at mabilis na pumayag si Dark kung hindi ay baka maloka na ako ng sobra.
Para akong mababaliw dahil kinakabahan ako sa mga naiisip ko. Pano kung positive ang lumabas? Ano ng gagawin ko? Pano na yung plabo kong tumakas dito sa puder ni Dark.
Mas lalo akong mahihirapan na makabalik kay Mommy. I already miss her so much.
Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi kona namalayan ang biglang pag sulpot ng isang babae.
Sino paba edi si Stacy.
"Andito kapa den? Ang kapal naman talaga ng mukha mo ano!" Sigaw nito sakin. Mariin na lang akong napapikit dahil sa nakakairita nitong boses. Wala naba siyang ibang gagawin kundi ang malditahan ako palagi? Hindi ba siya napapagod?
"Oh your here again." Walang gana kong sabi at patagong tinarayan siya. Parang gusto ko na lang siyang sipain ng malakas hanggang sa tumalsik siya papuntang mars.
"Argh! Sabi kona nga ba at pakitang tao ka lang kay Dark e! Kunwaring aping api at mabait pero isa den namang dimonyo!" Inis na dinuro nya ako at lalapitan sana ako ng biglang lumitaw si Dark. Oh andito na ang knight in shining armor ng malditang ito, tsk.
"What are you doing here?" Malamig na bungad nito kay Stacy. Agad namang nagtransform sa pagiging anghel si Stacy at mabilis na kumapit sa braso ni Dark.
Parang may kung anong bulate sa tiyan ko at bigla na lang uminit ang ulo ko sa nakita. Tignan mo nga naman tong higad nato siya nga itong pakitang tao e.
"Dark, Babe. Thanks god your here." Malambing na sabi nito at niyakap si Dark pero nag taka naman ako ng bigla niya akong tinuro. "Babe inaaway nya ako kanina pa. Sabi niya saken demonyo daw ako huhu please do something!"
Agad namang nalukot ang mukha ko ng dahil aa sinabi nya. Binalingan naman ako ni Dark ng tingin. What? Ako pa talaga ang nang aaway e sya nga tong paranoid na kung anu ano ang binibintang.
"Wala akong ginagawa jan no!" Dipensa ko at napailing na lang sa kawalan.
"LIAR! Kunwari kapa e pakitang tao ka lang naman sa BOYFRIEND ko!" Sigaw nito at diniinan pa talaga ang salitang BoyFriend.
Yuck! As if namang may pake ako sa kanila ni Datk.
"What ever." Tinarayan kona lang sila at tsaka nanood ng tv. Bat koba kinakausap ang baliw nayon na i-stress lang ako.
"That's enough Stacy. Ano bang ginagawa mo dito? Diba sinabihan na kita na wag ka ng magpapakita sakin." Walang emosyong sabi ni Dark at malamig na tinignan si Stacy.
"But babe! I miss you!" Parang batang sabi nito at nag papadiyak padiyak pa. Mas lalo lang akong naiirita sa inaasal ng higad nato.
"I don't care." Walang ganang sabi ni Dark at pabalyang iwinaksi ang mga brasong nakapulupot sa kanya. Para namang pinag sakloban ng langit at lupa si Stacy ng iwan na lang sya ni Dark doon.
Buti nga sakanya.
"Grrrr! This is your fault, bitch!" Inis na sabi nito sakin at padabog na sinundan si Dark. Napailing na lang ako at isinawalang bahala na lang ang babaitang iyon.
Hindi nag tagal ay nakadating nadin si Yaya len dala dala ang gamot at PT na pinabili ko.
Hawak hawak ko ngayon ang pregnancy test dito sa loob ng banyo, hinihintay ang magiging resulta ng lahat.
Sana talaga ay hindi ako buntis. Hindi naman sa ayaw kong mabuntis ako pero hindi pako handa ngayon.
Ayokong mabuntis kay Dark. Isa siyang masamang tao kinasusuklaman ko siya.
Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko nagyon. Siya ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Kaya ayoko sa kanya.
Makalipas ang tatlong minutong paghihintay ay ganon na lamang ang naramdaman ko ng makita ko ang kinalabasan ng dalawang pregnancy test. Maluha luha akong napatakip sa bunganga ko at hindi kona napigilan na mapaiyak.
Juice colored maraming salamat po!
_________
A/n:Ano kayang result?
BINABASA MO ANG
MY KILLER HUSBAND
RomanceSa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangy...