Matapos ang maliit na pag tatalo namin ni Dark kanina ay hindi kona siya nakita pa. Ang pagkaka alam ko na lang ay umalis ito kasama ang mga kaibigan niya.Hindi kodin alam kung matatagalan ba iyong bumalik o sana wag na lang siyang bumalik.
Andito ako ngayon sa garden ng bahay ni Dark. Nag iisip isip at nag papahangin nadin. Hindi ko alintana ang napaka init na sinag ng araw na tumatama sa balat ko.
"Ma'am kanina pa po kayo diyan. Hindi po ba kayo naiinitan?" Tanong ni Yaya len habang nilalatag sa tabing lamesa ang mariyendang inihanda niya.
Hindi ko siya pinansin at nanatiling pinag masdan ang buong paligid. Ayoko siyang kausapin masyado akong nagtampo sakanya dahil sa nangyare kanina.
Alam ko namang wala siyang kasalanan pero sana nag bigay padin siya ng sign sakin kung andon ba si Dark o wala. Napabuntong hininga na lang ako at nanatiling nakatayo sa tirik na tirik na araw.
"Ma'am sumilong na po kayo baka po magkaroon ka ng sunburn at mapapagalitan ako ni Sir. Dark niyan Ma'am." May bahid ng pag mamakaawang ani nito kaya nilingon kona siya. Nag aalala itong nakatingin sakin at may hawak ng maliit na payong.
"Just give me a time para mapagisa, Yaya len." Seryoso kong sabi pero umiling lang siya.
"Hindi pwede Ma'am. Malalapnos po ang balat ninyo." Pag mamatigas padin nito at aabutan na sana ako ng payong ng biglang sumulpot sa likod niya si Stacy at hinila siya pabalik sa dating pwesto.
Andito nanaman yung higad.
"Huwag mona ngang iniintindi yang babae nayan Yaya len. Ano naman kung malapnos balat niya diyan eh kasalanan naman niya yan e. tsk!" Mataray na ani niya at tinaasan ako ng kilay. Kalma Samara masamang pumatol sa hayop.
"P-Pero Miss. Stacy magagalit ho si Sir. Da--." Agad na napatigil si Yaya len sa sasabihin ng pangunahan siya agad ni Stacy. Imbis na balat ko tuloy ang sumakit ng dahil sa sinag ng araw ay ang ulo kopa ng dahil sa kaartehan ng higad nato!
"So what? Your just a maid bakit ba ang dami mong ipinag lalaban jan! Umalis kana nga kung ayaw mong makaladkad kita papasok!" Wala pa man sa limang segundo ng kumaripas si Yaya len ng takbo papasok at hindi na muling bumalik. Natakot na siguro siya kay Stacy dahil sa nakakatakot nitong itsura at boses.
Mukha kayang mang kukulam tong si Stacy. Kaya nga siguro pinatulan siya ni Dark e kasi ginayuma niya ata. Tinalikuran kona lamang siya at muling pinag masdan ang lugar.
Nag hahanap ako ng pwedeng lusutan para makatakas sa impiyernong lugar na ito. Sinusulit kona dahil umalis si Dark at hindi ko naman din alam kung anong oras ito babalik.
"Hindi ka makakatakas, Sam." Tila parang naging bato ako saking kinatatayuan ng marinig ko ang sinabi ni Stacy. Pinag mamasdan niya lamang ako mula sa kina uupuan niya ngayon.
Nahalata niya ako?
"Nag papaaraw lang ako Stacy. Ano bang pinag iisip isip mo diyan, baliw." Maang maangan ko at hindi na siya pinansin ng tumawa lang ito. Pati ba naman sa pag tawa ay parang mangkukulam paden?
"Don't me Samara. Ibahin mo ako sa ibang nauuto mo. Alam ko ang lahat lahat sayo." Sabi niya bago isubo ang maryendang pinaluto kopa kay Yaya len. That's mine! Argh! Bakit ba ang hilig na lang mang agaw ng higad nato!
"Edi ikaw na matalino! Alam mo naman pala tas ang ingay ingay mopa diyan." Irita kong sabi at tinarayan sya. "Mind your own business, Stacy. Wala ka namang naiaambag."
"Pano mo naman nasabi?" Nanguuyam ako nitong tinignan sabay ngisi sakin.
Dahil sa sobrang pagka irita ko ay hindi kona napigilan at iniwan na lang siya doon. Nakakainis! Masyado siyang feeling close ah.
BINABASA MO ANG
MY KILLER HUSBAND
RomantikSa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangy...