CHAPTER 3
MAAGA akong nagising ng maramdamang wala nakong katabi. Mabuti naman at wala sya atlis hindi kona ulit makikita ang masama niyang mukha.
Iika ika naman akong pumasok ng banyo at agad na naglinis ng katawan. Ramdam ko ang lamig ng tubig na mabilis na humahaplos sa balat ko. Hindi ko tuloy maiwasang isipin ang huling sinabi ni Dark bago sya makatulog.
"I can't wait to have a baby from you, Wife."
Bakit kaya gusto niyang magka anak kami ulit? Bakit hindi na lang yung babae nya ang buntisin nya at palayain na lang ako tutal sya naman ang mahal niya at hindi ako.
So why me?
Napahilamos na lamang ako sa mga naiisip ko. Bakit koba iniisip ang dalawang iyon?
"Eh ano ngayon kung sya ang mahal ni Dark at hindi ako? Pwede ko namang agawin ulit si Dark sakanya e." Wala sa sariling sabi ko sa kawalan. Agad akong napatuktok sa ulo ko ng matauhan.
"What the heck, Sam! Argh!" Binilisan kona lamang ang pagkuskos ng katawan at agad na bumangon sa battub. Ganon na lamang ang pagkawindang ko ng maalalang hindi ko nga pala nadala ang tuwalya dito sa loob.
Bakit parang minamalas ako ngayon?
Kabado ko namang binuksan ng bahagya ang pintuan ng cr at sumilip sa labas. Wala naman akong nakitang tao kaya nagmamadali kong pinuntahan ang walk in closet.
Halos masira kona nga ang hanger dahil sa pagmamadali ko. Akmang ibabalot kona sana ang tuwalya sa katawan ko ng mahuli ako sa akto ni Dark.
"Nice view." Agad na umakyat ang dugo ko sa katawan ng makita syang nakatingin sakin. Putragis kung minamalas ka nga naman sam oh!
"I-I know! W-Wag ka nga tumingin." Nahihiya kong iniiwas ang mukha ko sakanya pagkatapos ay bumalik na sa loob ng banyo.
Napatakip na lamang ako ng mukha ng makita ang sariling repleksyon ko sa salamin ng makita ang maala kamatis kong mukha. Napahiya ako don ah! Buset bat ba kasi nagiging ulyanin nako.
-
Dark POV.Labis ang pagka mangha ng binata ng masilayang muli ang napaka gandang pangangatawan ng dalaga kanina. Parang gusto nya nanaman itong angkinin muli.
"Hindi padin talaga sya nagbabago tsk." Napapailing na sabi nito sa sarili. Ganitong ganito din kasi ang dalaga noon nung mag asawa pa sila at wala pang kaproble problema sa buhay noon.
Napasinghap na lamang ang binata ng maalala ang nakaraan. Sa tuwing naalala nya kasi ito ay muli nanaman syang nilalamon ng kalungkutan. Parang gusto nyang mag time travel papunta sa nakaraan at baguhin ang kanyang mga ginawa.
Simula ng malaman niyang namatay ang anak nila ng dalaga ay labis siyang nagsisi sa lahat. Ni wala man lang siyang nagawa para alagaan ang mag ina nya, imbis kasi na ingatan ay sya pa ang naging dahilan kung bakit namatay ang batang dinadala ng kasintahan noon.
Dala din ng sobrang paghihinagpis noon ay dumagdag pa ang naging Kabit nito na si Andi na hindi din nag tagal ay pumanaw din matapos magpakamatay.
Nalaman niya kasi ang itinatagong baho ng babae nya. Nalaman niyang hindi pala sakanya ang batang dinadala nito at ginagamit lang ang bata para masira sila ng asawa noon.
Ganon na lamang ang galit niya kay Andi ng mga araw na iyon at pinag bantaan niyang ipapakulong ang babae. Dahil naman sa sobrang takot ni Andi ay napunta sa pagka depress ang nararamdaman niya at nauwi ito sa isang hindi inaasahan na pangyayari.
That was 5 years ago at hanggang ngayon ay nagsisisi padin ako sa nangyari. Alam kong labis kong nasaktan si Sam noon at pati ngayon pero ito lang ang tanging paraan ko para makuha ko sya muli.
BINABASA MO ANG
MY KILLER HUSBAND
RomansaSa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangy...