Chapter 8

250 11 0
                                    

Dark POV.

Lumipas ang tatlong araw pero hindi padin nahahanap si Samara. Wala parin kaming nakikitang lead kung sino ang mga dumakip sakaniya.

Sa tatlong araw din na nagdaan ay wala akong ginawa kundi ang hanapin ng hanapin si Samara. Hindi ako napapakale sa tuwing naiisip ko ang kalagayan ni Samara sa kamay ng mga iyon. Ni hindi kodin alam kung okay ba siya o hindi.

"We have a cctv footage here, Dark. I told you hindi nga siya dinakip ng mga armanong grupo na iyon." Leam said habang pinapanood ng makailang ulit ang nakuhang eksena ng cctv habang dinadakip si Samara. 

Makailang ulit na niyang sinasabi sakin na hindi dinukot si Samara at tumakas lang daw ito sa puder ko. Tatlong araw niya akong kinukulit at halos mag away na kami dahil hindi ko siya pinaniniwalaan. Hindi magagawa ni Sam iyon!

Hindi nga ba... talaga?

"Shut up Leam! Tigil tigilan mo ako at baka masapak sita ng wala sa oras." Pagbabanta ko dito at hindi na siya pinansin. Nilunod ko na lang ang sarili ko sa tambak tambak na papeles dito sa opisina ko.

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Bakit ba ayaw mong panoodin itong cctv footage? Ayaw mo bang malaman ang totoo?" Agad na sinamaan ko siya ng tingin sa sinabi niya at padabog na tumayo. 

"Fine!" Sabi ko at tsaka lumapit sakanya. Sinimulan na niya ang pag play ng video.

Sa CCTV 01 nagsimula si Leam. Kita namin sa video pag biglang pag parada ng itim na Van sa gate ng bahay. Ang sunod na nangyari ay nagkakabarilan na sila limang nakaitim na tao ang pumasok sa bahay at isa isang pinatay ang mga tauhan ko ng matapos ang video ay nalipat naman sa CCTV 02 ang pinapanood namin. 

Kita ko ang pag gapang ni Sam sa sala para maiwasan ang mga balang tumatagos sa bintana. Gumapang siya hanggang sa makalabas ng bahay ngunit napahinto siya ng harangan siya ng isang babaeng nakamaskara.

Nangunot ang noo ko ng mapanood ang eksenang hindi ko inaasahan. Tuwang tuwang niyayakap ni Samara ang babaeng isa sa mga sumugod dito para dakpin siya.

"Fuck! I can't beleive this." Bulong ko. Parang tinusok ng libo libong kutsilyo ang puso ko ng malamang kusa siyang sumama sa mga iyon. 

Hindi! Hindi ka makakatakas sakin Samara!

"I told you, Dark. Tumakas siya. Plinano ang lahat ng ito." Seryosong sabi ni Leam.

"This is bullshit! Alamin nyo kung sino ang mga nagpatakas sakaniya!" Sigaw ko sa mga tauhan ko na agad namang naglaho. Halos manginig ang buong sistema ko sa mga nakita ko. Ang buong akala ko dinakip siya! Akala ko lang pala iyon!

Hindi ako makapapayag na malayo ka ulit sakin Sam. Pinag bigyan na kita nung una pero hindi na ngayong pangalawa. Hinding hindi na ulit.

Sisiguraduhin kong mamamatay ang lahat para maging sakin kana ulit.






Sam POV.


Naalimpungatan ako ng maramdamang may humahaplos sa hita ko. Kaya agad akong napabangon. Ngunit halos umikot ang buong paningin ko dahil sa pagkahilo. 

"Your awake." Sabi ng lalaking katabi ko ngayon dito sa kama. Halos manginig ako sa takot ng maalala ko ang mga nangyari kahapon. 

Naalala kong kamuntikan na akong magahasa ng lalaking ito! 

"D-Don't touch me! Lumayo ka saken!" Pagtataboy ko sakanya at tinulak siya ng malakas pero hindi ito natinag.

"I know you like me too Sam. Masyado ka lang pakipot." Nakangiti nitong sabi sakin pero hindi ko siya pinansin. Nahihibang na ang lalaking ito. Kahit kailan man ay hinding hindi ako magkakagusto sa katulad niyang baliw pati nadin ang kapatid niyang babae.

MY KILLER HUSBANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon