Yaya Lenlen/lenlen POV.
"Bakit ka andito?" Seryosong tanong ko dito habang papalapit siya sa akin. Ang buong akala ko si Sir. Dark lang ang andito sa hospital ayun pala kasama siya.
( Syempre Kanang Kamay siya ng Amo mo Lenlen, tanga mo talaga. )
Napabuntong hininga na lang ako at tsaka sumimangot. Bakut hindi ko yon naalala hayst.
"Let's go kanina pa naghihintay si Dark sayo." Sabi niya at nauna ng pumasok ng elevator. Sumunod na lang ako at nanahimik.
Sa totoo lang ayoko talagang makasama si Leam. Noong nawala kasi si Ma'am Samara duon kami nagsimulang mag away ng mokong nato.
Nahuli ko kasi siyang may kahalikang babae sa office niya at siya tinitigan niya lang ako at hinayaang mag ngangangawa sa harapan nila nung babae.
G*g* diba?
Kaya ngayon nadala nako pero kahut nadala nako siya padin ang tinitibok neto. Pangalan niya padin ang sinisigaw ng puso ko.
"How's your day?" Biglang tanong niya. Takang sinulyapan koto saglit bago muling humarap sa pinto ng elevator kung saan kita namin ang mga sarili namin.
"Okay lang." Casual kong sagot. Medyo nailang pako kasi nakikita ko sa reflection namin na nakatitig siya sakin. Bakit naman niya kasi ako tititigan!?
"Bat ka nakatingin? Nagagandahan ka sakin no?" Biro kong sabi at nginisian siya. Kita ko sa reflection nito na nagulat siya sa sinabi ko pero kalaunan din ay naging seryoso.
Magaling talaga siya mag iba ng emotion. Parehas na parehas sila ni Sir. Dark.
"Pag sinabi kong Oo, maniniwala kaba?"
Ang kaninang nang aasar kong ngisi ay unti unti na lang nawala. Kapwa parehas kaming dalawa na nagtititigan sa reflection namin duon sa pinto ng elevator. Sumimangot na lang ako at hindi na nagsalita pa.
*Ting!*
Agad na lumabas si Leam ng Elevator ng mag bukas ito. Ako naman ay sumunod lang sakaniya. Buti na lang at nakarating na kami sa tamang floor na pupuntahan namin kung na stock pa kami sa elevator ng matagal siguradong maiilang na ako sa kaniya.
Marami pa kaming nilagpasan na mga rooms at laboratory hanggang sa tuluyan na naming narating ang kwarto ni Ma'am Samara.
Sa wakas! After One Month and two weeks na pagkawala niya ay makikita kona din siyang muli.
"Andito na siya Dark." Malamig na sabi ni Leam kay Dark ng tuluyan kaming nakapasok sa loob.
Agad namang napadako ang laningin ko sa babaeng nakaratay sa hospital bed. Nangayayat ito at maraming pasa at sugat. Para bang hindi siya pinakain doon at pinahirapan lang talaga. Nakakaawa naman si Ma'am.
"Good..." Sabi ni Sir. Dark at lumapit sakin. "I want you to take care of my Wife, Lenlen." Seryoso ako nitong pinakatitigan kaya tumango na lang ako.
"O-Okay Sir."
"Kapag nagising na siya tawagan mo lang ako at ang mga Doctors. Make sure na wala ng iba pang makakapasok dito kundi tayo tayo lang. Do you understand, Lenlen?" Tumango ulit ako pagtapos ay nginitian si Sir. Dark.
"Yes Sir." Sagot ko at inayos na ang mga dala ko sa isang table.
"Don't worry kasama mo namang magbabantay dito si Leam." Pahabol pa ni Sir. Dark na ikina tigil ko.
"P-Po?" Gulat na tanong ko at alanganing tinignan si Leam ba prenteng nakaupo sa single sofa.
"I don't want to repeat my self, Lenlen. Just take care of my Wife." Agad akong napaiwas ng tingin kay Sir. Dark at muling pinag patuloy ang ginagawang pag aayos sa mga dala ko.
BINABASA MO ANG
MY KILLER HUSBAND
RomansaSa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangy...