Sobrang na miss ko sya.
"D-Dark... its that you?" Hindi makapaniwalang tanong ko ng masilayan ko siyang muli.
Gaya ko ay nakatitig lang din siya sa akin. Puno ng iba't ibang emosyon ang kanyang mga mata.
"Samara..." Pagka rinig ko sa boses niya ay agad na nagsitulo ang mga luha ko. Sobra kong namiss ang boses niyang yon.
Akmang lalapitan kona sana siya para yakapin ng biglang hilain ako pabalik ni Akia. Duon nabalik ang pinaghalong galit at takot sa babaeng ito.
Isipin ko palang na sila ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ng ilang araw ni Dark ay nagagalit nako pero wala akong magawa dahil ano mang gawin ko ay mapapahamak padin ako.
Kailangan kong mag ingat.
"Hep! Hep! Dito ka lang." Natutuwang sabi ni Akia habang hila hila ang kamay kong nakaposas.
Halos manginig ako sa lamig dahil sa lakas ng simoy ng hangin at isang sandong manipis lang ang suot ko. Gusto ko mang mahiya sa itsura ko pero hindi ito ang tamang panahon.
"Bitawan mo siya Akia kung ayaw mong mamatay ngayon din." Seryosong sabi ng lalaking katabi ni Dark.
"Okay, pero bago ako mamatay mauuna muna tong napakagandang babae nato." Nakangising sagot ni Akia bago idiin sa leeg ko ang baril na hawak niya.
Bigla na lamang nanlambot ang mga tuhod ko at nanghihingi ng saklolo akong tumingin kay Dark. Ngunit wala sa akin ang atensyon niya kundi andon sa baril.
Napalunok na lamang ako. "P-Please..." natatakot kong saad. "Let me go." Halos naibulong ko na lang ang huli kong sinabi.
Bigla namang tumawa si Akia at nababaliw na dinilaan ang pisngi ko.
"Don't be scared little. Gusto ko lang na makita mo kung pano magmakaawa si Dark para sa buhay mo." She said.
Mas lalo pakong nanghina ng itutok niya kila Dark ang baril. Hindi ko kinakaya ang mga ganitong senaryo. Ang buong akala ko ay sa telebisyon ko lang ito makikita pero heto ako ngayon at nararanasan na ito sa totong buhay.
"Let go of my Wife you crazy woman!" Sigaw ni Dark na punong puno ng kalamigan. Mababakas modin ang pagka seryoso niya at galit sa boses niya.
Akmang susugod ito samin ng harangan siya ng kasama niyang lalaki.
"F*ck Leam get out of my way! Papatayin kona ang babaeng yan!" Rinig naming sigaw ni Dark sa lalaki pero hindi siya pinagbigyan sa gusto niya.
"Huminahon ka muna Dude. Mas lalong mapapahamak si Sam." Pagkausap ng lalaki kay Dark.
Napasinghap na lamang ako at bahayang napailing. Nasa peligro na nga kami at nakuha pa nilang mag usap."How can i calm down man? Nasa kanya si Sam!" Halos pumutok na ang ugat sa leeg ni Dark dahil sa sobrang pang gigigil at galit.
"But---." Magsasalita pa sana ang Leam na kausap ni Dark ng biglang sumingit si Akia sa kanila.
"AAAHHHHH!NO! DARK HELP ME!" Tili ko sa sobrang takot ng itapat ako ni Akia sa railings ng rooftop. Halos malula ako dahil sa sobrang taas ng palapag na kinaroroonan namin.
"That's enough! Masyado nakong naririndi sa kaekekan ninyong dalawa jan!" Sigaw ni Akia at mas idiniin pako sa railings kaya nakayuko nako ngayon.
Onting tulak na lang sakin ay pwede nakong mahulog sa apat na palapag ng bahay nato.
Unti unting nanlabo ang mga mata ko dahil sa mga nabubuong posibilidad sa isip ko na pwedeng mangyare. Eto naba yon? All of my life akala ko makakaiwas nako sa gulo at sakit na dinanas ko kay Dark noon ngunit mas malala pa pala ito.
