Enjoy reading Charmies!
_"IBIGAY NYO SAKIN ANG ANAK NYO KUNG AYAW NYONG PAGBABARILIN KO KAYONG LAHAT! IBIGAY NYO SAKIN SI SAM!" Rinig kong sigaw ng asawa ko habang tinututukan ng baril ang mga kasambahay. Nanginginig sa takot na tinignan ko si Mama na takot na takot din.
"S-Sam mauna kana anak, please. T-Tumakas kana s-sunod kami ng Papa mo." Sabi nya at tinulak ako palayo. Ayaw gumalaw ng mga paa ko. Sobrang natatakot ako para sa kaligtasan naming lahat.
*Bang*
Umalingawngaw ang malakas na pagputok ng baril sa loob ng kabahayan. Kinain nanaman ako ng takot ng marinig ko ang sigawan at iyakan nilang lahat.
"No!"
"Sir! Huhu."
"A-Asawa ko!" Sigawan nila na halos nagpatigil ng mundo ko. N-No! S-Si Papa huhu si papa!"Napaka sama mo talaga Dark! Wala kang kasing sama!" Sigaw ni Mama. Mariin akong napapikit at nanatili pading nagtatago sa aparador.
"Asan si Sam? Saan mo tinago ang asawa ko!?" Sigaw ni Dark. "Alam kong andito lang sya... SAM, HONEY MAGPAKITA KANA SAKEN!"
"Tumigil kana Dark! Kahit kelan hindi ko ibibigay sayo Sam. Magkakamatayan muna tayo!" Matapang na sagot ni Mama sa asawa kong matagal ko ng iniwan. Sana pala hindi na lang ako umuwi ng pilipinas. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari.
"Kung ganon papatayin na kita."
Agad akong kinilabutan at mabilis na lumabas ng aparador para puntahan sila sa baba. No! Wag na si Mama sya na lang ang meron ako.
"D-Dark noooo!! T-Tama na please. A-Andito nako, a-ako lang naman ang kailangan mo diba." Pagmamakaawa ko. Ibinaba nya ang baril na nakatutok kay Mama at parang naging anghel ng lapitan ako.
"S-Sam anong g-ginagawa mo? T-Tumakas kana sabi eh!!" Galit na sigaw ni Mama pero hindi ko na lamang tinuunan ng pansin. Napahagulgol na lang ako ng maramdaman ko ang haplos ni Dark sa pisngi ko.
"Akala ko hindi kana lalabas eh." Bulong nito na halos magpanginig sa buong sistema ko. "Tara na. Umuwi na tayo."
Mabilis nyakong hinila palabas ng bahay at isinakay sa isang itim na kotse. Tahimik na sumunod lang ako at pilit na nilalabanan ang takot ko. Bakit ba nya to ginagawa?
"A-Akala koba malinaw na sating dalawa to, Dark." Panimula ko at naluluhang tinignan sya. Tamihik lang ito habang nag didrive. Tila ba parang wala syang naririnig.
"Akala koba ay ayaw mona sakin ha! Bakit moto ginagawa saken? Baket moko pinapahirapan!? Hiwalay na tayo Dark!" Sigaw ko sakanya at pinaghahampas sya. Tila ba isa itong bato na halos hindi matinag sa mga hampas ko. Alam kong hindi na sya ang lalaking pinakasalan ko noon. Hindi na sya ang Dark na minahal ko noon.
"Shut up Sam! Baka gusto mong pati ikaw ang isunod ko." Pagbabanta nya sakin na ikinatigil ko. Muli nanaman akong sinakop ng takot sakin buong sistema at muling napahagulgol. Napaka sama nya! Isa syang demonyo pinatay nya si Papa.
I know na mag susuffer lang ako doon sa bahay nya at ayokong maranasan yon. Kailangan kong tumakas...
Tatakas ako.
_________
A/n: Dont forget to vote and follow me :)
BINABASA MO ANG
MY KILLER HUSBAND
RomanceSa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangy...