Halos hindi na ako makahinga dahil sa pag pipigil ko ng hikbi. Sa wakas at nawala nadin ang kaba ko at matutuloy kona den ang plano ng maayos.
It's negative.
Kaya ganon na lamang ang tuwa ko na halos atakihin na ako ng hika ko. Nanginginig kong pinunasan pisngi ko at huminga ng malalim.
Inhale.
Exhale.*Tok*
*Tok*"Ma'am okay lang ho ba kayo diyan? Nag aalala na ho ako." Rinig kong sabi ni Yaya len sa labas ng banyo.
Muli ko namang sinilip ang itsura ko sa salimin at ngumiti. Okay na ang lahat Sam. Wala ng madadamay na inosente sa problema mo.
Hawak hawak ko ang dalawang pregnancy test ng lumabas ako ng pinto pero agad akong napahinto ng makita ko si Dark na nakaupo sa kama.
"M-Ma'am a-ano kasi... k-kanina pa ho kasi nandito si Sir." Utal utal na paliwanag niya at napayuko. "Sorry po Ma'am."
"It's okay Yaya len, you my leave." Maotoridad na utos nito na agad namang sinunod ni Yaya len. Agad ko namang itinago sa likod ko ang dalawang pregnancy test na hawak ko at natatakot na yumuko.
"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko alam kung san ko nakuha ang lakas ng loob ko at hindi ako nag kanda utal utal sa sinabi ko. Ayokong malaman niya na gumamit ako ng pregnancy test baka kung ano pa ang gawin niya sakin.
"Let me see the result first." Malamig na turan nito. Blangko lamang ang mukha ni Dark kaya hindi ko mabasa ang nasa isip niya. Alam ba niya?
Nangunot ang noo ko at inosente syang tinignan. "What do you mean, Dark? Anong result ang pinag sasabi mo?"
"You can fool other peaple but not me, Samara Go Madrigal." Halos masuka ako ng banggitin niya ang full name ko kasama ang apilyedo nya. Duh hiwalay na nga kami bat ba ang tigas ng ulo netong lalaki nato.
"I am not your Wife anymore Mr. Darkxel Madrigal." Pag tatama ko sa sinabi niya na ikina ngisi niya lang. Baket? Totoo naman na hiwalay na kami noon pa.
"You sure? Ang pagkakaalam ko kasi ay hindi ko pinirmahan ang Annulment na ipinadala ng abogado mo." Tila parang nang aasar niya akong tinignan. What!? No way!
"What do you mean?" Nagtataka ko siyang tinignan na ikina lawak pa ng ngisi niya.
"Oh you didn't know? Poor you." Nang uuyam niyang sabi at bahagya pang tumaya na mas lalong ikina inis ko. All i know is hiwalay na kami how come na hindi niya pala pinirmahan iyon.
"Argh! Fuck you Dark! I really hate you!" Sigaw ko at binato siya ng hawak ko. Akmang susugurin ko siya ng makita ko ang dalawang puti na nagkalat sa sahig.
"What's this?" Shit! Nagkamali ako ng binato!
Pupulutin kona sana yung dalawang pregnancy test ng madampot na niya ang isa at mabilis na tinignan. Napalunok na lamang ako ng kumunot ang noo nito at galit na napabaling sa isa pang pregnancy test.
Patay!
"Negative?" Rinig kong bulong niya. "So i failed."
Blakong ekspresyon ang iginawad nito sakin pagka tapos ay nakapamulsang tumayo.Taas noo ko siyang hinarap. "Hinding hindi ka magkakaroon ng anak sakin, Dark! Hindi na ulit." Halos tusukin ng karayom ang puso ko ng masilayan ko ang pagka lungkot sa mukha niya sa sinabi ko. Bakit siya nalulungkot? Kasalanan niya din naman iyon.
Hindi kasi mabilis ang sperm niya kaya ayan ang kunalabasan-- ay ano bayan!
.
THIRD PERSON POV"Nakakainis talaga tong Sam nato! Onting kembot na lang sana sakin na si Dark pero itong hampaslupa na babaitang to bumalik pa! Nakakainis!" Reklamo ni Stacy at padabog na umupo sa sofa. Napangisi na lang ako at napailing iling.
"Stupid." Tipid kong sabi na agad niyang ikina lingon. She's really a stupid person. Kung mabilis lang siyang kumilos ay nasungkit na niya sana ang puso ng lalaking iyon.
"How dare you to say that! Kung ikaw kaya ang lumandi sa lalaking iyon. Argh! Kung wala lang akong mapapala dito edi sana hindi ako naghihirap ng ganto."
"Don't tell me na suko kana agad? Remember this Stacy si Darkxel Madrigal ang pumatay kay Andi... sa kapatid mo!" Pag papaalala ko sakanya. Mahirapa na at baka mawala sa plano ko ang lahat kapag sumuko ang tanga tanaga na babaing ito.
"Yeah your right. Hindi ko lang maiwasan na mahirapan sa lalaking iyon. Wala na akong maisip na plano." Problemadong sabi niya at tsaka hinilot ang sintido. Agad naman akong napatayo at lumapit sakanya para ako ang mag hilot ng noo sintido niya.
"Magpabuntis ka kay Dark." Mabilis kong sabi na ikina kunot ng noo niya. I know i'm crazy.
"No way! I can't lose my sexy body." Maarteng depensa niya at tinulak ako. Agad na napa cross arm ako at tinarayan siya. Itong babaeng tanga na ito! Parehas talaga sila ng kapatid niyang si Andi na takot.
"Just do it Stacy! Kung mabubuntis ka ni Dark wala na silang pag asa na magkabalikan ni Samara." Pagpapaliwanag ko na kanya namang ikina tango. Palihim na napangisi ako ng tumango tango ito. Tama, ganyan nga Stacy.
Mag paka tanga ka lang at sumunod sa mga inuutos ko."Osige na nga! Basta siguraduhin nyo lang ng Kuya mo na hindi na makakabalik si Samara kay Dark ulit kapag nagtagumpay ako kay Dark." Agad na tumango ako sa sinabi niya at marahang hinimas himas ang mahaba nitong buhok.
"Don't worry Stacy. Me and my Kuya will help you." Malambing kong sabi at matamis siyang nginitian. Soon mapapasakamay nadin ni kuya si Samara na alam naming ikakabagsak mo Dark.
Sa ngayon sulitin muna niya ang mga sandaling kasama niya si Samara dahil di magtatagal ay mapapasakamay naman namin si Samara.
Samara Go... my lovely toy.
.
===========
A/n: Akala nyo si Stacy lang ang kontrabida no? HAHAHAmarami rami pang pasabog ang maibubuniyag kaya hinay hinay lang Charmies. Wag po tayong atat haha charot.
BINABASA MO ANG
MY KILLER HUSBAND
RomanceSa dating masayang relasyon ay hindi mo aakalaing paghihiwalayin pa ito ng mapaglarong tadhana. Maswerte na sana sila sa isa't isa ngunit tignan mo nga naman ang tadhana. Pilit ipinaglalayo ang dalawang dati ay ipinagtatagpo niya. Ganyan ang nangy...