Madami ng nawala sakin. Una ay ang anak ko tapos si Daddy at ngayon sino na ang susunod? Ako naba?
Dark POV.
Mas lalo kong hinigpitan ang paghawak sa baril ko ng dahil sa sobrang inis. F*ck! Mas lalo ko nga lang pinapalala ang sitwasyon.
"Pakawalan mona si Sam ngayon din!" Sigaw ni Leam sa baliw na babaeng iyon. Masyado akong nababahala sa kaligtasan ni Sam lalo na at onting tulak na lang sakaniya ay pwede na siyang mahulog.
"Put me down! Please put me down!" Paulit ulit na sigaw ni Samara dahil sa sobrang takot. Nag uumpisa nadin siyang lumikot kaya mas lalo akong kinabahan.
Tinignan ko ang paligid at natanaw ko sa kabilang building ang mga tauhan ko na kanina pa nag aabang ng senyales ko para paputukan si Akia.
"Akin na muna ang mga baril ninyo." Utos ni Akia habang tinututukan paden kame ng baril at hawak hawak si Samara sa likod.
Hindi ako makahanap ng tiyempo dahil kung papatayin ko kaagad siya ay mahuhulog naman si Samara.
"Hawak na namin ang Kapatid mo kaya sumuko ka na lang." Mahinahon na pagkakasabi ko habang unti unting binababa ang baril ko pagkatapos ay sinipa ko iyon papalayo sakin.
"I don't care! Mamatay na siya kung mamamatay na talaga siya." Talagang baliw na ang babaeng ito dahil mismong kapatid niya ay sinasabihan niya ng ganyan.
Iba talaga kapag namana sa magulang ang kabaliwan talagang maiinis ka na lang dahil pati ibang tao dinadamay pa sa kabaliwan nila.
"Wala na samin ang baril, amin na si Sam." Malamig kong sabi na nagpangisi sa kaniya.
"Bat ko naman ibibigay si Samara sa inyo ng ganon ganon na lang? HAHAHA bagay na bagay nga talaga kayong dalawa kasi parehas kayong uto uto." Halos sumabog ang ulo ko dahil sa sobrang pagtitimpi sa babaeng ito.
Hindi ko makayanan na sinasabihan ako ng ganito ng isang baliw lang! Okay lang sana kung isang makapangyarihan na tao eh pero hindi!
Sa isang baliw pa talaga!
"Shut up you motherf**ker!"
"Hey Dude calm down." Rinig kong bulong ni Leam sakin. Tinitigan ko lang ito ng masama pagkatapos ay sinubukang huminahon.
"HAHAHAHAHA." Halos mag echo sa buong sistema ko ang nakakarindi nitong tawa. Sisiguraduhin ko talagang di kona maririnig ang tawa nayan mamaya.
"Sa tingin nyo ba natatakot ako sa inyo? HAHAHAHA sino kaya ang uunahin ko sa inyong tatlo? Hmmm..." ipinuwesto pa nito ang kanyang kamay sa kanyang baba na para bang nag iisip talaga siya ng matino.
"P*T*NG*N*! WAG KA NG MAGLARONG BALIW KA!" Sigaw ko at sinenyasan na si Leam na utusan ng kumilos ang iba pa naming mga kasama.
Unti unti akong humakbang papalapit sa kanila na ikina inis ng babae.
"SIGE! SUBUKAN MONG LUMAPIT! IPUPUTOK KO TALAGA SAYO TONG BARIL NATO!" Sigaw niya habang nanlalaki pa ang kanyang mga mata. Pero hindi ako nakinig at tinitigan lang siya ng masama.
Akmang ipuputok na niya sana sakin ang baril ng marinig ko ang sigaw ni Leam.
"SHOT HER NOW!"
BANG!
BANG!
BANG!"Ahhhh sh*t!"
BINABASA MO ANG
MY KILLER HUSBAND
RomanceSa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangy...