CHAPTER 1.1

291 13 1
                                    

A/n: Pag pasyensyahan nyo muna kung may mga WRONG GRAMMAR. May oras para sa pag eedit ko.

Enjoy reading!
__________

LUMIPAS ang dalawang araw at tinotoo nga ni Dark ang sinabi nya. Kinulong nya ako dito sa kwarto at hindi pinapayagang kumain o lumabas. Feeling ko isa akong preso na hinatulan ng panghabang buhay na pagkakakulong.

"Bakit ba nararanasan ko ang mga paghihirap na ito." Hindi ko maiwasang itanong saking sarili. Hindi pako nagtatagal dito pero hirap na hirap nako. Hindi ko tuloy maiwasang umiyak.

Hindi ko maiwasang isipin ang nakaraan namin. Paano nga ba kami humangtong sa ganito? Paano ba sya naging ganito kasama? Dahil ba sakin yon... pero kasalanan naman niya!

So bakit ako?

Bakit ako ang nagdudusa imbis na sya? Ako tong niloko at nasaktan so bakit ako ang naghihirap at hindi sya. Bakit ang unfair? Why?

Ito ba ang kabayaran ng lahat?

[ FLASH BACK ]

July XX, XXXX

It's our first wedding anniversarry!! 

Masaya kong tinitigan ang regalo ko para kay Dark. Pregnancy test ito at positive ang naging resulta. Masaya ako kasi mabibigyan kona den sya ng anak. Ang tagal na naming hinintay ito at ngayon magiging Mommy at Daddy na kami!!

Sigurado akong magiging masaya sya dito hihi.

Patungo nako sa opisina ni Dark ng mapansin ko ang mga empleyado na nakatingin sakin. Ibang klase ang mga titig nila sakin na para bang may ipinapahiwatig pero binigyan ko lamang sila ng isang matamis na ngiti.

Siguro ay nagtataka lang sila kung bakit napapadalas ang pagbisita ko kay Dark. Well kung di nyo naitatanong, netong nakaraang buwan kasi ay naging busy ako kaya medyo diko na naasikaso si Dark.

Nang makapasok ng elevator ay pinindot kona ang 15 floor. Duon kasi naka locate ang opisina nya at pati ng secretary nyang si Andi. 

Habang pataas ng pataas ang bawat floor na naakyatan ko ay sya namang nagpapakabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan pero siguro dahil lang sa nagdadalang tao ako.

May nabasa nadin kasi akong book about sa pagbubuntis at nabanggit don na minsan ay nagiging weird ang pakiramdam neto.

*Ting*

Dali dali akong lumabas ng elevator at agad na tinahak ang opisina ni Dark. Pero agad din akong napatigil ng makitang wala si Andi sa opisina nya. Siguro ay inutusan lang ni Dark.

Dahil wala si Andi ay naisipan kona lang den sa ipagpatuloy ang pagpasok sa opisina ni Dark. Habang palapit ng palapit sa kanyang opisina ay nakakarinig ako ng ingay kaya lumapit pa ako.

"Kailan moba balak hiwalayan si Sam?" Rinig kong sabi ng isang babae. Parang boses ito ni Andi. Anong meron? Bakit pinag uusapan nila ako.

Nanatili muna ako sa labas ng opisina ni Dark at hindi na muna pumasok. Agad na sinakop ng kaba at takot ang puso ko ng dahil sa hindi maipaliwanag na nararamdaman.

"What the f*ck, Andi!? Sinabi kano sayo na kapag nagka anak na tayo tsaka ako mag fifile ng annulment kay Sam." Rinig kong sabi ni Dark na syang nagpaguho ng mundo ko. So all this time? Niloloko nya lang pala ako... ang sakit.

"Then do it! Buntis nako, magkakaanak na tayo." Mas domoble pa ang sakit na nararamdaman ko ng marinig ko ang sinabi ni Andi. Pero buntis din ako Dark. Pano naman kami! 

Nablanko na lang ang utak ko at namalayan ko na lang na sinasabunutan kona si Andi. Napuno na ng galit ang damdamin ko. Mga walanghiya sila! Parehas silang manloloko!

"B-Baby... f-f*ck stop it!" Mabilis na inawat kami ni Dark kaya agad agad kong tinulak si Andi sa sahig. 

Umiiyak na napaupo naman ito doon at masama akong tinitigan. Nag aalala naman syang tinulungan ni Dark na makatayo. At talagang sya pa ang inaalala nya at hindi ako. 

Ako ang asawa nya!

"Pano mo nagawa sakin to Dark?" Hindi kona maiwasang maiyak dahil sa sobrang sakit. Akala ko magiging masaya na kami, pero akala ko lang pala.

Hindi sya sumagot at nayuko na lang. Kita kong naiiyak nadin sya ng dahil sa mga nangyayari. "Akala ko iba ka sa ibang lalaking mga nakilala ko pero hindi pala... isa kadin pala."

Kita kong natigilan ito sa sinabi ko. Siguro ay natamaan sya. "I-Im sorry..."

"Sorry? Yan lang ba ang sasabihin mo matapos ng lahat ng to? A-Ang sakit, Dark! ANG SAKIT SAKIT!" Tuluyan nakong napahagulgol. "San bako nagkulang, Dark? Tell me... TELL M-" he cut me off.

"DAHIL HINDI MOKO MABIGYAN NG ANAK SAM!" Sigaw nya. Natahimik naman ako dahil sa pagka bigla. 

"Pero nabigyan na kita ng anak, Dark. Buntis din ako!" Gusto kong sabihin at isigaw sakanya ang mga katagang yan pero mas pinili kona lamang na manahimik.

"All i want i-is a c-child...a baby! P-Pero dimo mabigay yon." Puno ng lungkot nyang ani. "Kaya n-nag hanap ako ng iba at s-si--."

"At si Andi nakita mo?" Walang emosyon kong sabat. Muli nanamang nag lihab ang galit sa dibdib ko kaya ng makita ko ang tuwang tuwa nasi Andi ay mabilis ko syang nilapitan at sinabunutan. 

"Ikaw pinagkatiwalaan kita! Pero hindi ko alam na mang aagaw ka pala! AHAS!"

"S-Sam n-no Ahhhhh! Dark h-help!" Sigaw nito. Sasampalin kona sana sya ng may tumulak na lang sakin papalayo sakanya. Dahil nakasoot ako ng takong ay na out of balance ako na ikina bagsak ko sa isang lamesa.

Ramdam ko ang sakit saking tagiliran ng tumama ang kanto ng lamesa sakin. Napasigaw ako sa lakas ng pagkakabagsak ko at biglang nahirapan huminga.

"Ahhhhh!" Mahigpit kong hinawakan ang tiyan ko ng biglang sumakit. Kita kong natigilan si Dark sa kanyang kinatatayuan ng dahil sa nangyari.

"S-Sam! Sh*t this is all my fult!" Malutong na mura nya at agad na lumapit sakin. Napaigik naman ako ng mas lalo pang sumakit ang tsan ko. Napaiyak na lang ako ng makitang may dugo sa puti kong dress na suot.

"N-No please n-not my baby!" Naisigaw ko at tsaka nanghihinang himingi ng tulong. Muli nanamang natigilan si Dark sa paglapit sakin at gulat na nakatitig sakin.

"S-Sam... Im s-sorry, B-Baby. F*ck!" 

"A-Ang anak ko Dark p-please help m-me." Bulong ko habang pinipilit na bumangon pero agad din akong nanghina at nawalan na ng malay.

-

[ END OF FLASH BACK ]

At parang isang bangungot ang araw nayon. Nagising na lang ako na nasa hospital at wala na ang anak ko.

Sinisi ko ang lahat kay Dark

At simula din non ay hindi kona kinausap pa si Dark at nag file na ng annulment. Para saan pa kung ipagpapatuloy ko ang pagmamahal ko sakanya kung hindi naman ako ang mahal nya.

Ng makarecover ako sa hospital non ay dali dali akong lumuwas papuntang London at duon na naisipang mag stay. Hindi na sana ako babalik dito kung hindi lang ako pinilit na bumalik dito ni Mommy.

Pero kung kelan ako bumalik dun na nagsimulang humakbang si Dark para bawiin akong muli. Pinatay nya pa si Daddy ng dahil sa kademonyohan nya! 

Wala syang kasing sama.

Napasinghap na lang ako at agad na pinunasan ang basa kong pisngi. Pano kaya kung hindi namatay ang baby namin ni Dark. Pipigilan nya siguro ang Daddy nya sa mga ganitong bagay at proprotektahan nya siguro ako.

Napangiti na lang ako sa kawalan at maraang hinimas ang tsan ko. Hindi ko man naranasan ng matagal yun atlis nagkaroon ako ng pagkakataong maramdaman yon.

MY KILLER HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon